DepEd Fort Del Pilar National High School

Call Directions Contact the organization

DepEd Fort Del Pilar National High School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Fort Del Pilar National High School, Government Organization, PMA Compound, Baguio City.

29/10/2026

This Mental Health Awareness Month, the RESET (Renewal through Empathy, Self-Awareness, Emotional Wellness, and Transformation) Club raises awareness about mental health, its importance, and ways to cope with life’s challenges. Remember that you are not alone. The RESET Club is here to support peers with empathy and understanding.
For further intervention or mental health concerns, kindly visit the Care Center. Together, let’s understand that sometimes the bravest thing you can is ask for help. You are not alone.


𝗗𝗮𝗹𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻, 𝗻𝗮𝗻𝗮𝗶𝗴 𝘀𝗮 𝗔𝗹𝗻𝘂𝘀 𝘀𝗮 𝘃𝗼𝗹𝗹𝗲𝘆𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗯𝗼𝘆𝘀Nanaig ang koponan ng 8-Dalandan laban sa 8-Alnus sa larong volleyball boys ...
28/10/2026

𝗗𝗮𝗹𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻, 𝗻𝗮𝗻𝗮𝗶𝗴 𝘀𝗮 𝗔𝗹𝗻𝘂𝘀 𝘀𝗮 𝘃𝗼𝗹𝗹𝗲𝘆𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗯𝗼𝘆𝘀

Nanaig ang koponan ng 8-Dalandan laban sa 8-Alnus sa larong volleyball boys matapos magtala ng iskor na 15–13 noong Oktubre 28 sa Alumni Hill ng Fort Del Pilar National High School (FDPNHS).

Naging dikit ang labanan ng dalawang koponan, na nagpakita ng husay at determinasyon upang makuha ang panalo sa naturang paligsahan bilang bahagi ng Intramurals 2026 ng paaralan.

Sa huli, nagawang makalamang ng 8-Dalandan sa isang puntos, 15–13, laban sa 8-Alnus sa larong nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan at pagpupursige sa loob ng palaruan.

✍️📷 Princess Mae Mangunay

7-𝘾𝙖𝙢𝙞𝙖, 𝙣𝙖𝙣𝙖𝙞𝙜 𝙨𝙖 7-𝘽𝙚𝙜𝙤𝙣𝙞𝙖 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙧𝙤𝙣𝙜 𝙫𝙤𝙡𝙡𝙚𝙮𝙗𝙖𝙡𝙡 𝙜𝙞𝙧𝙡𝙨Nanaig ang seksiyong 7-Camia laban sa 7-Begonia sa iskor na 10–9 ...
28/10/2026

7-𝘾𝙖𝙢𝙞𝙖, 𝙣𝙖𝙣𝙖𝙞𝙜 𝙨𝙖 7-𝘽𝙚𝙜𝙤𝙣𝙞𝙖 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙧𝙤𝙣𝙜 𝙫𝙤𝙡𝙡𝙚𝙮𝙗𝙖𝙡𝙡 𝙜𝙞𝙧𝙡𝙨

Nanaig ang seksiyong 7-Camia laban sa 7-Begonia sa iskor na 10–9 sa larong volleyball na ginanap noong Oktubre 27, sa Fort del Pilar National High School (FDPNHS).

Ipinamalas ng mga manlalaro ng 7-Camia ang determinasyon at pagtutulungan upang makuha ang panalo laban sa 7-Begonia. Naging mahalaga ang kanilang pagkakaisa at pagsisikap sa pag-abot sa tagumpay.

Bagama't hindi pinalad ang 7-Begonia, ipinakita rin ng pangkat ang kanilang pagsisikap at kahandaang makipagtagisan sa laro. Pinatunayan ng dalawang seksiyon na mahalaga ang disiplina, tiyaga, at pagtutulungan sa larangan ng palakasan.

Nagsilbi ring pagkakataon ang naturang laro upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa volleyball at maitaguyod ang magandang ugnayan sa pagitan ng mga manlalaro.

Higit sa resulta ng laban, mahalagang pairalin ang sportsmanship at paggalang sa kapwa manlalaro upang maging makabuluhan ang bawat kompetisyon.

✍️ Princess Krysta Reyes
📷 Princess Mae Mangunay

𝗙𝗗𝗣𝗡𝗛𝗦, 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗹𝗶𝗴𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗯𝘂𝗹𝗹𝘆𝗶𝗻𝗴Nagsagawa ng Poster-Making Contest ang Fort Del Pilar National ...
26/10/2026

𝗙𝗗𝗣𝗡𝗛𝗦, 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗹𝗶𝗴𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗯𝘂𝗹𝗹𝘆𝗶𝗻𝗴

Nagsagawa ng Poster-Making Contest ang Fort Del Pilar National High School (FDPNHS) noong Oktubre 22–23 bilang bahagi ng kampanya ng paaralan laban sa pambu-bully o pang-aapi, na may temang “Standing Up, Standing Together.”

Lumahok sa paligsahan ang mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang Baitang 12 upang maipahayag sa pamamagitan ng pagguhit at pagpipinta ang kanilang mga panawagan laban sa bullying at maisulong ang paggalang, pagkakaisa, at pagtutulungan sa loob ng paaralan.

Ang paligsahan ay inorganisa ng paaralan sa pangangasiwa nina Fan-ngan Sagorsor, Juliet Lagan, at Stephanie Pogongan.

Noong Oktubre 22, sinimulan ng mga kalahok ang pagbuo ng kanilang mga poster na naglalayong maghatid ng mensahe tungkol sa pag-iwas sa bullying. Ipinagpatuloy naman nila ang pagguhit at pagpipinta noong Oktubre 23 upang maisakatuparan ang kanilang mga konsepto at maipakita ang kanilang pagkamalikhain.

Tatlong pamantayan ang ginamit sa paghusga sa mga likha ng mga kalahok: linaw at pagkakaugnay-ugnay ng nilalaman (40%), kaangkupan ng mensahe sa paksa (30%), at pagkamalikhain (pagkaorihinal ng konsepto) (30%).

Sa pamamagitan ng gawaing ito, hinikayat ang mga mag-aaral na gamitin ang sining bilang daluyan ng pagpapahayag ng kanilang paninindigan laban sa bullying at pagsusulong ng ligtas at mapayapang kapaligiran sa paaralan.

Alinsunod sa temang “Standing Up, Standing Together,” binibigyang-diin ng paligsahan ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos, pagtindig para sa tama, at paggalang sa bawat isa upang maiwasan ang anumang uri ng pang-aapi.

✍️ Princess Krysta Reyes
📷 Contributor

PALIGSAHAN SA PAGPINTA KONTRA BULLYINGTwo days. Two representatives from each class. Countless colors, ideas, and storie...
23/10/2026

PALIGSAHAN SA PAGPINTA KONTRA BULLYING

Two days. Two representatives from each class. Countless colors, ideas, and stories; one message stands out: bullying prevention.

From the first sketch to the final stroke, our students showcased not only their talents but also their courage to stand for something that truly matters.

Held on October 22–23, this activity reminds us that art is more than what meets the eye, it can be a voice for the unheard, a stand for the vulnerable, and a powerful call for change.

At the end of the competition, regardless of their age or grade level, it is not just about whose painting stands out, but about the message that stays with us long after the colors have dried. Every student deserves to feel safe, accepted, and valued. No one should have to face bullying alone.

Always remember that every student can make a difference.



𝘽𝙚𝙜𝙤𝙣𝙞𝙖, 𝙣𝙖𝙣𝙖𝙞𝙜 𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝘿𝙖𝙡𝙝𝙞𝙖 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙨𝙠𝙚𝙩𝙗𝙖𝙡𝙡NAGWAGI ang koponan ng Begonia laban sa Dalhia sa iskor na 19–11 sa larong ...
22/10/2026

𝘽𝙚𝙜𝙤𝙣𝙞𝙖, 𝙣𝙖𝙣𝙖𝙞𝙜 𝙡𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝘿𝙖𝙡𝙝𝙞𝙖 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙨𝙠𝙚𝙩𝙗𝙖𝙡𝙡

NAGWAGI ang koponan ng Begonia laban sa Dalhia sa iskor na 19–11 sa larong basketball na ginanap sa Alumni Hill ground ng Fort Del Pilar National High School (FDPNHS), Oktubre 22.

Nagtunggali ang dalawang koponan sa isang kapana-panabik na laro kung saan ipinamalas ng mga manlalaro ang kanilang husay, determinasyon, at pagkakaisa sa loob ng court.

Mula sa unang pito ng referee, agad na nagpakita ng agresibong laro ang Begonia sa pamamagitan ng mabilis na pasa, maayos na estratehiya, at matibay na depensa. Nakatulong din ang koordinasyon ng mga manlalaro upang makakuha sila ng mga puntos at mapigilan ang pag-atake ng kalaban.

Gayunman, hindi basta sumuko ang Dalandia. Sa kabila ng lamang ng kalaban, ipinakita ng koponan ang determinasyon at patuloy na pagsisikap hanggang sa huling segundo ng laro.

Sa huli, napanatili ng Begonia ang kalamangan at nasungkit ang panalo sa iskor na 19–11. Ipinakita ng laban na hindi lamang husay sa paglalaro ang mahalaga sa basketball, kundi pati ang pagtutulungan, disiplina, at katatagan ng loob.

✍️📷 Vyiene Gabrielle Sardeña

𝟳-𝗖𝗔𝗠𝗜𝗔, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝟳-𝗔𝗡𝗧𝗛𝗨𝗥𝗜𝗨𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟Nanaig ang pangkat ng 7-Camia laban sa 7-Anthurium sa larong basketball na g...
22/10/2026

𝟳-𝗖𝗔𝗠𝗜𝗔, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝟳-𝗔𝗡𝗧𝗛𝗨𝗥𝗜𝗨𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟

Nanaig ang pangkat ng 7-Camia laban sa 7-Anthurium sa larong basketball na ginanap noong Oktubre 21, 2026, sa Alumni Hill Grounds ng Fort del Pilar National High School (FDPNHS), bilang bahagi ng Intramurals 2026.

Nagtala ang 7-Camia ng 29 puntos upang makuha ang panalo, samantalang nakapagtala naman ng 17 puntos ang 7-Anthurium.

Pinangunahan ni Jayrhanz Z. Danao ang pangkat ng 7-Camia sa pagkamit ng panalo sa pamamagitan ng kaniyang mga puntos sa laro.

Bagama’t hindi nagwagi, ipinakita rin ng 7-Anthurium ang determinasyon at pagsisikap sa pakikipaglaban sa katunggali. Nakatulong ang suporta at motibasyon mula sa mga g**o, kaklase, at kaibigan upang mapanatili ng mga manlalaro ang kanilang kumpiyansa.

Sa kabila ng kompetisyon, nanaig ang diwa ng pagkakaisa, paggalang, at sportsmanship sa pagitan ng dalawang pangkat. Ipinakita ng mga manlalaro na higit sa panalo o pagkatalo, mahalaga ang pagtutulungan, disiplina, at paggalang sa kapwa sa loob ng palaruan.

✍️📷 Princess Krysta Reyes
✍️📷 Vyiene Gabrielle Sardeña

𝟴-𝗗𝗔𝗟𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗡𝗢𝗠𝗜𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝟴-𝗔𝗟𝗡𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗧𝗥𝗔𝗠𝗨𝗥𝗔𝗟𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲Nanaig ang Grade 8-Dalandan laban sa Grade 8-Alnus sa ...
20/10/2026

𝟴-𝗗𝗔𝗟𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗡𝗢𝗠𝗜𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝟴-𝗔𝗟𝗡𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗧𝗥𝗔𝗠𝗨𝗥𝗔𝗟𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲

Nanaig ang Grade 8-Dalandan laban sa Grade 8-Alnus sa larong basketball na ginanap noong Oktubre 19 sa Alumni Hill bilang bahagi ng Intramurals 2026 ng Fort Del Pilar National High School (FDPNHS).

Batay sa talaan ng iskor, pinangunahan ng 8-Dalandan ang bawat round ng laro matapos makapagtala ng 26 puntos sa unang round, 21 sa ikalawa, 30 sa ikatlo, at 44 sa final round. Samantala, nakapagtala naman ang 8-Alnus ng 16, 13, 17, at 24 na puntos sa bawat round.

Sa kabuuan, nagtala ang 8-Dalandan ng 121 puntos, habang nakakuha naman ng 70 puntos ang 8-Alnus, na nagresulta sa 51 puntos na lamang ng Dalandan.

Nagsilbing referee sa naturang laban si Cydrix Jhon De Guzman, coach at sports coordinator ng paaralan, na namahala sa pagpapatupad ng mga tuntunin ng laro.

Bahagi ang paligsahan ng taunang intramurals na naglalayong maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa palakasan, disiplina, pagtutulungan, at sportsmanship.

✍️📷 Glorivy A. Luyo
📷 Princess Mae Mangunay

𝗙𝗗𝗣𝗡𝗛𝗦, 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻Nakiisa ang mga g**o, mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 12, at ilang...
16/10/2026

𝗙𝗗𝗣𝗡𝗛𝗦, 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻

Nakiisa ang mga g**o, mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 12, at ilang magulang ng Fort Del Pilar National High School (FDPNHS) sa isinagawang malawakang paglilinis ng paaralan ngayong Biyernes, Oktubre 16, mula alas-3 hanggang alas-3:45 ng hapon, bilang suporta sa Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) na pinamumunuan ni Rutchel Quioas, YES-O coordinator

Saklaw ng paglilinis ang loob at labas ng mga silid-aralan. Kabilang sa mga gawaing isinagawa ang paglilinis ng sahig, bintana, bentilador sa kisame, dingding, estante ng mga aklat, kabinet, locker, at mga halamang nasa loob ng silid. Isinagawa rin ang pagkukumpuni ng mga sirang upuan at paglilinis ng mga basahan.

Nilinis din ang mga halaman sa labas ng silid-aralan, bubong, kanal, at mga bahaging naka-landscape na kapareho ng mga lugar na nilinis noong nakaraang taon ng panuruan.

Pinangasiwaan at sinusubaybayan ng mga g**ong tagapayo ang paglilinis ng kani-kanilang klase. Hinati sa mga pangkat ang mga mag-aaral at itinalaga ang kanilang mga gawain. Samantala, ang mga g**ong walang advisory class ang nangasiwa sa paglilinis ng mga tanggapan ng paaralan.

Binigyan naman ng mga gawaing pagbasa ang mga mag-aaral na kabilang sa ARAL Program upang maipagpatuloy ang kanilang pagkatuto.

Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng paaralan at mapalakas ang pakikiisa ng mga g**o, mag-aaral, at magulang sa pangangalaga sa kapaligiran.

✍️📷 Glorivy A. Luyo

Address

PMA Compound
Baguio City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63746194417

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Fort Del Pilar National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Fort Del Pilar National High School:

Shortcuts

Share

Nearby government services