01/06/2026
MARAMING SALAMAT, FILIPINO COMMUNITIES IN SOUTH KOREA! 🇵🇭🇰🇷
Taos-pusong nakikiisa sina Rep. Robert Nazal at BH Bernadette Herrera ng Bagong Henerasyon Partylist sa ating mga kababayang Pilipino na masisipag na nagtatrabaho sa South Korea, kabilang na ang mga grupo mula sa FUSK-DDS at MAISUG/HNPY Korea.
Salamat sa mainit na pagtanggap at sa patuloy ninyong pagsuporta. Kasama namin kayo sa bawat hakbang tungo sa mas maayos na kinabukasan para sa lahat ng Pilipino saan mang panig ng mundo.
01/06/2026
ALAGA PARA SA MGA INA, MULA PAGBUBUNTIS HANGGANG PANGANGANAK
Mahalagang may sapat na kaalaman ang bawat ina tungkol sa mga serbisyong pangkalusugan na maaari nilang ma-avail sa panahon ng pagbubuntis at panganganak. Alamin kung paano makatutulong ang PhilHealth upang mapagaan ang gastusin at masuportahan ang ligtas na maternal care para sa mga Pilipina.
Samahan nating muli si Bagong Henerasyon Partylist Spokesperson BH Bernadette Herrera sa kaniyang panayam kay Raymond Edwin P. Acoba, Head ng Public Affairs Unit ng PhilHealth NCR, mamayang 4PM sa UNTV!
31/05/2026
Sa bawat pagsubok at hamon ng buhay, manatili tayong matatag sa ating pananampalataya. Kapag ang ating pag-asa ay nakasandig sa Panginoon, binibigyan Niya tayo ng panibagong lakas upang magpatuloy at harapin ang bawat araw nang may tapang at pag-asa.
Mapagpalang Linggo po sa inyong lahat mula sa Bagong Henerasyon Partylist. 🙏
30/05/2026
Mula sa Bagong Henerasyon Partylist, isang pagbati ng maligayang kaarawan, Vice President Inday Sara Duterte!
30/05/2026
Dumalo si Yandro “Batang Herrera” sa pagdiriwang ng pista ng Sta. Rita de Cascia Parish sa Philam bilang pakikiisa sa komunidad sa kanilang makabuluhang selebrasyon ng pananampalataya.
Naging pagkakataon din ito upang makasama ang mga residente at deboto ng parokya.