LTO Bayambang District Office D'Best

Directions

LTO Bayambang District Office D'Best LTO Bayambang District Office

29/10/2026
29/10/2026

𝐋𝐓𝐎, 𝐈𝐑𝐄𝐑𝐄𝐕𝐎𝐊𝐄 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐃𝐑𝐔𝐍𝐊 𝐀𝐓 𝐃𝐑𝐔𝐆𝐆𝐄𝐃 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒; 𝐈𝐆𝐈𝐍𝐈𝐈𝐓 𝐃𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐒𝐄𝐒𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐇𝐔𝐇𝐔𝐋𝐈

Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang mahigpit na pagsunod ng mga deputized law enforcement officers sa tamang proseso ng panghuhuli sa mga motorista na nagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alak o droga, alinsunod sa Republic Act (RA) No. 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Sa pamamagitan ng Memorandum No. MVL-2026-242, inatasan ang mga law enforcement officers na sundin ang tamang pagkakasunod-sunod ng pagsusuri bago hulihin ang isang driver na pinaghihinalaang nagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alak.

Kapag bumagsak ang driver Field Sobriety Test, saka isasagawa ang pagsusuri gamit ang awtorisadong breath analyzer upang masukat ang antas ng alkohol sa katawan. Hindi ito maaaring gamitin bilang unang pagsusuri o nag-iisang batayan ng paunang screening.

Bukod sa mga parusang maaaring ipataw matapos ang criminal conviction sa ilalim ng RA No. 10586, binigyang-diin din ang hiwalay na kapangyarihan ng Assistant Secretary sa ilalim ng Section 27(a) ng RA No. 4136 na i-revoke ang lisensya ng mga driver na inirekomenda ng Law Enforcement Service (LES) para sa kakukulang aksyon at hindi pumasa sa pagsusuri gamit ang Alcohol Breath Analyzer (ABA), kung mapatunayang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Dahil dito, kailangang isumite ng LES sa Intelligence and Investigation Division (IID) ang mga rekord ng bawat apprehension, kabilang ang mga kasong tumanggi ang driver sa pagsusuri, para sa kaukulang pagsusuri at aksyon.

“Gusto nating matiyak na walang driver na makapagmaneho nang lasing o nasa impluwensiya ng droga nang hindi napapanagot sa batas. Pero mahalaga ring tama ang proseso ng panghuhuli dahil ang pagpapatupad ng batas ay dapat mahigpit, maayos, at walang pagkukulang,” saad ni Asec. Lacanilao.

Sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas at pagsunod sa tamang proseso, patuloy na isinusulong ng LTO ang kaligtasan sa kalsada at pananagutan ng mga lumalabag. Pinapaalalahanan ang lahat ng motorista na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kanilang sarili at sasakyan bago bumiyahe, at iwasan ang pagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alak o droga upang mapanatili ang kaligtasan sa kalsada.

29/10/2026
27/10/2026

Address

JP Rizal Street Poblacion Sur Bayambang Pangasinan
Bayambang
2423

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Bayambang District Office D'Best posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share