03/06/2026
πππ. πππππ ππππππ, πππ. πππππ ππππππ πππππ, πππ πππ. ππππ ππππππ πππππ ππ, ππ, πππππππ ππ πππππ πππππππππππ πππππππ πππππππ
Dumalo sina Hon. Allan Santos, Hon. Kryzt Andrey Bacay, at Hon. John Edward Reyes RN, LE sa isinagawang Local Development Council Meeting kanina bilang pakikiisa sa patuloy na pagpaplano at pagpapaunlad ng bayan ng Dolores.
Pinangunahan ang nasabing pagpupulong ni Hon. Mayor Orlan Calayag katuwang ang Municipal Planning and Development Office, Municipal Engineering Office, at mga Punong Barangay o kinatawan ng kani-kanilang barangay bilang bahagi ng Local Development Council ng bayan ng Dolores.
Patuloy na nakikiisa ang Sangguniang Bayan ng Dolores sa mga programang naglalayong mapalakas ang maayos na pagpaplano, koordinasyon, at pagpapatupad ng mga proyektong makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan at kapakanan ng bawat Doloresin.
03/06/2026
π
ππππππππ ππππππππππ π
ππ πππππππππ πππππ
ππππππππ π
πππ πππ ππππππππ πππ πππ πππππ ππππ π
ππ π πππππ ππππ
Matagumpay na naipamahagi ng Sangguniang Bayan ng Dolores ang Financial Assistance para sa ating mga indigent bedridden na kababayan sa bayan ng Dolores. Nakapagbahagi ang SB Dolores ng tig 5,000 piso sa 16 benefeciafies sa bayan. Ang naturang tulong ay mula sa nalikom sa isinagawang βHambujan Car and Motor Show for a Causeβ noong Abril 09, 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Hambujan Festival 2026.
Ipinapakita ng inisyatibong ito ang sipag, dedikasyon, at malasakit ng Sangguniang Bayan ng Dolores sa patuloy na paglilingkod at paghahatid ng mga programang may tunay na pakinabang para sa mamamayan, lalo na sa mga higit na nangangailangan ng suporta at kalinga.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Sangguniang Bayan ng Dolores sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Renato Alilio Jr. sa lahat ng nakiisa, tumulong, at sumuporta sa adhikaing ito mula sa paghahanda hanggang sa matagumpay nitong pagsasakatuparan. Ang inyong malasakit at pakikipagtulungan ay naging daan upang makapaghatid ng pag-asa, tulong, at pagmamahal sa ating mga kababayang higit na nangangailangan.
01/06/2026
ππππ‘ πππππππππππ πππππ πππππππ πππππππ
Ngayong umaga, matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Bayan ng Dolores ang Ika-47 Regular na Sesyon, kung saan tinalakay ang mahahalagang panukala, resolusyon, at iba pang usaping may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ating bayan.
Sa pamamagitan ng maayos at masusing deliberasyon, patuloy na ginagampanan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang kanilang tungkulin na magbalangkas ng mga polisiya at programang makatutugon sa pangangailangan at kapakanan ng mga Doloresin. Ang mga regular na sesyon ay mahalagang bahagi ng proseso ng lokal na lehislasyon at mabuting pamamahala.
Patuloy na nagsisilbi ang Sangguniang Bayan ng Dolores nang may dedikasyon, pananagutan, at malasakit para sa ikauunlad ng ating pamayanan.
01/06/2026
ππ πππππππ ππππ ππππππ ππππππππ π
πππππππππ πππππππ
Nakiisa at bumisita sina Hon. John Edward Reyes, RN, LE, Hon. Rodel Pionela, Hon. Ma. Lilibeth AcuΓ±a, at Hon. Patricia Nicole Amat sa pagpupulong ng Federation ng mga Senior Citizen ng Dolores upang makipag-ugnayan at magbahagi ng mahahalagang impormasyon at mga programang may kaugnayan sa kapakanan ng mga nakatatanda.
Sa kanilang pagdalo, ipinahayag ng mga konsehal ang kanilang suporta sa mga adhikain ng samahan at binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pakikipag-ugnayan at pakikilahok ng sektor ng mga senior citizen sa mga gawaing pangkomunidad.
Patunay ang gawaing ito ng patuloy na pakikiisa ng Sangguniang Bayan ng Dolores sa iba't ibang sektor ng lipunan upang mapalakas ang pagkakaisa at kooperasyon tungo sa mas maunlad na pamayanan.
28/05/2026
ππππ‘ πππππ ππππππππππ ππππππ ππππ
Nakiisa at nagbigay suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Dolores sa ginanap na pagbubukas ng 16th Youth Leadership Summit 2026 sa Bulakin Elementary School na may temang, βπππππ πππ?: πππππππππ πππ ππππππ ππππππ, πππππππ πππ πππππ ππ
πππππ.β
Pinangunahan nina SB Member Hon. Renato Alilio Jr., Hon. Ma. Aileen Cabrera Corabo, at Hon. Art Bagsit ang pagpapakita ng suporta sa mga kabataang lider na patuloy na hinuhubog upang maging responsable, aktibo, at makabuluhang bahagi ng komunidad.
Nagbigay rin ng virtual na pagbati at suporta si Hon. Kryzt Andrey Bacay na patuloy na hinahasa ang kanyang karunungan para sa pagseserbisyo na nagsilbing inspirasyon at motibasyon para sa mga kalahok ng summit.
Patuloy na sinusuportahan ng Sangguniang Bayan ng Dolores ang mga programang nagbibigay oportunidad sa kabataan upang malinang ang kanilang kakayahan, liderato, at pagmamahal sa bayan.
26/05/2026
πππππ ππππ & πππππ πππ πππππππ ππππ πππππππ
Dumalo sina SB Members Hon. Renato Alilio Jr. at Hon. Archie Abrigo sa ginanap na Joint MPOC & MADAC Meeting para sa ikalawang quarter ng taong 2026 sa 2nd Floor Conference Hall ng Municipal Building ng Dolores.
Ang naturang pagpupulong ay pinangunahan ni Hon. Mayor Orlan Calayag katuwang ang MLGOO na si Ms. Shiela Del Mundo kasama ang mga kinatawan mula sa PNP, BFP, Philippine Army, at ibaβt ibang tanggapan ng pamahalaang lokal.
Patuloy na nakikiisa ang Sangguniang Bayan ng Dolores sa pagsusulong ng mga programa at hakbangin para sa mas ligtas, mapayapa, at maayos na pamayanan para sa bawat Doloresin.
26/05/2026
π¦ππ‘πππ¨π‘πππ‘π πππ¬ππ‘ π ππ πππ₯π¦' ππ’π π ππ§π§πππ¦ & πππ¦π§π₯πππ§ πππ₯ππ‘πππ¬π¦ πππππππππππ
Narito ang listahan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Dolores kasama ang kanilang mga hawak na komite at district barangays para sa mas maayos at mas epektibong paglilingkod sa mamamayan.
25/05/2026
ππππ πππππππ πππππππ ππ
πππ πππππππππππ πππππ ππ
πππππππ
Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang Ika-46 Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Dolores kung saan muling tinalakay ng mga miyembro ng konseho ang mahahalagang usapin, panukala, at programang makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan at kapakanan ng mamamayan.
Patuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga halal na opisyal upang makapaghatid ng maayos, responsable, at makataong serbisyo publiko para sa bawat Doloresin.
25/05/2026
πππππππππππ πππ. ππππ-πππ
πππππ ππππππππππ ππππππ πππππππππ ππ ππππππππππ, πππππ, ππ πππππππππππ ππππππππππ ππ πππ πππππππππ ππ πππππ ππ πππππππ ππ βπππππ ππππππ ππππππ ππππππππ πππππ πππππ-ππππ ππππππππππ ππππππβ
Buong pagmamalaki at pagpupugay na iginawad ng Sangguniang Bayan ng Dolores ang Commendation Resolution sa mga manlalaro ng Bayan ng Dolores bilang pagkilala sa kanilang ipinakitang dedikasyon, husay, disiplina, at karangalan sa paglahok sa βGreat Golden Groups Goodwill Games Inter-Town Basketball League.β
Ang resolusyong ito ay inakda ni Hon. Kryzt Andrey Bacay bilang pagkilala sa natatanging karangalan ng mga Doloresin sa larangan ng pampalakasan. Sa pamamagitan ng kanilang determinasyon at sportsmanship, matagumpay nilang naitaas ang pangalan ng Bayan ng Dolores at naging inspirasyon sa mga kabataan at kapwa mamamayan na patuloy na paunlarin ang talento sa larangan ng palakasan.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng suporta ng lokal na pamahalaan sa mga atletang nagbibigay dangal at karangalan sa ating bayan sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap at mahusay na representasyon sa ibaβt ibang kompetisyon.
Muli, taos-pusong pagbati sa ating mga manlalaro. Nawaβy patuloy ninyong dalhin ang diwa ng pagkakaisa, sipag, at pagmamahal sa Bayan ng Dolores.