Cabuyao Agriculture Office

Directions Contact the organization

Cabuyao Agriculture Office Masaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiya.

Happy planting, mga señorito at señorita! ❤️☝🏼
13/11/2026

Happy planting, mga señorito at señorita! ❤️☝🏼

  | Patuloy ang validation ng mga karagdagang lugar na maaaring maging bahagi ng ating Adopt-a-Lot Project. Mas maraming...
10/11/2026

| Patuloy ang validation ng mga karagdagang lugar na maaaring maging bahagi ng ating Adopt-a-Lot Project.

Mas maraming community gardens, mas maraming sariwa at masustansiyang gulay, at mas malusog na mga Cabuyeño! Sama-sama nating isulong ang urban agriculture at palakasin ang seguridad sa pagkain sa ating mga komunidad. ☝️♥️









  | PAMAMAHAGI NG BAYAD-PINSALA👨🏻‍🌾 5 farmers affected by natural calamities and pest💰₱29,838.75 total worth of indemnit...
10/11/2026

| PAMAMAHAGI NG BAYAD-PINSALA

👨🏻‍🌾 5 farmers affected by natural calamities and pest
💰₱29,838.75 total worth of indemnity checks
📋Distributed by Ms. May Ann Villegas of Philippine Crop Insurance Corporation











☝️♥️

❤️☝🏼
09/11/2026

❤️☝🏼

Happy National Children’s Month! 👧🏻👦🏻🧒🏻👶🏻Nakikiisa ang Cabuyao Agriculture Office sa pagdiriwang ng 34th NATIONAL CHILDR...
06/11/2026

Happy National Children’s Month! 👧🏻👦🏻🧒🏻👶🏻

Nakikiisa ang Cabuyao Agriculture Office sa pagdiriwang ng 34th NATIONAL CHILDREN'S MONTH na may temang, “MANINDIGAN! TUMUGON AT KUMALINGA: SA BATANG HANDA, MAS LIGTAS ANG BANSA.”

Ngayong National Children's Month, isinusulong natin ang Child Protection in Emergencies (CPIE) upang matiyak ang kaligtasan, karapatan, at kapakanan ng bawat bata bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna at emergency.

Pakinggan ang kanilang tinig. Ihanda sila sa mga panganib. Bigyan sila ng ligtas na kapaligiran kung saan sila ay napapakinggan, napoprotektahan, at napahahalagahan.

Sama-sama tayong manindigan, tumugon, at kumalinga para sa isang ligtas at child-friendly na Bagong Cabuyao! 💙














☝️♥️

  | PAMAMAHAGI NG BAYAD-PINSALA👨🏻‍🌾 9 farmers affected by natural calamities and pest💰₱66,221.50 total worth of indemnit...
05/11/2026

| PAMAMAHAGI NG BAYAD-PINSALA

👨🏻‍🌾 9 farmers affected by natural calamities and pest
💰₱66,221.50 total worth of indemnity checks
📋Distributed by Ms. May Ann Villegas of Philippine Crop Insurance Corporation











☝️♥️

🌾🥈 FROM TOP 3 TO TOP 2! 🥈🌾Cabuyao Agriculture Office moves up! 🎉Amin pong ibinabahagi ang isa na namang karangalan para ...
08/10/2026

🌾🥈 FROM TOP 3 TO TOP 2! 🥈🌾
Cabuyao Agriculture Office moves up! 🎉

Amin pong ibinabahagi ang isa na namang karangalan para sa City of Cabuyao — ang ating Cabuyao Agriculture Office ay ginawaran ng Certificate of Recognition bilang Top 2 Most Cooperative and Responsive Municipality/City in the Province of Laguna for the FY 2025–2026 Dry Cropping Season under the Small-Scale Category.

Iginawad ng Department of Agriculture Region IV-A, ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap, dedikasyon, at pakikipagtulungan ng ating tanggapan para sa matagumpay na pagpapatupad ng MASAGANA Rice Industry Development Program (MRIDP).

Mula Top 3 noong nakaraang cropping season, ngayon ay Top 2 na tayo! 🥈 Isang hakbang paakyat na bunga ng sama-samang trabaho at malasakit para sa ating mga magsasaka.

Buong pagmamalaki rin naming iniaalay ang karangalang ito sa City Government of Cabuyao, sa pamumuno ng ating butihing City MAYOR Dennis DENHA Hain, para sa patuloy at mainit na suporta sa mga programa at inisyatiba para sa sektor ng agrikultura.

Maraming salamat po, DA-Calabarzon! Patuloy tayong aangat, maglilingkod, at magsusulong ng mas matatag na sektor ng agrikultura para sa Bagong Cabuyao! ❤️☝🏼









🏆🌱 CONGRATULATIONS, ADAM ANNE LIBROJO!🌱🏆The Cabuyao Agriculture Office warmly congratulates Ms. Adam Anne Librojo, who p...
07/10/2026

🏆🌱 CONGRATULATIONS, ADAM ANNE LIBROJO!🌱🏆

The Cabuyao Agriculture Office warmly congratulates Ms. Adam Anne Librojo, who proudly represented the City of Cabuyao in the Young Farmers Challenge (YFC) Season 6 of DA-Calabarzon! 👏🎉

Your hard work, passion, and dedication to agriculture are a testament to the talent and potential of our young farmers and agri-entrepreneurs.

Congratulations, Adam! You have made Cabuyao proud!🌾❤️☝🏼












  | 🐟 63rd FISH CONSERVATION WEEKMasaya, makabuluhan, at sama-sama!Ganyan isinagawa ang pagdiriwang ng 63rd Fish Conserv...
20/09/2026

| 🐟 63rd FISH CONSERVATION WEEK

Masaya, makabuluhan, at sama-sama!
Ganyan isinagawa ang pagdiriwang ng 63rd Fish Conservation Week (FishConWeek) sa pamamagitan ng isang programa na ginanap sa Marinig Fishing Port noong September 18, 2026, na dinaluhan ng iba’t ibang tanggapan ng LGU Cabuyao, National Government Agencies, at mga industry partners.

Bitbit ang temang, “Lusay, Korales, at Bakawan: Yaman ng Karagatan, Masaganang Buhay ng Pamayanan,” binigyang-diin ng pagdiriwang ang kahalagahan ng pangangalaga sa yamang tubig at pagpapanatili ng likas na yaman para sa kabuhayan, pagkain, at kinabukasan ng bawat pamayanan.

Pinangunahan ng Cabuyao Agriculture Office, sa buong suporta ng City Government of Cabuyao sa pamumuno ni City MAYOR Dennis DENHA Hain, ang pagdiriwang sa pamamagitan ng patuloy na suporta sa ating mga tagapangalaga ng lawa. Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng ating mga Bantay-Lawa Fish Wardens at mga miyembro ng anim na Barangay Fisheries and Aquatic Resources Management Council, ipinagkaloob ang 133 life insurance plans bilang bahagi ng pagsiguro sa kanilang kapakanan habang ginagampanan nila ang tungkulin na pangalagaan at protektahan ang ating lawa.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagpapaalpas ng 40,000 Tilapia fingerlings na ipinagkaloob ng BFAR 4A - Provincial Fisheries Office of Laguna at FAES-OPAg Laguna. Layunin nitong makatulong sa pagpapanatili ng produktibong pangisdaan at sa pagpapalakas ng food security at kabuhayan ng mga komunidad na umaasa sa ating mga katubigan.

Patuloy nating pangangalagaan ang ating yamang tubig at isusulong ang isang masagana, sustenable, at ligtas na kinabukasan para sa Bagong Cabuyao. 🌊🐟

📸 Some photos are courtesy of PESO Cabuyao City











☝️♥️

  | PAMAMAHAGI NG BAYAD-PINSALA👨🏻‍🌾 23 farmers affected by natural calamities and pest💰₱154,905.31 total worth of indemn...
20/09/2026

| PAMAMAHAGI NG BAYAD-PINSALA

👨🏻‍🌾 23 farmers affected by natural calamities and pest
💰₱154,905.31 total worth of indemnity checks
📋Distributed by Ms. Marialyn Rey of Philippine Crop Insurance Corporation











☝️♥️

Address

3rd Floor Cabuyao Retail Plaza, Brgy. Dos
Cabuyao
4025

Opening Hours

Monday 8am - 7pm
Tuesday 8am - 7pm
Wednesday 8am - 7pm
Thursday 8am - 7pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cabuyao Agriculture Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Cabuyao Agriculture Office:

Shortcuts

Share