PNP Sulu Police Provincial Office

Directions

PNP Sulu Police Provincial Office OFFICIAL PAGE

02/11/2026

𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝐂𝐘𝐁𝐄𝐑𝐒𝐄𝐂𝐔𝐑𝐈𝐓𝐘 𝐓𝐈𝐏𝐒 👻

Mag-ingat sa pekeng online booking habang nagbabakasyon at sa mga pekeng online seller ng kandila. Beripikahin muna ang seller o booking bago magbayad. Huwag mag-click ng kahina-hinalang links o magbahagi ng OTP, PIN, at password.

1. Huwag mag-post ng real-time na lokasyon.
2. Mag-ingat sa pekeng online booking para sa bakasyon—beripikahin ang listing bago magbayad.
3. Iwasan ang kahina-hinalang links at huwag ibigay ang OTP, PIN, o password.
4. Mag-ingat sa pekeng online sellers ng kandila—suriin ang seller at huwag magbayad agad.
5. Gumamit lamang ng ligtas at opisyal na payment channels.


⁣⁣ ⁣⁣
⁣⁣

02/11/2026

PBGEN RAGAY, PERSONAL NA ININSPEKSIYON ANG MGA TERMINAL NG BUS AT BARKO; TINIYAK ANG KALIGTASAN NG MGA BIYAHERO SA UNDAS 2026

Bilang pagpapakita ng matatag na pamumuno at malasakit sa kaligtasan ng publiko, personal na inikot ni PBGEN ELMER E. RAGAY, Regional Director, ang mga terminal ng bus at pantalan ngayong ika-31 ng Oktubre 2026 upang tiyakin ang kaayusan at seguridad ng mga pasaherong bibiyahe pauwi sa kani-kanilang lalawigan ngayong Undas.

Sa kanyang pag-iikot, sinuri niya ang kahandaan at presensiya ng mga kapulisan, gayundin ang pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad upang matiyak ang maagap na pagtugon sa pangangailangan ng mga biyahero.

Binigyang-diin ng Regional Director na tungkulin ng kapulisan na hindi lamang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, kundi bigyan din ng kapanatagan ng loob ang bawat mamamayang naglalakbay upang makapiling ang kanilang pamilya at gunitain ang mga yumaong mahal sa buhay.

Nananatiling matatag ang paninindigan ng PRO9 na pangalagaan ang bawat buhay at tiyaking ligtas ang bawat biyahe. Sa Undas 2026, ang kaligtasan ng bawat biyahero ay tungkuling buong-puso naming ginagampanan.

02/11/2026

PBGEN RAGAY, SINURI ANG SEGURIDAD SA MGA SEMENTERYO SA ZAMBOANGA CITY PARA SA LIGTAS NA PAGGUNITA NG UNDAS 2026

Tiniyak ni PBGEN ELMER E. RAGAY, Regional Director, ang kahandaan ng kapulisan sa mga sementeryo sa lungsod ng Zamboanga sa pamamagitan ng personal na pag-iikot at pag-inspeksiyon ngayong Undas 2026.

Sa kanyang pagbisita, sinuri niya ang mga pulis na nakatalaga sa kani-kanilang puwesto upang matiyak na sila ay alerto, handa, at agarang makatutugon sa anumang insidente o hindi inaasahang pangyayari.

Hinimok din ni PBGEN RAGAY ang publiko na sundin ang mga alituntunin sa pagpasok at pagbisita sa mga sementeryo upang maiwasan ang abala at mapanatili ang kaayusan.

Patuloy ang paninindigan ng PRO9 na pangalagaan ang kaligtasan ng bawat mamamayan upang maging payapa, maayos, at ligtas ang paggunita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Sa Undas 2026, ang kapulisan ay nananatiling handang magbantay, umalalay, at maglingkod para sa kaligtasan ng lahat.

02/11/2026

MAY EMERGENCY NGAYONG UNDAS 2026? TUMAWAG SA 911!

Anumang problema o pangangailangan ng agarang tulong, 911 ang tawagan! Sama-sama nating gawing ligtas at payapa ang Undas.

02/11/2026

PBGEN RAGAY, NAGBIGAY-PUGAY SA BAYANI NG GALLANT 44

Bilang pagpupugay sa kabayanihan at sakripisyo, personal na binisita ni PRO9 Regional Director PBGEN ELMER E. RAGAY ang himlayan ni PCI RYAN B. PABALINAS, isa sa magigiting na miyembro ng Gallant 44, sa Zamboanga City.

Ang pagbisita ay sumasalamin sa pagkilala at paggalang sa isang lingkod-bayang nag-alay ng buhay para sa bayan at sa sinumpaang tungkulin.

Para sa PRO9, ang kabayanihan ay hindi nalilimutan. Ang sakripisyo ni PCI PABALINAS ay mananatiling buhay na inspirasyon sa bawat pulis na naglilingkod nang may tapang, dangal, at malasakit sa sambayanan.

Ang buhay ay maaaring magwakas, ngunit ang kabayanihan ay mananatiling buhay sa alaala ng bayan.

02/11/2026

GABAY SA PAGDALAW SA SEMENTERYO | UNDAS 2026

Ngayong Undas, alalahanin ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw sa pamamagitan ng maayos, ligtas, at makabuluhang pagdalaw.

02/11/2026
02/11/2026

PNP STATEMENT ON UNDAS 2026

As the nation observes All Saints’ Day and All Souls’ Day, the Philippine National Police (PNP) remains committed to ensuring public safety and security, especially in cemeteries, memorial parks, transport terminals, and major thoroughfares.

Police personnel are deployed nationwide to assist the public, manage traffic, maintain peace and order, and respond promptly to emergencies, in coordination with local government units and other partner agencies.

We remind everyone to remain vigilant, secure their personal belongings and homes, follow safety guidelines, and report any suspicious activities or emergencies to the nearest police personnel.

The PNP encourages the public to cooperate with authorities and observe traffic and safety regulations to help ensure a peaceful, safe, and orderly Undas.

As families take time to remember and honor their departed loved ones, the PNP remains on the ground, ready to serve and protect.

PGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ, JR.
Chief, Philippine National Police

02/11/2026
02/11/2026

Address

Camp PSSupt Julasirim A Kasim, Brgy. Asturias, Sulu
Jolo
7400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Sulu Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services