ECC Caraga Region

Directions Website

ECC Caraga Region ECC provides benefits and services to workers who met work-related sickness, injuries or death.

26/10/2026
26/10/2026
26/10/2026

Available na ang 2026 3rd Quarter ECC Reporter!

Alamin ang mga pinakabagong balita, mga programa, at mahahalagang kaganapan ng Employees’ Compensation Commission (ECC).

I-download ang buong kopya sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code o pag-click sa link na ito: https://bit.ly/ECCReporterQ3

26/10/2026

PAALALA SA MGA MANGGAGAWA: UNAHIN ANG KALIGTASAN AT KALUSUGAN SA GITNA NG SUPER EL NIÑO

Sa harap ng inaasahang epekto ng Super El Niño, pinapaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Employees’ Compensation Commission (ECC) ang mga manggagawa na mag-ingat at pangalagaan ang kanilang kalusugan, lalo na ang mga nagtatrabaho sa ilalim ng matinding init ng panahon.

Hinihikayat din ang mga employer na magpatupad ng mga angkop na hakbang upang maprotektahan ang mga manggagawa laban sa heat stress, dehydration, heat exhaustion, heat stroke, at iba pang panganib sa kalusugan na dulot ng matinding init. Kabilang dito ang pagbibigay ng sapat na pahinga, malinis na inuming tubig, at ligtas na lugar na mapagpapahingahan.

Tandaan, may posibleng benepisyo sa ilalim ng Employees’ Compensation (EC) Program para sa mga manggagawang nagkasakit o naaksidente dahil sa mga kondisyong may kaugnayan sa kanilang trabaho, alinsunod sa mga itinakdang tuntunin at kondisyon ng programa.

Kabilang sa mga posibleng sitwasyon ang heat stroke na may kaugnayan sa trabaho, lalo na sa mga manggagawang matagal na nalalantad sa matinding init, gaya ng mga construction worker, TNVS at delivery driver, at mga manggagawang agrikultural at pangisdaan.

Manatiling alerto, sundin ang workplace safety and health measures, at huwag balewalain ang mga sintomas ng pagkakasakit dahil sa init. Kapag may naramdamang sintomas, agad na humingi ng medical assistance.

Para sa mga katanungan tungkol sa EC Program at mga benepisyong maaaring makuha, mag-message lamang sa aming official page.

26/10/2026
26/10/2026

Kasabay ng paghahanda sa banta ng super El Niño sa bansa, muling nagpaalala si Employees' Compensation Commission Executive Director Atty. Kaima Velasquez sa mga benepisyo at serbisyo na maaaring maihatid ng ahensiya sa mga manggagawa.

Sa Episode 2 ng Easy lang sa ECC, sinabi ni Velasquez na maaaring mag-file ng EC claim ang mga manggagawa kung makaranas ng ‘heat stroke’ habang ginagampanan ang kanilang trabaho.

Ang Employees’ Compensation Program ay programa ng gobyerno na nagbibigay ng benepisyo sa mga manggagawang nagkasakit, naaksidente o namatay dahil sa trabaho.

Para sa karagdagang impormasyon sa mga benepisyo at serbisyo ng ECC, abangan ang programang tuwing Biyernes, 5:00 PM, sa DZRH radio and television. |

Address

Esperanza Fiel Garcia Building (a. K. A Cebu CFI Cooperative Bldg. ), Ground Floor, New Road Brgy. Limaha, Corner Ochoa Avenue, Agusan Del Norte
Butuan City
8600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ECC Caraga Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services