Persons with Disability Affairs Office - LGU Palapag

Directions

Persons with Disability Affairs Office - LGU Palapag Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Persons with Disability Affairs Office - LGU Palapag, Government Organization, Justice Romualdez Street, Barangay Tambangan, Palapag.

PDAO CONFERS CERTIFICATE OF COMMENDATION TO PATECI FOR ITS OUTREACH PROGRAM FOR LEARNERS WITH DISABILITIES♿The Persons w...
26/10/2026

PDAO CONFERS CERTIFICATE OF COMMENDATION TO PATECI FOR ITS OUTREACH PROGRAM FOR LEARNERS WITH DISABILITIES♿

The Persons with Disability Affairs Office (PDAO) of the Municipal Government of Palapag, Northern Samar, proudly confers a Certificate of Commendation to Palapag Teachers, Employees and Community Multi-Purpose Cooperative (PATECI) as a token of recognition and appreciation for its valuable contribution through an outreach program for learners with disabilities.

This commendable initiative reflects PATECI’s commitment to promoting inclusive education, supporting learners with disabilities, and helping create opportunities for their growth, development, and well-being.

The PDAO recognizes the importance of partnerships and collaborative efforts in ensuring that learners with disabilities receive the care, support, and opportunities they deserve. Initiatives such as this demonstrate that through compassion, cooperation, and a shared commitment to inclusion, we can make a meaningful difference in the lives of learners with disabilities.

Our heartfelt appreciation to PATECI for extending its support and making inclusion a shared responsibility. May this initiative inspire more organizations and stakeholders to champion the rights, welfare, and development of persons with disabilities.


Must read🩵
24/10/2026

Must read🩵

𝗡𝗖𝗗𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗥𝗘𝗟𝗘𝗔𝗦𝗘 | 𝗣𝗮𝗶𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗚𝗨𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘄𝗮𝘀𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘀𝗲𝘀𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗣𝗪𝗗 𝗜𝗗 𝗮𝘁 𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗶𝗳𝗶𝗲𝗱 𝗣𝗪𝗗 𝗜𝗗 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗻𝗮𝘆 - 𝗡𝗖𝗗𝗔

Hinimok ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang lahat ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng kanilang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) o City/Municipal Social Welfare and Development Office (C/MSWDO), na higit pang patatagin ang mga pamamaraan sa paglalabas ng PWD ID at ganap na ipatupad ang Unified PWD ID System matapos ang isinagawang pambansang pagsasanay para sa sistema.

Ayon sa NCDA, mahalaga ang wastong pagsusuri ng mga kinakailangang dokumento at pagpapatunay sa kwalipikasyon ng mga aplikante upang maiwasan ang paglalabas ng ID sa mga hindi kwalipikado at ang pagdami ng mga pekeng kard. Kabilang sa mga dapat tiyakin ng mga PDAO ang pagkakaroon ng balidong medikal na sertipikasyon, pagkumpleto ng mga kinakailangan, at tumpak na paglalagay ng impormasyon sa sentralisadong talaan.

“Ang pagsasanay na ibinigay sa mga kawani ng PDAO ay hindi lamang pagpapakilala sa teknolohiya—ito ay panawagan na maging mas maingat sa bawat hakbang ng pagproseso,” sabi ng kinatawan ng NCDA. “Ang Unified PWD ID System ay makatutulong upang mapadali ang pagpapatunay ng mga establisyimento at mapangalagaan ang mga benepisyong nakalaan lamang para sa mga lehitimong taong may kapansanan.”

Dapat magkaroon ang bawat PDAO ng itinalagang kawani at isang IT personnel mula sa lokal na pamahalaan na sinanay ng NCDA upang matiyak ang integridad ng sistema. Sa pamamagitan nito, matutukoy kung sino ang nag-encode, nag-apruba, at nagpalabas ng ID upang matiyak ang mahigpit na pagbabantay at pananagutan sa proseso.

Patuloy na makikipagtulungan ang NCDA sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), at iba pang ahensya upang magbigay ng tuloy-tuloy na gabay at suporta sa mga PDAO sa buong bansa.

KAUNA-UNAHANG UNIFIED PWD ID SA BAYAN NG PALAPAG, NAIPAGKALOOB NA! ♿💙Isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos, ligta...
23/10/2026

KAUNA-UNAHANG UNIFIED PWD ID SA BAYAN NG PALAPAG, NAIPAGKALOOB NA! ♿💙

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos, ligtas, at maaasahang pagkilala sa mga Persons with Disabilities (PWDs) sa Bayan ng Palapag!

Ngayong araw, Oktubre 23, 2026, naipagkaloob na ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Pamahalaang Bayan ng Palapag ang kauna-unahang Unified Persons with Disability (PWD) ID sa unang miyembro ng sektor na humiling ng pisikal na kopya ng nasabing ID.

Ang mahalagang hakbang na ito ay alinsunod sa NCDA Administrative Order No. 001, Series of 2026, na nagtatakda ng mga pamantayan para sa pagpapatupad ng Unified PWD ID System sa buong bansa. Ito ay kasunod ng pahintulot mula sa National Council on Disability Affairs (NCDA) na magpatuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Palapag sa pagpi-print at pamamahagi ng Unified PWD ID sa mga rehistradong PWD sa ating bayan, matapos matugunan ang mga kinakailangang pagsasanay at pamantayan.

Ang Unified PWD ID System ay isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Council on Disability Affairs (NCDA) na naglalayong matugunan ang paglaganap ng mga pekeng PWD ID sa pamamagitan ng mas maayos na sistema ng pagkilala at beripikasyon sa mga rehistradong PWD. Inaasahang makatutulong din ito sa pagpapalakas ng integridad ng PWD ID system at sa pagtiyak na ang mga benepisyo at pribilehiyo ay naipagkakaloob sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Taos-pusong nagpapasalamat ang PDAO sa Lokal na Pamahalaan ng Palapag sa pagpapagamit ng camera at PVC ID card printer na mahalagang kagamitan sa pagsasakatuparan ng programang ito. Ang suportang ito ay malaking tulong upang maisagawa ang pagpi-print at pag-isyu ng Unified PWD ID para sa mga rehistradong PWD sa ating bayan.

Ang pagkakaisang ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng mga tanggapan ng pamahalaan upang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo at maisulong ang kapakanan ng sektor ng PWD.

Patuloy na isinusulong ng PDAO Palapag ang mga programang naglalayong protektahan ang mga karapatan, itaguyod ang kapakanan, at palawakin ang mga oportunidad para sa bawat Palapagnong may kapansanan.

📱PAALALA: MAAARING MA-ACCESS ANG DIGITAL COPY NG UNIFIED PWD ID!

Para sa mga rehistradong PWD na nais makita ang kanilang digital ID, maaaring bisitahin ang portal sa:

🌐 https://portal.agala.ph

Gamitin ang sumusunod na detalye sa pag-access:

Username: Unified PWD ID Number (alisin ang gitling na “-” sa ID number).

Password: Petsa ng kapanganakan ng PWD sa format na YYYYMMDD (Taon-Buwan-Araw).

Halimbawa: Kung ang petsa ng kapanganakan ay Enero 5, 2000, ang password ay 20000105.

Sama-sama nating isulong ang isang inklusibo, maaasahan, at mapagkalingang serbisyo para sa sektor ng PWD! 💙




Honoring our PWD leaders!The Persons with Disability Affairs Office (PDAO) of Palapag, Northern Samar has successfully r...
22/10/2026

Honoring our PWD leaders!

The Persons with Disability Affairs Office (PDAO) of Palapag, Northern Samar has successfully released the third quarter financial assistance of Php 1,000.00 each to PWD Association Presidents and their authorized representatives across all 32 barangays.

This assistance recognizes their important work in rallying members, strengthening their associations, and encouraging active involvement in local governance. Even with limited resources, the Municipal Government of Palapag continues to uphold its commitment to inclusive and responsive social services for the PWD sector.

PDAO PWD KUMUSTAHAN, VALIDATION FOR ASSISTIVE DEVICES, AT UPDATING OF PWD DATABASE, MATAGUMPAY NA NAKUMPLETO SA BARANGAY...
21/10/2026

PDAO PWD KUMUSTAHAN, VALIDATION FOR ASSISTIVE DEVICES, AT UPDATING OF PWD DATABASE, MATAGUMPAY NA NAKUMPLETO SA BARANGAY SINALARAN AT MANAJAO! ♿

Matagumpay na naisagawa ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang PWD Kumustahan, Validation for Assistive Devices, and Updating of PWD Database sa Barangay Sinalaran at Barangay Manajao, na nagsilbing mga huling barangay na napuntahan sa ilalim ng nasabing aktibidad.

Sa pagtatapos ng mahigit isang buwang paglilibot sa mga barangay ng Palapag, matagumpay na naisakatuparan ng PDAO ang pakikipag-ugnayan sa sektor ng Persons with Disabilities (PWDs) upang higit na mapakinggan ang kanilang mga saloobin, pangangailangan, suhestiyon, at minimithing pagbabago para sa sektor.

Layunin ng programang ito na palakasin ang partisipasyon ng mga PWD sa komunidad sa pamamagitan ng bukas na diyalogo at direktang konsultasyon. Sa bawat barangay na napuntahan, nagkaroon ng pagkakataon ang PDAO na personal na masaksihan ang kalagayan ng ating mga kababayang PWD at matukoy ang mga pangangailangang maaaring maging batayan sa pagpaplano at pagpapabuti ng mga programa at serbisyong nakalaan para sa kanila.

Naging mahalagang bahagi rin ng aktibidad ang validation ng mga pangangailangan para sa assistive devices at pag-update ng PWD database upang makatulong sa pagpapanatili ng mas maayos at napapanahong talaan ng mga PWD sa bayan.

Kasabay nito, ipinaabot din sa mga PWD ang mahahalagang impormasyon hinggil sa Unified PWD ID System upang mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa sistema at sa mga kaugnay na proseso nito.

Sa ilang barangay, isinagawa rin ang halalan ng mga opisyal ng PWD Associations upang higit na mapalakas ang representasyon ng sektor at magsilbing tulay sa paghahatid ng mga programa, proyekto, at serbisyo ng pamahalaan sa mga PWD.

Taos-pusong nagpapasalamat ang PDAO sa lahat ng Punong Barangay, mga miyembro ng Sangguniang Barangay na nakatalagang Duty of the Day, mga Barangay Secretary, mga Pangulo ng PWD Associations, at sa lahat ng miyembro ng sektor ng PWD sa kanilang mainit na pagtanggap, pakikiisa, at suporta sa matagumpay na pagsasagawa ng programang ito.

Ang pagtatapos ng gawaing ito ay hindi pagtatapos ng ating paglilingkod. Sa halip, nagsisilbi itong panibagong hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan, mas inklusibong pamayanan, at mas mahusay na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga PWD sa buong bayan ng Palapag.

Mula sa unang barangay hanggang sa Barangay Sinalaran at Manajao, maraming salamat sa inyong pakikiisa! Sama-sama nating itaguyod ang isang Palapag na kumikilala sa karapatan, kakayahan, at dignidad ng bawat Persons with Disabilities.

Hanggang sa muli nating pagkikita sa susunod na taon! 💙






October 20, 2026 | PWD Kumustahan, Validation for Assistive Devices, and Updating of PWD Database in Barangay Sangay, Na...
20/10/2026

October 20, 2026 | PWD Kumustahan, Validation for Assistive Devices, and Updating of PWD Database in Barangay Sangay, Napo, Cabariwan, and Laniwan

30/32 Barangays


PAGPUPUGAY AT TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA PATECI FAMILY! 💙Sa ngalan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng P...
19/10/2026

PAGPUPUGAY AT TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA PATECI FAMILY! 💙

Sa ngalan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Pamahalaang Bayan ng Palapag, taos-puso kaming nagpapasalamat sa Board of Directors at Administrasyon ng Palapag Teachers, Employees and Community Multi-Purpose Cooperative (PATECI), sa pangunguna ng kanilang Manager, Ma’am Lea Ero-Abayon, para sa makabuluhang outreach program na naglalayong maghatid ng tulong sa mga mag-aaral na kabilang sa sektor ng Persons with Disabilities (PWDs).

Ang inyong pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kooperatiba ay higit pa sa isang simpleng selebrasyon. Ito ay isang makabuluhang pagpapakita ng malasakit, pagkakaisa, at tunay na pagpapahalaga sa kapakanan ng mga PWDs, lalo na sa pagsusulong ng kanilang karapatan sa edukasyon.

Kabuuang 71 mag-aaral na may kapansanan ang naging benepisyaryo ng nasabing programa — 56 mula sa regular classes at 15 mula sa Special Education (SPED) class. Sa bawat school supply na inyong ipinagkaloob, hindi lamang mga gamit sa pag-aaral ang inyong naibahagi, kundi pati na rin ang inspirasyon, pag-asa, at dagdag na suporta upang maipagpatuloy ng ating mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga g**o at mga ulong-g**o na naging katuwang sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programang ito. Maraming salamat sa inyong oras, pagsisikap, at pakikiisa sa pagbabahagi ng mga school supply sa ating mga mag-aaral na may kapansanan. Ang inyong malasakit at dedikasyon ay patunay ng tunay na diwa ng paglilingkod at pagmamahal sa mga mag-aaral, lalo na sa mga nangangailangan ng karagdagang suporta at pang-unawa. Tunay na napakahalaga ng inyong ambag upang matiyak na ang tulong ay maiparating sa mga batang higit na nangangailangan nito. Mabuhay po kayo!

Patuloy na bukas ang PDAO ng Palapag upang magsilbing tulay sa paghahatid ng mga programa, serbisyo, at oportunidad na tunay na makatutugon sa pangangailangan ng sektor ng PWDs. Naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan, mga kooperatiba, mga g**o, at ng buong komunidad, mas marami pa tayong buhay na mabibigyang-pag-asa at pagkakataon.

Muli, maraming salamat PATECI Family! 💙

Maraming salamat sa inyong malasakit, bukas-palad na pagtulong, at patuloy na pakikiisa para sa isang mas inklusibo at pantay na komunidad para sa lahat.

Sama-sama sa pagbuo ng komunidad na walang naiiwan! 🤝



October 16, 2026 | PWD Kumustahan, Validation for Assistive Devices, and Updating of PWD Database in Barangay Nagbobtac,...
16/10/2026

October 16, 2026 | PWD Kumustahan, Validation for Assistive Devices, and Updating of PWD Database in Barangay Nagbobtac, Jangtud, and Magsaysay

26/32 Barangays


Kindly read and comprehend❗️
15/10/2026

Kindly read and comprehend❗️

Address

Justice Romualdez Street, Barangay Tambangan
Palapag
6421

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Persons with Disability Affairs Office - LGU Palapag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services