27/10/2026
‼️𝐀𝐓𝐓𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐍𝐎𝐓𝐑𝐄 𝐃𝐀𝐌𝐄𝐀𝐍𝐒! ‼️
READY NA BA KAYO BUMALIK?! 😭
So ayun na nga, tapos na ang one-week sembreak natin na parang one day lang! Yung akala nating mahaba pa ang bakasyon, biglang Lunes na ulit at may pasok na bukas. Yung tulog mo, hindi pa nga nakakabawi; yung assignments mo, hindi pa tapos; pero eto na tayo, SECOND SEMESTER NA! 🥹
Kaya ngayon, magpa-check naman tayo ng emotional damage! Ano ba talaga ang nararamdaman mo sa pagbabalik-eskwela? Excited ba, pagod na agad, o hindi pa talaga ready? 👀
I-REACT MO NA 'YAN, Notre Dameans! 👇😭
👍 LIKE: “Depende kung three 'yan.” 🤭
Ikaw yung hindi pa makapag-decide kung excited ka bang bumalik o gusto mo pang humiga. Half excited, half pagod, full of mixed emotions. Basta depende sa schedule, sis!
❤️ HEART: “Yesyesss, very satisfied sa one week!”
Ikaw yung productive noong sembreak. Nakatulog, nakagala, at nakapag-family time. Sana all! Very demure, very mindful. Ready na ulit sa panibagong laban!
😮 WOW: “Ayun, tulala. Second sem na pala?!”
Yung hanggang ngayon, hindi pa nagsi-sink in na tapos na ang bakasyon. Kakagising mo lang, tapos may quiz na bukas?! Good luck sa pag-adjust, sissy! 😭
😂 HAHA: “Hindi pa officially enrolled, sissy!” 😭
Ikaw yung hindi pa officially enrolled at hanggang ngayon, hindi alam kung dapat bang mag-review o mag-follow up muna. HAHAHA! Unahin muna ang enrollment, sissy, bago ang academic comeback!
😡 ANGRY: “MAY 7 AM, SISSSSS!!!”
Yung gigil na gigil ka na sa 7 AM class. Kakabalik mo pa lang, gigisingin ka na agad ng alarm. Sino ba kasi ang nag-imbento ng 7 AM?! Gusto lang naman nating mag-aral, bakit kailangan umagang-umaga?!
😢 SAD: “Pwede pa-extend? Please?” 🥹
Yung nagmamakaawa pa at umaasang may surprise announcement ng extended sembreak. Lord, pwede pa bang isang linggo? Isang buwan? Isang taon na sembreak?! Iiyak mo na 'yan, sissy. Baka sakaling may makarinig!
🥰 CARE: “Study first.”
Yung kunwari, responsible student na talaga. “Acads muna!” daw, pero mamaya nasa café na at nagma-marites kasama ang tropa. We love that character development! HAHAHA!
Sige na, Notre Dameans. Drop your reactions, mention your tropa, and let's all breakdown together sa 2nd sem. LABAN LANG!
𝐋𝐞𝐚𝐝. 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞. 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐞.