Sangguniang Barangay ng Buenlag

Directions Contact the organization

Sangguniang Barangay ng Buenlag The Official FB Page of Barangay Buenlag

𝐒𝐇𝐎𝐖 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓, 𝐁𝐔𝐄𝐍𝐋𝐀𝐆!Let’s show our love and support for our very own Karen Joy Gilledo, as she proudly represents...
13/11/2026

𝐒𝐇𝐎𝐖 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓, 𝐁𝐔𝐄𝐍𝐋𝐀𝐆!

Let’s show our love and support for our very own Karen Joy Gilledo, as she proudly represents Barangay Buenlag in Miss P**o Calasiao 2026!

🗳️ Ready to show your support? Vote for our candidate through PageantXero for a seamless voting experience!

📲 Scan the QR code using your phone's camera or find the voting link in the comments.

How to Cast Your Vote? 🗳
1. Click the Link Provided 🔗
2. Make sure you have selected "Karen 10 • Buenlag"
3. Select the "Free Vote"
4. Authenticate and Submit Your Vote

Every vote counts! Let us unite and make our support felt through ONLINE VOTING.

12/11/2026
12/11/2026

𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀𝐖𝐀 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐒𝐈𝐍𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐁𝐔𝐄𝐍𝐋𝐀𝐆!

MASS WEDDING 2027 – MOBILE REGISTRATION AND APPLICATION

Magandang araw po, mga kabarangay!

Ipinapaalam po sa lahat na ang Lokal na Pamahalaan ng Calasiao ay magkakaroon ng Annual Mass Wedding Project, na pansamantalang nakatakdang ganapin sa February 14, 2027.

Kaugnay nito, hinihikayat ang mga magkapareha na:

* Matagal nang nagsasama bilang mag-asawa ngunit hindi pa kasal sa ilalim ng batas;
* Mga magkaparehang nais nang magpakasal at maging legal ang kanilang pagsasama.

Magkakaroon po ng Mobile Registration and Application sa ating barangay upang mas mapadali ang pagproseso ng inyong aplikasyon.

📅 Petsa: December 1, 2026 (Tuesday)
⏰ Oras: 8:30 AM – 2:00 PM
📍 Lugar: Barangay Buenlag

📋 MGA KAILANGANG DOKUMENTO

1. UNDER ARTICLE 34 (Couples living together for at least five years)

* Affidavit of Cohabitation
* Birth Certificate ng magkapareha
* CENOMAR ng magkapareha
* Birth Certificate ng panganay na anak
* Valid ID ng magkapareha
* Pre-Marriage Orientation
* Pangalan ng mga Sponsors
* Barangay Certification na nagpapatunay na ang magkapareha ay bona fide residents ng barangay at eksklusibong nagsasama bilang mag-asawa nang mahigit limang (5) taon nang walang legal na hadlang sa pagpapakasal.

2. MARRIAGE LICENSE (For couples applying for a marriage license)

* Birth Certificate ng magkapareha
* CENOMAR ng magkapareha
* Valid ID ng magkapareha
* 2x2 Picture
* Pangalan ng mga Sponsors
* Parental Consent – para sa edad 18 hanggang below 21 years old
* Parental Advice – para sa edad 21 hanggang 25 years old
* Pre-Marriage Orientation and Counseling

HUWAG PALAMPASIN ANG PAGKAKATAONG ITO!

Para sa mga kabarangay nating nangangarap na magkaroon ng isang legal at pormal na pagsasama, samantalahin po natin ang programang ito ng ating Lokal na Pamahalaan.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaari pong makipag-ugnayan sa Barangay Buenlag.

Ang pag-aasawa ay hindi lamang pagdiriwang ng pagmamahalan, kundi isang hakbang tungo sa mas matatag at legal na pamilya.

Maraming salamat po!

12/11/2026

𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐁𝐔𝐄𝐍𝐋𝐀𝐆!

Magandang araw po, mga kabarangay!

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at samantalahin ang libreng serbisyong pangkalusugan na hatid ng FPJ Panday Bayanihan Party List sa pamamagitan ng isang MEDICAL MISSION na gaganapin sa ating barangay.

📅 Petsa: November 16, 2026 (Monday)
⏰ Oras: 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Lugar: Buenlag Covered Court

Sa pamamagitan ng programang ito, magkakaroon ang ating mga kabarangay ng pagkakataong makatanggap ng mga sumusunod:

* Libreng Medical Consultation
* Health Screening
* Basic Healthcare Services

Hinihikayat po natin ang lahat, lalo na ang mga nangangailangan ng serbisyong medikal, na samantalahin ang pagkakataong ito.

Ang kalusugan ay mahalaga, kaya huwag palampasin ang pagkakataong ito na mapangalagaan ang inyong sarili at ang inyong pamilya.

Kitakits po, mga kabarangay! Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat pamilyang Buenlageño!

Maraming salamat po sa FPJ Panday Bayanihan Party List sa patuloy na pagsuporta sa ating komunidad!

10/11/2026

𝐁𝐔𝐄𝐍𝐋𝐀𝐆, 𝐋𝐄𝐓'𝐒 𝐌𝐀𝐊𝐄 𝐒𝐎𝐌𝐄 𝐍𝐎𝐈𝐒𝐄!

Let us show our love and support for our very own KAREN JOY GILLEDO as she proudly waves the flag of Barangay Buenlag in MISS P**O CALASIAO 2026!

Let us stand behind her as she carries not only her dreams but also the pride, hopes, and spirit of our beloved community.

Every cheer, every word of encouragement, and every show of support will mean so much. Let’s make her feel that the entire Buenlag community is cheering for her!

📍 PRE-PAGEANT
📅 November 28, 2026
📌 Robinsons Place Pangasinan

👑 FINALS NIGHT
📅 December 1, 2026
📌 Calasiao Sports Complex

One community. One pride. One queen.

PADAYON, KAREN JOY! BUENLAG IS WITH YOU!

04/11/2026

𝐒𝐊 𝐁𝐔𝐄𝐍𝐋𝐀𝐆 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 | 𝐘𝐄𝐀𝐑 𝟑

The Sangguniang Kabataan ng Buenlag is pleased to announce the Educational Assistance Program – Year 3, open to College and Senior High School (SHS) students of Barangay Buenlag!

We encourage all interested applicants to kindly fill out the application form through the link provided below.

SHS Application Form: https://forms.gle/mw6wQ4n8nGNYPK118

College Application Form: https://forms.gle/5eDjprv4rPmqQ2Hk6

Kindly share this post to help us reach more College and SHS students who may benefit from this program.

Together, let us continue supporting education, creating opportunities, and empowering the youth of Buenlag.

Your dreams matter. Your future matters. Kabataan, padayon!

03/11/2026

DILG, pinaigting ang safer cities initiative noon pang Abril!

Narito ang mga ipinagbabawal gawin;

❎Inuman sa Kalsada- huhulihin ang mga nag iinuman sa kalye at paglatag ng mesa at silya para rito.

❎Topless sa Kalye- Huhulihin ang mga topless o walang damit pang itaas sa kalye.

❎Videoki past 10- huhulihin ang mga nag vivideoki ng lagpas 10 PM

❎Paggala-galang Kabataan- gagawa ng kaukulang aksyon para sa mga menor de esad na pakalat kalat ng lagpas 10 PM.

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐄𝐍𝐋𝐀𝐆Walang isasagawang koleksyon ng basura sa Miyerkules, Nobyembre 4, 2026, dahil ...
03/11/2026

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐄𝐍𝐋𝐀𝐆

Walang isasagawang koleksyon ng basura sa Miyerkules, Nobyembre 4, 2026, dahil kasalukuyang sumasailalim sa kinakailangang pagkukumpuni ang ating garbage collection truck matapos itong masiraan.

Magbibigay po kami ng karagdagang abiso sa sandaling muli nang makabiyahe at makapagsilbi ang ating trak.

Samantala, hinihiling po namin ang pakikiisa ng lahat na panatilihing malinis ang ating kapaligiran at iwasang magkalat o mag-iwan ng basura sa mga pampublikong lugar.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pasensya, at kooperasyon.

02/11/2026

𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀: 𝐏𝐀𝐍𝐒𝐀𝐌𝐀𝐍𝐓𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐀𝐍𝐓𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐋𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐁𝐈𝐆

Ipinababatid sa mga residente ng Calasiao na magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ngayong gabi, Nobyembre 2, 2026, sa mga apektadong lugar na nasasakupan ng Calasiao Water Supply.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ipon ng sapat na tubig para sa pang-araw-araw na pangangailangan at gamitin ito nang wasto habang hinihintay ang pagbabalik ng suplay.

Humihingi kami ng paumanhin sa abalang maidudulot nito at maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Mangyaring ipagbigay-alam din ito sa inyong mga kapitbahay.

𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐁𝐔𝐄𝐍𝐋𝐀𝐆!Matagumpay na naisagawa ang Barangay Assembly ng Barangay Buenlag sa...
01/11/2026

𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐁𝐔𝐄𝐍𝐋𝐀𝐆!

Matagumpay na naisagawa ang Barangay Assembly ng Barangay Buenlag sa pangunguna ni Punong Barangay Edwin “Winard” Paragas, kasama ang Sangguniang Barangay.

Dinaluhan ito ng mga Department Heads, SK Officials, mga kawani ng barangay, mga nasasakupan, at MLGOO Ma’am Marilou Geslani, na nakiisa sa mahalagang pagtitipon para sa ikabubuti ng ating komunidad.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng dumalo, nakibahagi, at nagbahagi ng kanilang mga saloobin at mungkahi. Ang inyong pakikiisa ay mahalagang bahagi ng pagsusulong ng bukas, tapat, at responsableng pamamahala.

Sama-sama sa pagkakaisa, tungo sa mas maunlad na Barangay Buenlag!

Address

Buenlag
Calasiao
2418

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Buenlag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Barangay ng Buenlag:

Shortcuts

Share