08/10/2026
𝐁𝐄𝐍𝐈𝐓𝐎 𝐒𝐎𝐋𝐈𝐕𝐄𝐍 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐈𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐃𝐀𝐘 𝟐
Sinimulan ang ikalawang araw ng Benito Soliven Youth Summit 2026 sa pamamagitan ng isang masiglang Unity Dance kasama ang SK Federation, gamit ang SKF Theme Song na “Kabataang Solivenian,” sa pangunguna ni ZumbaRaj, Hon. Rajwant Sohal, SK Chairperson ng Barangay Lucban. Naging simbolo ito ng pagkakaisa at sama-samang enerhiya ng mga kabataang lider sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay sa Youth Summit.
Matapos ang ikatlong lecture, isinagawa ang isang activity na nagsukat sa teamwork, communication, at pagkakaisa ng bawat kalahok. Sinundan ito ng “Hearts Giving,” kung saan nagbigay ang mga kalahok ng mensaheng may mga katagang “Thank You,” “Sorry,” at “Sana” sa kanilang mga kasama. Sa simpleng pagpapalitan ng mga salitang ito, nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magpasalamat, humingi ng tawad, at magpahayag ng mga hangarin—isang makabuluhang paraan upang higit na mapatatag ang samahan ng Kabataang Solivenian.
Sa pagtatapos ng programa, nagbahagi sina Eldrich C. Ilayat, President ng BSNHS SSLG, at Cheayanne Eiyah C. Acob, Grade 12 Representative ng BSNHS SSLG, ng kanilang mga mensahe na nagsilbing inspirasyon at paalala sa bawat kabataang lider tungkol sa halaga ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at patuloy na pakikibahagi sa mga gawaing pangkabataan.
Lubos na pinasasalamatan ang mga taong naging bahagi at naging katuwang sa matagumpay na pagsasakatuparan ng Benito Soliven Youth Summit 2026—ang mga facilitator at ang SK Federation, sa pangunguna ni SKF President Hon. Isidro Carmelo L. Siquian, kasama sina Vice President Lovely Mae Bueno, Secretary Angelika Wenceslao, Treasurer Jerwin Orfinada, Auditor Mark Angelo Calautit, Sergeant-at-Arms Yzah Aquino, PRO Eziquiel Oducayen, at mga katuwang na sina SK Joshua Castillo, SK Reynald Tubije, at SK Rolly Padua; gayundin sina LYDO Staff Mary Allyza Vergara at SKF Bookkeeper Frank Rey Lazatin.
Sa huling bahagi ng programa, ibinahagi ni Local Youth Development Officer Ms. Louella Marie Viernes ang kanyang mensahe ng pasasalamat. Naging emosyonal ang kanyang mensahe habang ipinapahayag ang pasasalamat sa matagumpay na pagsasakatuparan ng Benito Soliven Youth Summit 2026, gayundin sa lahat ng kabataang naging bahagi nito.
Nagpaabot din siya ng taos-pusong pasasalamat sa walang sawang suporta ng LGU Benito Soliven, sa pangunguna nina Municipal Mayor Hon. John Paul S. Azur at Municipal Vice Mayor Hon. Roberto T. Lungan, na patuloy na nagbibigay ng suporta sa mga programa at inisyatiba para sa kabataan.
Ang Benito Soliven Youth Summit 2026 ay nagtapos hindi lamang sa mga bagong kaalaman, kundi sa mas matibay na samahan, mas malalim na koneksyon, at pagkakaisang magsisilbing baon ng bawat Kabataang Solivenian sa kanilang patuloy na paglalakbay bilang mga lider ng komunidad.
SK Federation Benito Soliven: Farther and Beyond!