14/11/2026
Tinututukan ng pamahalaang nasyonal sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kapakanan ng mga nakatatanda sa bansa sa pamamagitan ng Social Pension Program na ipinapatupad ng tanggapan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Sa ilalim ng programa, nagkakaloob ng P1,000 cash stipend kada buwan ang ahensya na maaaring magamit ng mga kwalipikadong benepisyaryo sa kanilang gastusin tulad ng bigas, gamot at iba pang pangangailangan.
Magkatuwang itong itinataguyod ng tanggapan ni DSWD XII Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr. at pamunuan ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa lalawigan ng Cotabato kung saan kamakailan ay natanggap na ng 13,967 social pensioners ng mga bayan ng President Roxas, Magpet at M’lang ang kanilang tig-P3,000 tulong-pinansyal o kabuuang P41,640,000. Sakop ng nabanggit na halaga ang mga buwan ng ikaapat na quarter ng taong 2026 o mula Oktubre hanggang Disyembre.//idcd-pgo-mombay/PhotobyPSWDO//