Mayor Jeannie Sandoval

  • Home
  • Mayor Jeannie Sandoval
Directions Website Contact the organization

Mayor Jeannie Sandoval This is the Official page of Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.

Isang pagbati sa Sangguniang Kabataan (SK) Federation at sa Barangay Acacia para sa pagsasagawa nila ng basketball leagu...
24/10/2026

Isang pagbati sa Sangguniang Kabataan (SK) Federation at sa Barangay Acacia para sa pagsasagawa nila ng basketball league, na nagbibigay ng pagkakataon sa ating mga kabataan na maipakita ang kanilang talento, husay, at dedikasyon sa larangan ng basketball.

Nawa’y maging daan ang liga na ito upang higit pang mapatatag ang pagkakaisa, disiplina, sportsmanship, at pagkakaibigan ng ating mga kabataan. Higit sa panalo at pagkatalo, mahalaga ang mga aral at karanasang kanilang makakamit sa bawat laro.

Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay-inspirasyon at positibong oportunidad sa ating kabataan!

Mabuhay ang kabataan ng Malabon! Mabuhay ang Barangay Acacia! 🏀💙

Maligayang Kaarawan, Boneng! 💙Dalangin ko ang patuloy mong magandang kalusugan, kaligayahan, at mas marami pang biyayang...
24/10/2026

Maligayang Kaarawan, Boneng! 💙

Dalangin ko ang patuloy mong magandang kalusugan, kaligayahan, at mas marami pang biyayang matatanggap sa buhay. Nawa’y lagi kang gabayan at protektahan ng Poong Maykapal, at pagkalooban ka ng mas marami pang taon ng pagmamahal, kapayapaan, at tagumpay.

Muli, maligayang kaarawan!

COOPERATIVE MONTH 2026 CULMINATING ACTIVITY!Sa temang “Matibay na Kooperatiba: Nagkakaisang Pamayanan Para sa Kapayapaan...
24/10/2026

COOPERATIVE MONTH 2026 CULMINATING ACTIVITY!

Sa temang “Matibay na Kooperatiba: Nagkakaisang Pamayanan Para sa Kapayapaan at Kaunlaran,” ipinagdiriwang natin ang mahalagang papel ng mga kooperatiba sa pagbuo ng mas matatag, nagkakaisa, at maunlad na pamayanan.

Dumalo sa makabuluhang pagtitipong ito ang mga kinatawan ng iba’t ibang kooperatiba sa Malabon, na patuloy na nagsusulong ng pagtutulungan, pagkakaisa, at sama-samang pag-unlad.

Kabilang sa mga dumalo ang Malabon Jeepney Transport Service Cooperative, Magsaysay Homeowners Association Credit Cooperative, Potrero National High School Consumer Cooperative, Bee Home Labor Multipurpose Cooperative, Acacia–Monumento Transport Cooperative, Nuestra Señora del Rosario Credit Cooperative, MABC Para sa Kababaihan Consumer Cooperative, Malabon Central Market Development Cooperative, Tinajeros National High School Teachers and Employees Multipurpose Cooperative, Damata Kadima Sunrise View Housing Cooperative, Juvenile Lamb Transport Service Cooperative, Hulong Duhat Vendors Development Cooperative, at Malabon City Government Employees Multipurpose Cooperative.

Maraming salamat sa bawat kooperatiba at sa kanilang mga kasaping patuloy na nagbibigay-buhay sa diwa ng bayanihan. Sa bawat sama-samang hakbang, mas pinatitibay natin ang kabuhayan, ugnayan, at kinabukasan ng ating mga komunidad.

Isang makabuluhang araw ng pakikilahok, pakikinig, at pagkakaisa ang Barangay Baritan Assembly Day! Sama-sama nating pin...
24/10/2026

Isang makabuluhang araw ng pakikilahok, pakikinig, at pagkakaisa ang Barangay Baritan Assembly Day!

Sama-sama nating pinag-uusapan ang mahahalagang usapin, programa, at mga plano para sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.

Ang bawat boses, mungkahi, at pakikibahagi ng mga residente ay mahalaga sa pagbuo ng mas maayos, ligtas, at progresibong komunidad. Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at sama-samang pagkilos, mas napapalakas natin ang ugnayan ng bawat mamamayan at ng pamahalaang barangay.

Saludo tayo sa lahat ng dumalo at nakilahok sa Barangay Baritan Assembly Day! Patuloy nating isulong ang pagkakaisa, bayanihan, at malasakit para sa mas magandang kinabukasan ng Barangay Baritan.

24/10/2026

PANOORIN: Narito ang ilan sa mga naging kaganapan sa isinagawang Assisted Livelihood Project Awarding na handog ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pangunguna ng ating Public Employment Service Office (PESO) Malabon.

Taos-puso tayong nagpapasalamat sa DOLE sa suportang patuloy nitong ipinagkakaloob upang mabigyan ng mas maraming oportunidad ang ating mga kababayan na makapagsimula o mapalago ang kanilang kabuhayan at magkaroon ng mas matatag na pagkakakitaan para sa kanilang pamilya.

Patuloy nating palalakasin ang pakikipagtulungan sa ating mga katuwang na ahensya upang maihatid ang mga programang nagbibigay ng konkretong oportunidad at mas magandang kinabukasan para sa bawat Malabueño.

Isang masayang pagkakataon para sa ating mga kabataan na magsama-sama, magkaroon ng bagong memories, at mas patatagin an...
24/10/2026

Isang masayang pagkakataon para sa ating mga kabataan na magsama-sama, magkaroon ng bagong memories, at mas patatagin ang samahan at pagkakaibigan sa komunidad sa isinagawang Bingo Game ng Pilapil Youth Organization.

Saludo tayo sa Pilapil Youth Organization sa paglikha ng mga gawaing nagbibigay-saya at pagkakataon para sa mga kabataang magbuklod, makilahok, at bumuo ng mas matatag na komunidad!

Dahil kapag sama-sama ang kabataan, mas masaya, mas makulay, at mas makabuluhan ang bawat sandali!

Nakiisa tayo sa Barangay Assembly 2026, isang pagkakataon upang higit na mapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at ng mga m...
24/10/2026

Nakiisa tayo sa Barangay Assembly 2026, isang pagkakataon upang higit na mapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at ng mga mamamayan tungo sa mas maayos, ligtas, at maunlad na pamayanan.

Kasabay ng pagtitipon ang oath-taking ceremony ng mga opisyal ng Maligaya Neighborhood Association at Yellowbell Libis Neighborhood Association, na pormal na nagtatakda sa kanilang panunumpa at kahandaang gampanan ang kanilang mga tungkulin para sa kani-kanilang komunidad.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagkakaisa ng mga residente at mga lider ng pamayanan, mas napagtitibay natin ang diwa ng bayanihan at sama-samang pagsusulong ng mga programang makatutulong sa bawat Malabueño.

Patuloy tayong magkaisa at magtulungan para sa isang mas maunlad at mas maayos na Malabon!

Patuloy ang pagbibigay-suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa mga pamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng ikal...
24/10/2026

Patuloy ang pagbibigay-suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa mga pamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng ikalawang tranche ng Bawat Bayan Makikinabang Rice Distribution Program.

Aabot sa 4,000 benepisyaryo ang makatatanggap ng tulong na bigas, kabilang ang mga benepisyaryo ng 4Ps, mga fire volunteer, at mga survivor ng Violence Against Women and their Children (VAWC).

Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng lokal na pamahalaan na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilya at maibsan ang kanilang gastusin sa pagkain.

Patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay-kalinga at suporta sa mga Malabueños, lalo na sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Dahil sa Malabon, bawat pamilya ay mahalaga at bawat tulong ay may kabuluhan!

Kabuuang 161 marginalized solo parents ang nakatanggap ng ₱1,000 bilang buwanang subsidy mula sa ating Pamahalaang Lokal...
24/10/2026

Kabuuang 161 marginalized solo parents ang nakatanggap ng ₱1,000 bilang buwanang subsidy mula sa ating Pamahalaang Lokal ng Malabon sa ilalim ng Marginalized Solo Parent Financial Assistance Program.

Layunin ng programang ito na makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng ating mga solo parent at maibsan ang kanilang mga pasanin sa pagpapalaki at pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ang mga programang nagbibigay-suporta at pagkalinga sa mga pamilyang higit na nangangailangan, upang matiyak na may katuwang sila sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Dahil sa Malabon, mahalaga ang bawat pamilya at bawat Malabueñong nangangailangan ng tulong. 💚

Nakiisa tayo sa IBM Coastal Clean-Up Drive na ginanap ngayong October 24, 2026, sa Dampalit Megadike, Malabon City.Sa pa...
24/10/2026

Nakiisa tayo sa IBM Coastal Clean-Up Drive na ginanap ngayong October 24, 2026, sa Dampalit Megadike, Malabon City.

Sa pamamagitan ng mga gawaing tulad nito, naipapakita natin na ang pangangalaga sa ating kapaligiran ay isang responsibilidad na dapat nating pagtulungan. Bawat basurang napupulot at bawat hakbang na ginagawa ay ambag tungo sa mas malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa lahat ng Malabueños.

Sama-sama nating panatilihing malinis ang ating mga daluyan ng tubig at pangalagaan ang ating kalikasan para sa susunod na henerasyon! 🌱

Address

Malabon City Hall

1470

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Jeannie Sandoval posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mayor Jeannie Sandoval:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share

Nearby government services