TRUpa sa Kalsada

TRUpa sa Kalsada

Share

TRUpa ng mga Tricycle Driver / Operators

Photos from TRUpa sa Kalsada's post 29/04/2026

Inatasan ng ating butihing Mayor Ruffy Biazon sina TRU Division Head Kagawad Nelson Brila at MTMB OIC Bernard Custodio na ipagkaloob sa dalawang Sektor Ng Transportasyon sa ating lungsod, ang AKREDITASYON ng kanilang Asosasyon.
Ito ay sa pangunguna ng kani-kanilang Pangulo na si Eduardo G David ng TODARVA at Pangulong Pastor Montillano ng ACMSTODAI.
Nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa at ang ating Mayor sa kanilang patuloy na pakikiisa at dedikasyon sa pagbibigay ng maayos at ligtas na serbisyo sa ating mamamayan.
Ginanap ito sa Tanggapan ng MTMB sa South Park Ayala Mall, Alabang, Muntinlupa City.

Photos from TRUpa sa Kalsada's post 16/04/2026

April 16, 2026

Patuloy ang pagbabantay ng TRU sa pamumuno ni Hepe Kgd. Nelson Brila sa mga tricycle driver na nanamantala ng pasahe dulot ng tigil pasada.

Muli po pinaaalalahanan namin ang mga tricycle driver na huwag samantalahin ang ganitong sitwasyon, dahil lahat din po tayo ay apektado rin ng ganitong sitwasyon.

15/04/2026

PAALALA SA ATING MGA TODA SA PANAHONG ITO KUNG SAAN KASALUKUYANG MAY TRANSPORT STRIKE.
HUWAG SAMANTALAHIN ANG SITWASYON PARA SUMINGIL NG HINDI MAKATUWIRANG HALAGA NG PASAHE.

ITO AY PAGLABAG SA ORDINANSA O BATAS.
MAHIGPIT NA MAGBABANTAY ANG MTMB-TRU SA ATING MGA LANSANGAN UPANG LAPATAN NG VIOLATION TICKET ANG MGA MAGMAMALABIS.

07/04/2026

Ang pamunuan ng BSSPMTODAI Putatan Bruger ay nagpasalamat sa tulong sa kanila ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa

27/03/2026

Dahil sa mga problemang hatid ng crisis sa Middle East, ang epekto nito ay ang pagtaas ng gasolina na direktang nakaapekto sa public transport na syang nagiging dahilan ng strike ng mga pampublikong sasakyan gaya ng mga jeep.

Sa mga ganitong pagkakataon ay may ilang mga tricycle driver ang namamantala sa mga mananakay kanilang tinataasan ang pamasahe at marami sa ating mga KaTrupa ang nagrereklamo.

Kaya ang Hepe ng TRU na si Kgwd. Nelson Brila ay bumaba sa kalsada upang pagsabihan ang mga tricycle driver, kanya ring ipinag utos na hulihin ang mga namamantala at lalo na ang mga kolorum upang maprotektahan ang mga mananakay sa mga ganitong hindi kaaya-ayang gawain. Kung sakali man na may ma-encounter kayo na ganitong mga tricycle driver na nananamantala maaari nyo pong kunin ang kanilang TODA NAME at TRU/BODY number at ireport sa dito sa aming page TRUpa sa Kalsada, Juan Masunurin o magsadya sa aming tanggapan sa MTMB 3rd level, South Park Ayala Mall.

26/03/2026

ANG PAALALA NG MTMB-TRU MUNTINLUPA SA MGA TUMUTULONG SA MGA DRIVER NG TODA PARA MAPASAMA SA FUEL SUBSIDY NG DSWD.

HINDI MASAMA ANG TUMULONG ANG MASAMA AY ANG PAG KALTAS NG PORSYENTO ITO AY MAY PANANAGUTAN SA BATAS AT HINDI PINAPAYAGAN NG MTMB-TRU AT LGU MUNTINLUPA.

SA MGA GANITONG KASO AT SUMBONG, BUKAS ANG TANGAPAN NG TRU MUNTINLUPA.

Photos from TRUpa sa Kalsada's post 17/03/2026

03/17/26

Nabiyayaan ang unang 500 beneficiary ng fuel subsidy mula sa DSWD sa atas ni PBBM katuwang ang City Goverment ng Muntinlupa sa pangunguna ni Mayor Ruffy Biazon na pinangasiwaan ng SSD,MTMB-TRU Muntinlupa.
Ito ay pauna lang at sa Mrach 23-24,2026 Itinakda na mabigyan ang lahat na kwalipikadong driver ng mga TODA sa Lungsod.

Hinihiling ng TRU -Muntinlupa na Maki-pag ugnayan ang mga kasapi ng TODA sa kanilang pamunuan para malaman ang mga ilang detalye sa gaganapin pay out ng fuel subsidy.

TRUpa sa kalsada

15/03/2026

Paglilinaw mula sa tangapan ng TRU Muntinlupa ang letter kahilingan ito ng SV3 TODA southville at ng kanilang kasalukuyan Pangulo na si Henry De Castro ay wala pang pag sang-ayon ang tangapan ng TRU ito ay pina-recieved pa lamang sa kanilang tangapan at ang lagda ay patunay lamang na ito at natangap.
Ang TRU Muntinlupa ay humiling na huwag gamitin ang mga ganitong bagay para sa kanilang interes.
Sa pamunuan ng SV3toda maging responsable po sana sa pag gamit ng social media para huwag mag dulot ng kalimutan sa mananakay.
Muli ang paalala na ang letter na ito ay wala pang desisyon at ito ay kanila palang kahilingan.

Salamat
TRU MUNTINLUPA

11/03/2026

Dahil sa krisis sa gitnang silangan ang isa sa epekto sa atin ay ang agarang pagtaas ng gasolina at inaasahan din ang pagtaas ng bilihin.
Ating pinaalalahan ang ganitong pagtaas ng bilihin at pasahe dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina ay may pinagdadaanan proseso at hindi basta-basta ipinatutupad ng sinuman.
Ang hindi pagsunod sa mga alituntunin o prosesong legal ng pagtatas ng pasahe ay may pananagutan sa Pamahalaan at sa batas.

ANG ATING PANAWAGAN SA MGA TRUpang TODA HANGAT WALANG LEGAL NA UTOS AT KUNG MERON MAN AT HINDI DUMAAN SA TAMANG PROSESO ITO AY BAWAL.

Paalala mula sa MTMB-TRU MUNTINLUPA

Photos from TRUpa sa Kalsada's post 07/03/2026

Ang lugar ng Manggahan Esporlas Itaas Putatan kung saan naroon ang Public Cemetery ng Lungsod ay mahigpit ang pagpapatupad ng ordinansa sa illegal na pag parada upang huwag mahirapan ang mga kababayan nating maghahatid sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa araw ng Sabado at Linggo.

Photos from TRUpa sa Kalsada's post 06/03/2026

03/06/26

Si Chief Nelson Brila ng TRU MUNTINLUPA ay pinangunahan ang paghaharap ng mga members ,Officers ng SHIMCTODAI at Officer ng Mutual Homes Soldiers Putatan upang pagkasunduan ang usapin ng paglilimita sa ingay ng tambutso o sasakyan.
Kasama sina Fedmuntoda President Ariel Lanting at Sec. Marcos Ellema.

TRUpa sa Kalsada

Want your business to be the top-listed Government Service in Muntinlupa City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Muntinlupa City
1770

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm