21st Infantry "Invincible" Battalion, Philippine Army

Call Directions Website Contact the organization

21st Infantry "Invincible" Battalion, Philippine Army Serving the people, securing the land Just call us for more information ���

28/10/2026
27/10/2026
𝐌𝐔𝐋𝐀𝐓 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧: 𝟐𝟏𝐈𝐁, 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐞𝐚26 Oktubre 2026 | Camp Abdulhan U Agga - Ang ...
26/10/2026

𝐌𝐔𝐋𝐀𝐓 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧: 𝟐𝟏𝐈𝐁, 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐖𝐞𝐬𝐭 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐒𝐞𝐚

26 Oktubre 2026 | Camp Abdulhan U Agga - Ang pagmamahal sa bayan ay nagsisimula sa kaalaman at pag-unawa sa mga karapatang nararapat nitong ipaglaban. Bilang bahagi ng pagsusulong ng kamalayang makabayan, ipinakita ng 21st Infantry (INVINCIBLE) Battalion ang Audio-Visual Presentation (AVP) hinggil sa West Philippine Sea (WPS) sa isinagawang Flag-Raising Ceremony ngayong 26 Oktubre 2026, bilang suporta sa mga pagsisikap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng pamahalaan na palawakin ang kaalaman ng mga kawal tungkol sa mahalagang usaping ito.

Sa pamamagitan ng presentasyong ito, pinalalawak ng Battalion ang kaalaman ng mga Invincible Troopers tungkol sa makasaysayang karapatan ng Pilipinas, sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at sa 2016 Arbitral Award. Mga mahahalagang batayan sa pag-unawa sa karapatan at pambansang interes ng bansa sa West Philippine Sea.

Bilang mga kawal at lingkod-bayan, mahalagang maging mulat sa mga usaping nakaaapekto sa ating soberanya at teritoryal na karapatan. Sa pamamagitan ng wastong impormasyon, mas napagtitibay ang makabayang paninindigan at ang pagkakaisa sa pagsuporta sa mga pagsisikap ng pamahalaan na pangalagaan ang pambansang interes.





25/10/2026
𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧 𝐮𝐩 𝐝𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐚𝐭 𝐑𝐨𝐚𝐝-𝐜𝐥𝐞𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐓𝐮𝐧𝐠𝐠𝐨𝐥, 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐂𝐚𝐥𝐮𝐚𝐧𝐠, 𝐒𝐮𝐥𝐮, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐋𝐆𝐔 𝐚𝐭 𝐀𝐫𝐦𝐲Sama-sama...
23/10/2026

𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧 𝐮𝐩 𝐝𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐚𝐭 𝐑𝐨𝐚𝐝-𝐜𝐥𝐞𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐓𝐮𝐧𝐠𝐠𝐨𝐥, 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐂𝐚𝐥𝐮𝐚𝐧𝐠, 𝐒𝐮𝐥𝐮, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐋𝐆𝐔 𝐚𝐭 𝐀𝐫𝐦𝐲

Sama-samang nagsagawa ng Road Clearing at Clean-Up Drive sa Barangay Tunggol, Kalingalan Caluang, Sulu ang komunidad sa pamumuno ni Hon. Julpin Adjak, Punong Barangay, kasama ang mga kasundaluhan ng Alpha (APACHE) Company, 21IB.

Ang pagbabago ay nagsisimula sa sama-samang pagkilos. Ang malinis at maayos na kalsada ay hindi lamang tanda ng kaayusan, kundi ambag din sa kaligtasan, kalusugan, at kaginhawaan ng bawat mamamayan.

Patuloy na isinusulong ng INVINCIBLE Troopers, katuwang ang mga lokal na opisyal at mamamayan, ang diwa ng bayanihan tungo sa isang malinis, ligtas, at mapayapang pamayanan.


𝐌𝐆𝐄𝐍 𝐏𝐄Ñ𝐀, 𝐁𝐔𝐌𝐈𝐒𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝟐𝟏𝐈𝐁 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐍𝐈𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐄𝐗𝐈𝐓 𝐕𝐈𝐒𝐈𝐓 𝐒𝐀 𝐈𝐍𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐁𝐋𝐄 𝐓𝐑𝐎𝐎𝐏𝐄𝐑𝐒Muling binisita ni Maj. Gen. Leonardo I. P...
22/10/2026

𝐌𝐆𝐄𝐍 𝐏𝐄Ñ𝐀, 𝐁𝐔𝐌𝐈𝐒𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝟐𝟏𝐈𝐁 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐍𝐈𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐄𝐗𝐈𝐓 𝐕𝐈𝐒𝐈𝐓 𝐒𝐀 𝐈𝐍𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐁𝐋𝐄 𝐓𝐑𝐎𝐎𝐏𝐄𝐑𝐒

Muling binisita ni Maj. Gen. Leonardo I. Peña ang mga Invincible Troopers ng 21st Infantry Battalion sa Camp Abdulhan Agga, Brgy. Seit Lake Poblacion, Panamao, Sulu upang personal na ipahayag ang kaniyang pasasalamat sa walang sawang suporta, dedikasyon, at paglilingkod ng mga kasundaluhan ng batalyon sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang bilang Commander ng 11th Infantry (ALAKDAN) Division at Joint Task Force “ORION”.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Mayor Nurshamier Halun ng Kalingalan Caluang, Mayor Albakil Jikiri ng Indanan, Councilor Ameer Ali Agga, Hon. Pajiri Juma, Hon. Wilhamin Abubakar at Hon. Misbar J Harun bilang kinatawan ng mga lokal na pamahalaan ng Panamao at Panglima Estino. Ito ay nagpapakita ng patuloy na ugnayan at pagtutulungan ng Philippine Army at ng mga lokal na pamahalaan sa paglilingkod sa mamamayan.

Bilang bahagi ng kaniyang pagbisita, nasaksihan din ni MGen Peña ang mga bagong pasilidad na naitayo sa ilalim ng kaniyang pamumuno bilang Division Commander, na sumasalamin sa patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kakayahan, kahandaan, at kapakanan ng mga kasundaluhan.

Lubos namang ipinahayag ng mga Invincible Troopers ang kanilang pasasalamat at pagpapahalaga kay MGen Peña sa kaniyang pamumuno, suporta, at mga naiambag sa pagpapaunlad ng yunit.

Isang pamumunong nag-iwan ng makabuluhang ambag, isang paglilingkod na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga Invincible Troopers.


20/10/2026

𝐖𝐄𝐒𝐓𝐌𝐈𝐍𝐂𝐎𝐌, 𝐁𝐈𝐍𝐈𝐆𝐘𝐀𝐍𝐆-𝐃𝐈𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐈𝐋𝐈𝐓𝐀𝐑 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐓𝐖𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐒𝐔𝐋𝐔

Binigyang-diin ng Western Mindanao Command (WESTMINCOM) ang kahalagahan ng kahandaang militar at pag-angkop sa nagbabagong sitwasyon sa seguridad sa Sulu.

Ito ay kasunod ng pagbisita ni Acting Commander Maj. Gen. Jose Vladimir R. Cagara sa punong himpilan ng 1102th Infantry Ganarul Brigade sa Camp AKA, Barangay Bual, Luuk, Sulu, nitong Oktubre 19.

Sa command briefing, inilahad ang mga nagawa ng brigada, kasalukuyang sitwasyon sa seguridad, at mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa kanilang nasasakupan.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng disiplina, propesyonalismo, kahandaan sa operasyon, at kakayahang umangkop sa mga bagong hamon sa seguridad.

Patuloy namang palalakasin ng 1102th Infantry Brigade ang kahandaang militar at pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at komunidad upang mapangalagaan ang kapayapaan sa lalawigan.

Nagtapos ang pagbisita sa seremonyal na pagtatanim ng puno bilang simbolo ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng komunidad.

Courtesy: 1102nd Ganarul Brigade




20/10/2026

𝐑𝐀𝐂𝐄 𝐊𝐈𝐓 𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄 | 𝐀𝐋𝐀𝐊𝐃𝐀𝐍 𝐅𝐔𝐍 𝐑𝐔𝐍: 𝐑𝐔𝐍 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐀𝐍𝐃𝐄𝐑

Attention to all participants! Race kit claiming for civilian runners will be held on October 21–24, 2026, from 4:00 PM onward at the Sulu Sports Complex, Barangay Bangkal, Patikul, Sulu.

Meanwhile, military personnel participants may claim their race kits at the Office of the Assistant Chief of Staff for Personnel (OG1) inside the headquarters at Kuta Heneral Teodulfo Bautista, Barangay Busbus, Jolo, Sulu.

📍 Please be guided accordingly and make sure to claim your race kits at the designated venue.

See you at the starting line! 🏃‍♀️🏃‍♂️

👍For more updates, please LIKE, SHARE, SUBSCRIBE & FOLLOW!

🕌We are your Army in the provinces of Sulu and Basilan - serving the people, securing the land.












16/10/2026

𝐋𝐎𝐎𝐊 || 𝟗 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐓𝐎 𝐆𝐎!

ALAKDAN FUN RUN 2026: RUN WITH THE COMMANDER!

🗓️ October 25, 2026
📍 Jolo, Sulu

👍For more updates, please LIKE, SHARE, SUBSCRIBE & FOLLOW!

🕌We are your Army in the provinces of Sulu and Basilan - serving the people, securing the land.












Address

Camp Abdulhan Utca Agga, Brgy Seit Lake, Poblacion
Panamao
7402

Opening Hours

Monday 9am - 12am
Tuesday 9am - 10pm
Wednesday 9am - 10pm
Thursday 9am - 10pm
Friday 9am - 10pm
Saturday 10am - 10pm
Sunday 9am - 10pm

Telephone

+639307633090

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 21st Infantry "Invincible" Battalion, Philippine Army posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to 21st Infantry "Invincible" Battalion, Philippine Army:

Shortcuts

Share

Nearby government services