01/06/2026
๐๐๐๐ ๐๐ข๐ญ๐ง๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ณ๐จ๐ง ๐๐ญ ๐๐๐๐ ๐๐ฎ๐๐ฏ๐ ๐๐๐ข๐ฃ๐, ๐ง๐๐ ๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐จ๐ซ๐ฒ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Bilang paghahanda sa implementasyon ng Retooled Community Support Program (RCSP) para sa taong kasalukuyan, nagsagawa ang DILG Gitnang Luzon at DILG Nueva Ecija ng oryentasyon para sa 148 target barangays mula sa mga lungsod ng Gapan at San Jose at mga bayan ng Bongabon, Carranglan, Gabaldon, General Mamerto Natividad, General Tinio, Laur, Licab, Llanera, Lupao, Nampicuan, Pantabangan, Peรฑaranda, Quezon, Rizal, Santo Domingo, Talavera, at Talugtug. Ang aktibidad, na hinati sa limang (5) batch, ay isinagawa noong Mayo 20, 21, 25, 26, at 28.
Dinaluhan ang oryentasyon ng mga DILG Field Officers, mga hepe ng lokal na kapulisan, at mga City/Municipal Planning and Development Coordinators mula sa 19 na LGUs na nakakasakop sa 148 target barangays. Kabilang din sa mga kalahok ang mga Punong Barangay, mga Sangguniang Barangay Member on Peace and Order, at mga Kalihim ng Barangay.
Pinangunahan ang mga talakayan ni LGOO VII Lerrie S. Hernandez, EnP., Chief ng Monitoring and Evaluation Division ng DILG Gitnang Luzon, katuwang sina LGOO VI Fatima S. Lalu, LGOO V Philip Nathan B. Moral, LGOO IV Lhoyd Parungao, LGOO II Angelique Fe G. Valenzuela, PDO I Fiona Mae P. Sales. Mula naman sa Philippine Army, ang nanguna sa talakayan ay si LtCol Kenny Rae C Tizon, Commanding Officer ng 48th Infantry Battalion, katuwang si 1LT Martie C Villanueva.
Pinangunahan ang pag-organisa ng aktibidad ng RCSP Team ng DILG Nueva Ecija sa pamumuno ni Atty. Ofelio A. Tactac, Jr., CESO V, Provincial Director, kasama sina LGOO VII Danilo C. Rillera, Cluster I Team Leader; LGOO VII Louie C. Manarpiis, Ph.D., Cluster II Team Leader; LGOO VI Donnabel E. Estipular, Program Manager; LGOO VI Kristian Rob D. Santiago, Monitoring and Evaluation Section Chief; at LGOO II Annalyn D. Tamondong, RCSP Focal Person.
Tinalakay sa aktibidad ang security situation ng mga target barangays, mga umiiral na patnubay ng RCSP, rapid profiling para sa mga target barangays, mga hakbang sa pagbuo ng Enhanced Barangay Development Plan (eBDP), at mga patnubay sa pagpapatupad ng Support to the Barangay Development Program (SBDP).
Layunin ng oryentasyon na palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga RCSP implementers hinggil sa mga polisiya, proseso, at mga hakbang sa pagpapatupad ng programa para sa taong kasalukuyan. Binigyang-diin din dito ang kahalagahan ng koordinasyon, convergence, at sama-samang pagkilos ng mga LGUs, DILG, at iba pang katuwang na ahensya upang maisulong ang layunin ng RCSP na makapaghatid ng mas inklusibo, mapayapa, at sustenableng pag-unlad sa mga komunidad.
Sa pamamagitan ng patuloy na koordinasyon at sama-samang pagkilos ng mga katuwang na ahensya at lokal na pamahalaan, patuloy na isinusulong ng Nueva Ecija ang kapayapaan at kaunlaran bilang pundasyon ng matatag, ligtas, at maunlad na mga barangay.
๐พ