23/10/2026
Sa ngalan ng Olea Barangay Council , buong puso kaming nakikiramay sa pamilya ng ating mahal na kabarangay na pumanaw sa malagim na trahedya sa ibang bansa.
Walang salitang sapat upang maibsan ang sakit at pangungulila ng isang pamilyang nawalan ng mahal sa buhay. Sa napakahirap na panahong ito, nais naming ipabatid na kasama ninyo ang buong Barangay Olea sa inyong pagdadalamhati at panalangin.
Nawa’y bigyan kayo ng Panginoon ng lakas, katatagan at kapanatagan upang malagpasan ang napakabigat na pagsubok na ito. Nawa’y ang mga masasayang alaala at pagmamahal na iniwan niya ay magsilbing lakas at inspirasyon sa buong pamilya.
Ang aming taos-pusong pakikiramay at panalangin para sa buong pamilya.
Nawa’y makamtan niya ang walang hanggang kapahingahan. 🕊️🙏
Taos-Pusong Pakikiramay mula kay Punong Barangay Junday Quijance , kasama ang buong Sangguniang Barangay at mga kabarangay ng Barangay Olea. 🙏🙏