02/06/2026
Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga Pangulo ng PODA sa inyong mabuting pag-anyaya sa inyong Team Building Activity. Isang karangalan po na makasama at makadaupang-palad ang mga lider na patuloy na nagsusulong ng pagkakaisa, disiplina, at kaunlaran para sa ating komunidad.
Maraming salamat din sa pagkakataong makasama si Kag. Joel sa makabuluhang pagtitipong ito. Nawa'y lalo pang tumibay ang ating samahan at pagtutulungan para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Mabuhay ang mga samahan ng PODA at ang ating komunidad!
31/05/2026
Nakiisa sa matagumpay na Opening Ceremony ng Summer League 2026 ang ating mahal na Kapitana Asuncion "Sony" Aguilar kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng BF International CAA.
Ang kanilang presensya ay patunay ng patuloy na suporta ng ating pamunuan sa mga programang nagtataguyod ng sportsmanship, pagkakaisa, disiplina, at malusog na pamumuhay para sa ating kabataan at komunidad.
Mabuhay ang mga manlalaro, coaches, organizers, at lahat ng sumusuporta sa Summer League 2026! Good luck sa lahat ng koponan at nawa'y manaig ang tunay na diwa ng palakasan.
28/05/2026
Happy Birthday Kons-Kap Mori Riguera.
26/05/2026
NAISAGAWA ANG NATIONAL ONLINE WEBINAR ON THE “BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG” PROJECT
Matagumpay na nakilahok ang ating mga kinatawan mula sa Barangay BF International CAA sa isinagawang National Online Webinar ng DILG NCR tungkol sa programang “Bawat Barangay Makikinabang”.
Dumalo sa webinar sina:
✔️ Kagawad Grace Rosales
✔️ Barangay Secretary Roger Muico
✔️ Barangay Administrator Roger Capeña
Layunin ng webinar na magbigay ng mas malinaw na gabay sa implementasyon ng proyekto, kabilang ang monitoring, reporting, operational procedures, at iba pang mahahalagang proseso upang mas mapabuti ang serbisyo sa ating komunidad.
Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa at dedikasyon ng ating mga opisyal para sa mas maayos at episyenteng pamamahala ng barangay.
26/05/2026
NATIONAL IMMUNIZATION PROGRAM – LIGTAS TIGDAS “BAYANIHAN”
Ang CAA Health Centers ng Barangay BF International CAA ay magsasagawa ng NIP – Ligtas Tigdas Bayanihan (MRSIA) sa mga sumusunod na petsa:
📍 June 3, 2026
• CAA-C Health Center
• CAA-D Health Center
📍 June 10, 2026
• CAA-A Health Center
• CAA-B Health Center
Kasama ang tig-40 vaccination team sa bawat health center upang masiguro ang maayos at ligtas na pagbabakuna para sa ating mga kababayan, lalo na sa mga kabataan.
Maraming salamat sa suporta ng ating mahal na Kapitana Asuncion C. Aguilar, Barangay Council, mga Health Workers,DOH at BNS, at volunteers para sa patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng ating komunidad.
24/05/2026
Pamamahagi ng mga uniform para sa mga kalahok ng Barangay BF International CAA Summer League 2026.
Sa pangunguna ng ating mahal na Kapitana Sony Aguilar, kasama ang buong Barangay Council, patuloy ang suporta sa mga kabataan at manlalaro para sa mas masigla, maayos, at makabuluhang palaro sa ating barangay.
Good luck sa lahat ng teams!
22/05/2026
Masiglang isinagawa ngayong Mayo 22, 2026 ang Zumba Danxercise kasama ang BF Intl. CAA Dancers sa Narra Court bilang bahagi ng pagsusulong ng healthy at active lifestyle sa komunidad.
Nakiisa ang mga BNS mula sa Centers A, B, C, at D, kasama ang BNAO at ating masisipag na Zumba Instructors na nagbigay saya at enerhiya sa lahat ng kalahok.
Patuloy nating itaguyod ang kalusugan, pagkakaisa, at aktibong pamumuhay para sa mas masiglang barangay!
22/05/2026
Ngayong Mayo 22, 2026, isinagawa sa CAA-D, Lansones St. ang lecture tungkol sa Pinggang Pinoy, reweighing, pamamahagi ng multivitamins, at deworming para sa mga malnourished PSC bilang paghahanda sa Dietary Supplementary Feeding Program.
Pinangunahan ito ng Barangay Nutrition Committee (BNC) sa pamumuno ni Kapitana Sony Aguilar at Kagawad for Nutrition Jun Lion Bernales, kasama ang ating mga BNS at Mother Leaders.
Patuloy ang barangay sa pagsusulong ng kalusugan at tamang nutrisyon para sa ating mga bata.
21/05/2026
Ngayong May 21, 2026, nagsagawa ang CAA-D ng lecture tungkol sa karagdagang pagkain para kay baby sa pangunguna ni Ms. Dinah Santos, BNS ng Center D.
Kasabay nito ang distribution ng Multivitamins (Multilem) Syrup para sa mga malnourished PSC at reweighing ng mga batang edad 24–59 months old bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kalusugan at nutrisyon ng ating mga kabataan.
Maraming salamat sa ating mga Mother Leaders at sa lahat ng nakiisa para sa mas malusog na komunidad.
19/05/2026
Ngayong May 19, 2026, nagsagawa ang CAA Center D, sa pangunguna ni Ms. Dinah Santos, ng lecture at pamamahagi ng iodized salt para sa ating mga buntis na kababaihan.
Layunin ng aktibidad na ito na palawakin ang kaalaman tungkol sa tamang nutrisyon at kahalagahan ng iodized salt para sa kalusugan ng ina at sanggol.
Patuloy ang ating barangay sa pagsusulong ng malusog at ligtas na pagbubuntis para sa bawat pamilyang