PNP Plaridel Municipal Police Station

Call Directions Contact the organization

PNP Plaridel Municipal Police Station This page is created for information dissemination; current events especially in the Municipality of Plaridel

03/11/2026

ALAMIN ANG BATAS. PROTEKTAHAN ANG MGA BATA.

REPUBLIC ACT NO. 11930

Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act

Ang online grooming, sexual exploitation ng mga bata, at paggawa, pamamahagi, o ilegal na pag-access sa child sexual abuse or exploitation materials ay maaaring magresulta sa mabibigat na parusang itinakda ng batas.

Huwag maging kasabwat. Huwag magbahagi ng mapang-abusong materyal. I-report agad ang anumang kahina-hinalang gawain.

Protektahan ang bawat bata—online at offline.

03/11/2026

🚨 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐋𝐀𝐑𝐈𝐃𝐄𝐋 𝐌𝐏𝐒 🚨

Buhay ay mahalaga—huwag itong isugal sa maling landas.
Hindi solusyon ang droga—ito’y sumisira ng pangarap at pamilya.
Piliin ang tama. Piliin ang buhay.

Maging matalino. Maging responsable.
📞 Makipag-ugnayan: 0998-598-5392
📘 FB Page: Plaridel MPS Bulacan PPO


03/11/2026
PLARIDEL MPS GOOD DEEDS | LIGTAS UNDAS 2026Sa gitna ng pagpapatupad ng Ligtas Undas 2026, ipinakita ng Plaridel Municipa...
02/11/2026

PLARIDEL MPS GOOD DEEDS | LIGTAS UNDAS 2026

Sa gitna ng pagpapatupad ng Ligtas Undas 2026, ipinakita ng Plaridel Municipal Police Station na ang kanilang tungkulin ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan, kundi maging sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga mamamayang nangangailangan.

Sa isinagawang police visibility, nagbigay ng tulong ang mga tauhan ng Plaridel MPS sa isang motorista na nakaranas ng aberya sa kanyang sasakyan.

Patunay ito na sa bawat pagkakataon, naririyan ang Plaridel PNP hindi lamang upang magpatupad ng batas at panatilihin ang kapayapaan, kundi higit sa lahat, upang umalalay, magmalasakit, at maglingkod sa komunidad.


02/11/2026
02/11/2026
SEGURIDAD | LIGTAS UNDAS 2026Pinangunahan ni PLTCOL RESTITUTO E GRANIL, Hepe ng Plaridel MPS, ang pagbibigay-seguridad k...
01/11/2026

SEGURIDAD | LIGTAS UNDAS 2026

Pinangunahan ni PLTCOL RESTITUTO E GRANIL, Hepe ng Plaridel MPS, ang pagbibigay-seguridad kaugnay ng pagdiriwang ng Ligtas Undas 2026, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Plaridel, MDRRMO Plaridel, RHU Plaridel, BPATS, at mga Force Multipliers.

Layunin ng aktibidad na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayang dumadalaw sa mga sementeryo at memorial parks, mapanatili ang kaayusan at kapayapaan, maiwasan ang anumang uri ng krimen, at agarang makapagbigay ng tulong sa publiko kung kinakailangan.

Bahagi rin ito ng pinaigting na pagbabantay at pagpapakita ng presensya ng kapulisan upang matiyak ang ligtas, maayos, at mapayapang paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa.



Address

Plaridel
3004

Telephone

+639985985392

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Plaridel Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP Plaridel Municipal Police Station:

Shortcuts

Share