27/10/2026
🕯️ LIGTAS UNDAS 2026 🕯️
“SA UNDAS, KALIGTASAN AT PAG-IINGAT AY UNAHIN!”
Ang PNP Maritime Group – Ligao Maritime Law Enforcement Team ay nakikiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat pamilya sa paggunita ng Undas 2026.
✅ Mga Paalala para sa Ligtas na Undas:
🔹 Panatilihing ligtas at bantayan ang inyong mga personal na gamit.
🔹 Huwag mag-iwan ng kandilang nakasindi nang walang nagbabantay.
🔹 Siguraduhing nakakandado ang inyong mga tahanan bago umalis.
🔹 Sundin ang mga alituntunin at tagubilin ng mga awtoridad.
🔹 Iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay at matutulis na armas.
🔹 Panatilihing malinis ang kapaligiran at itapon ang basura sa tamang lalagyan.
🔹 I-report agad sa pinakamalapit na awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos o insidente.
MAGING ALERTO, MAGING RESPONSABLE, AT MAKIPAGTULUNGAN!
Sa sama-samang pagkilos, makatitiyak tayo ng isang mapayapa, ligtas, at maayos na Undas.