15/06/2026
Pagbati sa Lalawigan ng Bulacan at sa lahat ng 24 na Lungsod at Bayan nito sa pagkamit ng 100% passing rate sa 2025 Good Financial Housekeeping (GFH) Assessment ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang pagkilalang ito ay patunay ng sama-samang pagsisikap ng ating mga lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng transparency, accountability, at mahusay na pamamahala ng pondo para sa kapakanan ng bawat Bulakenyo.
15/06/2026
| National Tour Guides, XIII Bulacan Convention and General Assembly Day 1
| 14 June 2026
| Province of Bulacan
13/06/2026
Mahalagang Pabatid, Bulakenyo!
Ipinapaalam po ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na ang Facebook account na gumagamit ng pangalang “Daniel Fernando Gov” ay hindi opisyal at isang pekeng account.
Ito ay nagpapadala ng mensahe at humihingi ng personal na impormasyon tulad ng numero ng cellphone, kapalit umano ng libreng load. Mariin po naming pinaaalalahanan ang lahat na huwag magbigay ng anumang personal na detalye at huwag makipagtransaksyon sa account na ito.
Para sa opisyal na anunsyo at impormasyon, mangyaring sumangguni lamang sa mga lehitimong social media pages at opisyal na tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.
Hinihikayat din ang publiko na i-report at i-block ang mga pekeng account upang maiwasan ang anumang panloloko o maling paggamit ng pangalan ng opisyal.
Ang nasabing accounts ay makikita sa mga link na ito:
https://www.facebook.com/profile.php?id=61590836127412
https://www.facebook.com/share/1KuTes2zKB/?mibextid=wwXIfr
Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa. Mag-ingat po tayong lahat.
13/06/2026
Isang taos-pusong pagbati sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at sa mga Lokal na Pamahalaan sa Lalawigan ng Bulacan para sa kanilang kahanga-hangang pagkilala na tinanggap mula sa CY 2025 Local Project Monitoring Committee (LPMC) Functionality Assessment.
Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng mahusay na pamamahala, pagtutulungan, at dedikasyon ng mga lokal na opisyal, miyembro ng LPMC, at iba pang katuwang sa pagpapatupad at masusing pagsubaybay ng mga proyektong pampamahalaan.
Patuloy nating isulong ang tapat, mahusay, at makabuluhang paglilingkod para sa kapakanan ng mga Bulakenyo tungo sa mas maunlad na kinabukasan ng lalawigan.