10/11/2026
𝗕𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗠𝗼𝗿𝗼𝗻𝗴 | 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲
Ginanap po kahapon ng umaga sa Municipality of Morong Bataan ang seremonya ng pagtataas ng bandila bilang bahagi ng programang Bisita Bayan kada Buwan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan. Ibinahagi ni Governor Joet Garcia ang mga bagong ulat at datos na nakatugon sa kalusugan ng mga mamamayan, mga bisitang turista sa bayan, mga insidente sa kalsada, at iba pang mga usapin na kailangang matugunan.
Sa pamumuno ni Mayor Leila Linao-Muñoz, ang Bayan ng Morong ay nagtala ng Zero sa Maternal Death mula 2024 hanggang sa kasalukuyang taon. Isang patunay ng pagsisikap at pagkakaisa para sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan.
Pagkatapos, nagsagawa rin po ng Legislative Alignment Meeting ang Sangguniang Panlalawigan ng Bataan kasama ang Sangguniang Bayan ng Morong Bataan sa pamumuno ni Vice Mayor Chermaine L. Garcia-Sibug, MD, at ang mga Punong Barangay sa Bayan ng Morong.
𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑴𝒂𝒍𝒖𝒔𝒐𝒈 𝒂𝒕 𝑴𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒕𝒂𝒆𝒏𝒐!
**gGalicia