06/10/2026
Fyi po
📢 ANUNSYO PARA SA MGA PERSON WITH DISABILITY
Magkakaroon po tayo ng dalawang (2) huling araw ng payout para sa mga Person with Disability (PWD) na kabilang sa listahan ng manual payout at hindi pa nakatatanggap ng kanilang Cash Assistance mula sa City Government of Parañaque – PDAO.
📅 Petsa: October 9–10, 2026 (Biyernes at Sabado)
⏰ Oras: 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon
📍 Lugar: Treasury Foyer, Ground Floor, Parañaque City Hall, Valley 1, San Antonio, Parañaque City
Hinihikayat po ang lahat ng mga PWD na nasa listahan ng manual payout at hindi pa nakatatanggap ng kanilang Cash Assistance na samantalahin ang pagkakataong ito upang makuha ang kanilang ayuda.
Magdala ng kaukulang requirements:
1. Kung Ikaw Ang PWD
3 Xerox ng PWD ID card (harap at likod) na may 3 pirma kada
pahina
2. Kung Ikaw ay Authorized Person
3 Xerox ng PWD ID card (harap at likod) na may 3 pirma o thumb
mark kada pahina
3 kopya ng authorization letter na may lagda ng Person with
Disability
2 kopya ng picture na Kasama Ang Person with Disability na may
hawak ng Calendar Sept. o Oct. 2026
3 kopya ng Valid ID ng authorized person
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pakikipagtulungan. 🙏
City Government of Parañaque – PDAO