16/09/2026
Dumalo si UTAKalidad Partylist President at 1st Nominee, Hon. Noel Kristian Ferrer Espiritu sa pagpapasinaya ng Kalmado Project na isang Mental Heath Program sa Makasaysayang Lungsod ng Malolos. Ang proyektong Ito ay sa pagitan ng Lokal na pamahalaan ng lungsod ng Malolos at ng NM Arts Technology Institute and Community Development Inc. Ang nasabing programa ang kauna-unahang Transformative Mental Health Program sa buong Region 3 na dinaluhan rin ng mga kawani ng Department of Health Region 3, DOH Province of Bulacan, DOH Malolos City, DSWD Malolos, BJMP, lahat ng Rural Health Unit Head mula sa 51 na Barangay ng lungsod, Sangguniang Kabataan, Konseho ng Malolos City, mga Barangay Health Workers, Media partners at si City Administrator Hon. Joel Eugenio na kumatawan kay Malolos City Mayor Hon. Atty. Christian Natividad.
Dumalo at nagtanghal rin sa programa ang Nxtgen Boy Band mula sa Dreamstar Production at GMA7 na binubuo nina Janeero Carandang, Xian Kurt Granaderos, Franchesko Alcantara Maafi at Carl Garcia. Samantalang kumanta naman ang Singer-songwriter, Host at Recording Artist na si Clayton John.
Ang Mental Health ang isa sa mga pangunahing isinusulong ng UTAKalidad dahil ito ang nakikitang pinaka mataas na uri ng solusyon upang maging matatag sa mga hamon ng buhay lalo na sa mga pagsubok na kinakaharap ngayon ng buong bansa. Ito rin ang nakikitang sagot ng partido upang magkaroon ang sambayanang Pilipino ng kontrol at disiplina patungo sa personal at panglipunang pag-unlad.