Barangay 160 Baesa - Libis - Kap. Dave Alonzo

Barangay 160 Baesa - Libis - Kap. Dave Alonzo

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay 160 Baesa - Libis - Kap. Dave Alonzo, Caloocan.

Photos from Barangay 160 Baesa - Libis - Kap. Dave Alonzo's post 05/06/2026

Kanina ay matagumpay nating nairaos ang pamamahagi ng simpleng school supplies para sa ilan nating mga elementary students na sa tingin natin ay higit na nangangailangan.

Bagama't hindi man ito sapat para matugunan ang lahat ng pangangailangan nila sa pag-aaral, umaasa tayo na kahit papaano ay makatulong ito bilang dagdag na gamit para sa ating mga masisipag na Batang 160.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at suporta. Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon at pangarap ng bawat Batang 160.

~ Kap. Dave Alonzo


Photos from Barangay 160 Baesa - Libis - Kap. Dave Alonzo's post 05/06/2026

PAALALA SA MGA BENEPISYARYO NG RICE SUBSIDY DISTRIBUTION PROGRAM - CYCLE 1 - SOUTH

Narito po ang listahan ng mga benepisyaryo para sa Rice Subsidy Distribution Program sa Sabado, June 6, mula 11:00 AM hanggang 5:00 PM sa SM Sangandaan.

Ang mga nakalista ay nakatanggap na rin ng text blast mula sa CALOOCAN.

✅ Mga kailangang dalhin ng mismong benepisyaryo:
• Ipakita ang text message mula sa CALOOCAN
• Photocopy ng valid ID na may tatlong (3) pirma

✅ Kung representative ang kukuha:
• Authorization letter
• Photocopy ng valid ID ng representative na may tatlong (3) pirma
• Photocopy ng valid ID ng benepisyaryo na may tatlong (3) pirma

Paalala: Tanging mga nasa listahan at nakatanggap ng text mula sa CALOOCAN ang ie-entertain sa nasabing schedule.

Sa mga beneficiary ng RICE SUBSIDY NG BRGY 160, 11am po ang call time bukas para sa libreng Service papunta sa venue.

Taga Libis: Multi Purpose Hall
Taga Taas: Rivera’s Drive

Paalaa: Kumain muna ng lunch baka mahaba ang pila. Kung sakaling maiwan ng service, pwede po kayong sumunod sa SM SANGANDAAN.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

Photos from Caloocan City Social Welfare and Development Department's post 05/06/2026

Sa mga beneficiary ng RICE SUBSIDY
11am po ang call time bukas para sa libreng Service papunta sa venue.

Taga Libis: Multi Purpose Hall
Taga Taas: Rivera’s Drive

Paalaa: Kumain muna ng lunch baka mahaba ang pila. Kung sakaling maiwan ng service, pwede po kayong sumunod sa SM SANGANDAAN.

05/06/2026

Libreng Gamit sa Eskwela
hatid ng ating Kap. Dave Alonzo

04/06/2026

Nitong nakaraang June 1 at 2, hindi natin inaasahan na aabot sa 360 kabataan at residente ang makikinabang sa ating Libreng Gupit Program!

360 na Batang 160 ang mas naging pogi, presko, at handang humarap sa bagong araw. 😊
Maraming salamat sa ating mga masisipag at mahuhusay na barbero na naging katuwang natin sa programang ito. Ang inyong oras at serbisyo ay naging malaking biyaya sa ating komunidad.

Patuloy lang tayo sa mga programang may malasakit at tunay na pakinabang para sa bawat Batang 160!




03/06/2026

PAALALA SA MGA KABARANGAY SA LIBIS

WALA PO MUNANG MAGLALABAS NG BASURA NGAYON DAHIL BUKAS PA PO HAHAKOT ANG TRUCK NG BASURA.

SALAMAT PO
KAP. DAVE ALONZO

Photos from Barangay 160 Baesa - Libis - Kap. Dave Alonzo's post 02/06/2026

LIBRENG GUPIT sa Libis Lower Court

Ngayon araw at muling nagbigay ng serbisyong LIBRENG GUPIT para sa mga estudyante hatid ng ating Kapitan Dave Alonzo.

Magtungo na sa venue, ang libreng gupit ay hanggang alas 12 po ng tanghali.


01/06/2026

ON-GOING LIBRENG GUPIT
para sa mga Batang 160 🧡✂️

Photos from Barangay 160 Baesa - Libis - Kap. Dave Alonzo's post 01/06/2026

🥳𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐆𝐈𝐅𝐓 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄🥳
• 𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 (𝐔𝐍𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐄𝐃)
• 𝐌𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐍𝐓𝐒

Para po sa ating mga minamahal na lolo at lola, narito po ang schedule ng ating Birthday Cash Gift pay-out para sa buwan ng Mayo.

Happy birthday po!

See you po sa venue!
Naibaba na po sa barangay ang listahan ng mga benepisyaryo.😊

𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: Para po sa mga nakatala na ang cash gift ay matatanggap sa pamamagitan ng GCash, hindi na po kinakailangang pumunta sa venue. Mangyaring i-check na lamang po ito sa inyong mga GCash account.


01/06/2026

On-Going po TODAY. 🧡🧡

📢 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠! 💉👶

Mga magulang, pabakunahan na ang inyong mga chikiting na edad 6 hanggang 59 months laban sa tigdas! Sama-sama nating protektahan ang kalusugan ng ating mga anak para sa mas ligtas at mas malusog na komunidad.

🗓️ Vaccination Schedule:
📍 June 1 – Libis Lower Court
📍 June 2 – Our Lady of Guadalupe Chapel (Mabolo)
📍 June 3 – Rivera’s Drive (HQ)
📍 June 4 – Our Lady of Fatima Chapel (East Libis)
📍 June 5 – Rivera (Kag. Emeng Compound)

⏰ 8:00 AM – 10:00 AM
⏰ 1:00 PM – 3:00 PM

✔️ Libre
✔️ Ligtas
✔️ Epektibo

Isang paalala mula kina Kap. Dave Alonzo at Barangay 160 Health Center.

“Kalusugan ng bata, kinabukasan natin!”


Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Caloocan