28/09/2026
𝐓𝐑𝐀𝐁𝐀𝐇𝐎 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐌𝐎? 𝐌𝐀𝐘 𝐌𝐆𝐀 𝐎𝐏𝐎𝐑𝐓𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐘𝐎 𝐒𝐀 “𝐓𝐀𝐑𝐀 𝐓𝐑𝐀𝐁𝐀𝐇𝐎, 𝐆? 𝐌𝐄𝐆𝐀 𝐉𝐎𝐁 𝐅𝐀𝐈𝐑!”
Hindi nakaabot sa mga nakalipas na job fair? Dalawang araw ang nakalaan ngayong linggo para makahanap ng trabaho at makausap ang mga employer na naghahanap ng mga bagong empleyado!
Sa Huwebes at Biyernes, October 1-2, 2026, gaganapin ang Tara Trabaho, G? Mega Job Fair sa pangunguna ng Pasig City Public Employment Service Office, katuwang ang Office of the Senate President Sherwin “Win” Gatchalian at Department of Labor and Employment!
Sa Huwebes, October 1, 2026, mula 09:00AM hanggang 03:00PM, gaganapin ang unang araw ng Mega Job Fair sa Main Atrium, SM City East Ortigas, Ortigas Ave. Ext., Brgy. Sta. Lucia, Pasig City. Tinatayang nasa 30 local companies at 5 overseas manpower agencies ang lalahok upang mag-alok ng iba’t ibang trabaho para sa mga kwalipikadong aplikante.
Para naman sa ikalawang araw, Biyernes, October 2, 2026, sa Level 3, Robinsons Metro East, Marcos Highway, Brgy. Dela Paz, Pasig City, gaganapin ang job fair mula 09:00AM hanggang 03:00PM. Mas marami pang employers ang makikilahok dito, kabilang ang 50 local companies at 10 overseas manpower agencies na mag-aalok ng iba't ibang oportunidad.
Bukod dito, lalahok din sa ikalawang araw ng job fair ang Philippine Army upang magbigay din ng oportunidad sa mga nais magtrabaho sa kanilang institusyon. Para sa mga kwalipikasyon at requirements, tingnan ang Photo #2.
Sa mga nais sulitin ang pagkakataon na ito, i-click lamang ang link na ito para mag-pre-register: https://bit.ly/TaraTrabahoG-MegaJobFairRegLink. Maaari ring i-scan ang QR code na nasa material.
–
Kasabay ng job fair, magkakaroon din ng ONE-STOP SHOP para sa mga Pasigueñong first-time jobseeker na nangangailangan ng iba’t ibang dokumento para sa kanilang employment application. Kabilang dito ang libreng pagkuha ng police clearance at NBI clearance, pati na rin ang registration sa Pag-IBIG Fund, PhilHealth, at SSS.
Upang ma-avail ang mga libreng dokumento, ihanda ang mga sumusunod at dalhin ang mga ito sa araw ng aktibidad:
- 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗖𝗲𝗿𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 na nagpapatunay na ikaw ay first-time jobseeker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay)
- 𝗢𝗮𝘁𝗵 𝗼𝗳 𝗨𝗻𝗱𝗲𝗿𝘁𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 mula sa barangay na ang aplikante ay first-time jobseeker
- 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 (𝟮) 𝘃𝗮𝗹𝗶𝗱 𝗜𝗗
–
May mga helpdesk at information booth din mula sa Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, Bureau of Internal Revenue, at Philippine Statistics Authority para sa mga nais magtanong o humingi ng impormasyon tungkol sa kanilang mga serbisyo.
Makikilahok din sa aktibidad ang Technical Education and Skills Development Authority at Pasig City Skills Development Office - Pasig City Institute of Science and Technology para sa mga Pasigueñong interesado sa skills training at National Certification.
Kaya’t huwag palampasin ang pagkakataong ito, Pasigueños! I-ready na ang inyong resume at sariling ballpen, at maghanda na para sa iba’t ibang oportunidad at serbisyong hatid ng aktibidad na ito.