19/05/2026
MIS Muntinlupa
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MIS Muntinlupa, Government Organization, Muntinlupa City.
19/05/2026
19/05/2026
๐๐ฟ๐๐ด๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐
๐ง๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ?
Ang drainage project sa Bruger Street ay bahagi ng solusyon sa matagal nang pagbaha sa national road, partikular sa tapat ng City Hall.
Matagal na nating problema ang pagbaha sa lugar na ito. Ang orihinal na plano sana ay dumaan ang drainage sa ilang private properties, pero hindi ito napayagan kaya kinailangan nating humanap ng ibang ruta.
Dito napagdesisyunan na idaan sa Bruger Street ang drainage line papunta sa Laguna de Bay.
๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐น๐๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐น๐ถ๐ป๐ฒ?
Habang ginagawa ang proyekto, may mga natuklasang underground utilities tulad ng linya ng tubig, kuryente, at telco na kinailangang i-relocate muna bago maituloy nang maayos ang drainage works.
Hindi rin madali ang relocation dahil maraming residente at serbisyo ang maaaring maapektuhan. Nakipag-coordinate tayo sa mga public utility companies para mapabilis ang proseso habang sinisigurong minimal ang abala sa mga tao.
๐๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐๐ธ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐๐๐?
Sa ngayon, tapos na ang malaking bahagi ng drainage works sa Bruger Street at asphalting na lamang ang hinihintay. Magagawa ito matapos makumpleto ang ongoing drainage works sa tapat ng City Hall.
๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐ฏ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐?
Target nating matapos ang drainage works sa harap ng City Hall ngayong May, at susunod agad ang asphalting sa Bruger sa June.
Sa ngayon, may ginagawang adjustment sa design dahil may nakitang active gas line. Kung hindi iingatan, posibleng masira ang active gas lines dahil sa bigat ng mga sasakyang dumadaan sa National Road.
Unfortunately, wala ring existing o kumpletong records on file ng eksaktong lokasyon ng ilang underground utilities tulad ng gas lines, water lines, electrical at telco facilities, at iba pang linya sa ilalim ng kalsada.
Dahil dito, isa-isa pa itong kinailangang tukuyin at i-validate habang ongoing ang paghuhukay at konstruksyon upang maiwasan ang mas malaking aberya at pagkaantala ng serbisyo.
Malinaw sa kontraktor ang kanilang obligasyon. Kapag may hindi nasunod sa kontrata o hindi katanggap-tanggap na delay, may kaakibat itong multa at kaukulang parusa.
Sa ngayon, hinihingi po namin ang kaunting pang-unawa at pasensya habang tinatapos ang proyektong magbibigay ng pangmatagalang ginhawa laban sa pagbaha.
10/05/2026
๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ข๐ฅ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ญ๐๐ก๐๐ง๐๐ง ๐๐ญ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง๐ญ๐๐ฒ โ ๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐จ๐ญ๐ก๐๐ซ'๐ฌ ๐๐๐ฒ! ๐
Maraming salamat po sa walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at paggabay. Kayo ang tunay na inspirasyon ng bawat pamilyang Muntinlupeรฑo. ๐
07/05/2026
29/04/2026
๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐, ๐๐๐ ๐ค๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ญ๐๐๐ซ ๐๐ฐ๐๐ซ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐๐
Kinilala ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa bilang International Local Volunteer Partner Institution Awardee ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA), katuwang ang Korea International Cooperation Agency Philippines - KOICA ํ๋ฆฌํ์ฌ๋ฌด์ (KOICA), bilang pagkilala sa pakikipagtulungan nito sa international volunteer programs.
Nagpasalamat si Mayor Ruffy Biazon sa patuloy na suporta ng Korean volunteers sa Early Childhood Education Division (ECED) at mga Child Development Centers, at binigyang-diin ang halaga ng partnership na kapwa nakikinabang ang komunidad at mga volunteers.
Matatandaang noong December 2023, kinilala ang Muntinlupa bilang kauna-unahang Volunteerism Local Learning Hub sa bansaโisang hakbang upang lalo pang mapalakas ang volunteerism sa lungsod.
Kaugnay nito, lumagda ang lokal na pamahalaan sa isang Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang PNVSCA para sa mas pinalawak na training, workshops, at community outreach programs.
26/04/2026
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ฒ, ๐๐จ๐ง๐ . ๐๐ข๐ฆ๐ฆ๐ฒ ๐
๐ซ๐๐ฌ๐ง๐๐๐ข! ๐๐
Sa mahabang panahon ng iyong paglilingkod bilang Mayor ng Muntinlupa, naging matibay kang haligi ng kaunlaran para sa ating lungsod. At hanggang ngayon, bilang Congressman, tuloy-tuloy pa rin ang iyong dedikasyon sa paghahatid ng serbisyo at oportunidad para sa bawat Muntinlupeรฑo.
Kasama ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Ruffy Biazon, kami po ay nagpapasalamat sa iyong patuloy na paggabay at suporta sa ating lungsod.
Hangad namin ang inyong mabuting kalusugan at mas marami pang taon ng makabuluhang paglilingkod.
Maligayang kaarawan, Cong. Jimmy Fresnedi!
22/04/2026
Sa pagdiriwang ng Earth Day 2026 na may temang โOur Power, Our Planet,โ hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang bawat Muntinlupeรฑo na makiisa sa pangangalaga ng kalikasan.
Nasa ating mga kamay ang kapangyarihang protektahan ang ating planeta para sa susunod na henerasyon. ๐๐
21/04/2026
๐๐๐๐-๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ง๐ฌ ๐
๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐๐ง๐ง๐จ๐ฏ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฎ๐ ๐ข๐ง ๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐
Opisyal nang inilunsad ng DOST- National Capital Region ang kauna-unahang Innovation Hub (iHub) sa MUNTAPARLAS (Muntinlupa, Taguig, Paraรฑaque, Las Piรฑas), na matatagpuan sa Colegio de Muntinlupa (CDM).
Sa pagtutulungan ng DOST at Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, binuksan ang iHub bilang isang open-access workspace para sa mga estudyante, researchers, startups, at entrepreneurs na gustong mag-collaborate, mag-innovate, at gawing realidad ang kanilang mga ideya.
Hindi lang ito basta workspaceโdito mabibigyan ng access ang mga innovators sa mentorship, advanced prototyping tools, at suporta para makabuo ng market-ready solutions na makatutulong sa ekonomiya ng rehiyon.
Kasama rin sa iHub ang Project SARAI CeNTRO Hub, na magdadala ng science-based solutions para suportahan ang ating mga magsasaka sa MUNTAPARLAS.
Sa iHub, mas inilalapit ang agham at teknolohiya sa mamamayan para gawing tunay na solusyon ang bawat ideya.
Isang malaking hakbang para sa kaunlaran ng Metro South!
21/04/2026
๐
.๐.๐.๐. ๐๐๐ซ๐ฏ๐ข๐๐ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ ๐ข๐ฌ ๐๐จ๐ง-๐๐๐ ๐จ๐ญ๐ข๐๐๐ฅ๐
Muling binigyang-diin ni Mayor Ruffy Biazon ang mandato ng Pamahalaang Lungsod: F.R.E.E. (Fast, Responsive, Effective, and Efficient) Service with a Smile.
Hindi katanggap-tanggap na may ilang kawani pa rin sa City Hall ang patuloy na nairereklamo dahil hindi magalang o masungit habang naglilingkod ayon sa Punong-Lungsod.
โWalang lugar sa public service ang mga taong walang ganang ngumiti. If you cannot do your job courteously, take yourself somewhere else,โ mariing pahayag ni Mayor Biazon.
Ang F.R.E.E. Service with a Smile ay hindi simpleng slogan kundi isang direktiba mula sa Local Chief Executive na dapat sundin nang buong puso at seryosong pagtupad.
โThis is an order. Take it seriously. Wala na sana akong marinig na may nasungitan na naman sa City Hall,โ dagdag pa ni Mayor Biazon.
Sakaling may ma-encounter na masungit na empleyado, maaaring mag-message sa Muntinlupa Helpdesk FB page. Ilakip ang pangalan ng empleyado, tanggapan, pati araw at oras ng insidente para sa mas mabilis na aksyon.
21/04/2026
Naglaan ang Pamahalaang Lungsod ng โฑ100 milyon para sa malawakang renovation ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun). Sa kasalukuyan, nasa 50% completion stage na ang isinasagawang upgrading ng mga pasilidad.
Saklaw ng proyekto ang pagtatayo ng karagdagang classrooms, mini amphitheatre, student lounge, satellite library, at bagong fire exits, pati na rin ang rehabilitasyon ng dating Audio-Visual Room (AVR) na inaasahang makakapag-accommodate ng 150โ200 estudyante.
Isinasaalang-alang sa disenyo ng bagong classrooms ang kautusan ni Mayor Ruffy Biazon na gawing mas malalaki ang bintana para sa mas maayos na lighting at ventilation, gayundin ang paggamit ng polished concrete flooring para sa mas pangmatagalang pasilidad.
Dahil pinaplano na ang pagbubukas ng College of Nursing sa PLMun, nagpapatayo ng mini amphitheatre na magsisilbing lecture room ng mga mag-aaral at future nurses.
Habang nauna na ring isinagawa ng City Government ang pagpapabuti ng comfort rooms sa paaralan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Muntinlupa City
1772
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
