BAYAN MUNA Quezon City

BAYAN MUNA Quezon City

Share

Sa isip, sa salita, sa gawa, Bayan Muna QC!

20/05/2026

ALERT | Nagbarikada ang mga residente ng Pook Malantik laban sa pagpasok ng pulis, SWAT, at DPOS

Nagbarikada ngayong araw ang mga residente ng Pook Malantik upang pigilan ang pag-abante ng mga pulis, SWAT, DPOS, at blue guards sa loob ng komunidad kasabay ng pagpapatuloy ng operasyon kaugnay ng proyektong SDG Wellness Park sa lugar.

Ayon sa mga residente, sinabi umano ng mga pulis, guwardiya, at DPOS na tatanggalin ang bakod na itinayo ng komunidad dahil umano sa “legal violation” kaugnay ng paggawa nito. Dahil dito, lalo umanong tumindi ang pangamba ng mga residente sa posibleng sapilitang pagpasok sa kanilang komunidad.

Bilang tugon, nagpaplano ngayon ang komunidad ng iba pang paraan upang mapigilan ang pagpasok at pag-abante ng mga awtoridad at security personnel sa lugar habang nagpapatuloy ang kanilang pagtutol sa proyekto.

Nauna nang dumating ang mga trak na may dalang materyales para sa diumano’y transition housing project, na ayon sa mga residente ay ipinapatupad nang walang malinaw at demokratikong konsultasyon sa komunidad. Matatandaang ilang linggo na ring kinukuwestiyon ng mga residente ang magkakaibang paliwanag ng mga opisyal hinggil sa mga planong istruktura sa lugar, kabilang ang umano’y “community learning hub” na kalauna’y iniuugnay sa SDG Park project.

Mariing panawagan ngayon ng mga residente ang agarang pull-out ng mga pulis at SWAT sa Pook Aguinaldo, na ayon sa kanila ay nagdudulot lamang ng takot at intimidasyon sa komunidad.

Patuloy ding nananawagan ang mga residente at kanilang mga tagasuporta sa mga Iskolar ng Bayan at iba’t ibang sektor na bantayan ang sitwasyon at makiisa sa laban ng Pook Aguinaldo.



Bidyo mula sa BahAgui Nating Isko Volunteers

12/05/2026

Sumama sa pagkilos. Sama-sama nating ipanawagan:

Sara panagutin!
Bato arestuhin!

Senado
930am

Kagyat na simulan ang impeachment trial ni Duterte. Papanagutin siya sa malawakang pagnanakaw mula sa kaban ng bayan.

Arestuhin si Bato at dalhin sa ICC. Ang Senado ay hindi dapat msging kanlungan ng mga korap at berdugo.

Kumilos at magprotesta. Labanan ang mga tiwali at abusado sa kapangyarihan.

Lahat ng sangkot, dapat managot!

Photos from Kilusang Mayo Uno's post 30/04/2026

IPAGDIWANG ANG ARAW NG MANGGAGAWA! IPAGLABAN ANG KAGALINGAN AT GINHAWA SA GITNA NG GERA AT KRISIS! IPAGTAGUMPAY ANG PAMBANSANG KALAYAAN, DEMOKRASYA AT SOSYALISMO!

Kilusang Mayo Uno | 1 Mayo 2026

Ginugunita natin ang ika-124 na Araw ng Manggagawa sa Pilipinas sa gitna ng walang-kapantay na krisis lalong pinasisidhi ng gerang agresyon ng US-Israel sa Iran. Magmula nang sumambulat ang sigalot sa Kanlurang Asya, kinaladkad ng US mat mga kasapakat nito, manggagawa at mamamayan sa Pilipinas at daigdig sa kumunoy ng malubhang gutom, kahirapan at pagdurusa.

Nilumpo ng mga oil price shock ang operasyon ng mga drayber at opereytor sa iba’t ibang moda ng transportasyon. Sa mga komunidad ng karaniwang manggagawa at mga maralita nararamdaman ang pinakamalalim na epekto ng taas-presyo na umuubos sa barat na ngang minimum sa sahod at sa maliit na kita sa iba’t ibang hanapbuhay. Lalong mabigat ang dagan ng krisis sa mga kontraktwal na pinagkakaitan ng tamang sahod at benepisyo at ng kanilang karapatang mag-unyon. Sa kabila ng panganib ng gera, napipilitan ang mga OFW na itaya ang kanilang buhay at kaligtasan upang buhayin ang naghihirap na pamilya sa Pilipinas.

Lumalawak at lumalalim ang kahirapan sa kanayunan dahil sa pandarambong sa lupa at iba pang likas-yaman. Dulot ng krisis sa langis, sumirit rin ang presyo ng abono, pestisidyo at iba pang farm input at lumobo ang pangkalahatang gastos sa transport at produksyon. Patuloy na winawasak ng Rice Liberalization ang lokal na produksyon habang kinakamkam ng dayuhang proyekto at pagpapalit-gamit ang lupain ng mga magsasaka at katutubo.

Biktima ng karahasan at diskriminasyon sa iba’t ibang larangan ng buhay at paggawa. Pinagkakaitan ng edukasyon, oportunidad at kinabukasan ang mga kabataan habang dumadausdos ang antas ng pamumuhay ng mga kawani at propesyunal dahil sa mababang sahod at kawalang-katiyakan sa trabaho.

Inutil, pabaya, korap, kontra-manggagawa ang gubyernong Marcos Jr. Sa halip na bigyang-alwan ang mamamayan - suspendihin ang excise tax at VAT at magbigay ng sapat na suporta sa pinakaapektado, inuna nito ang kita at tubo ng malalaking korporasyon. Ang pabalat-bungang UPLIFT na diumano’y tugon sa krisis ay balon ng pondong pinaglalawayan at kukurakutin ng mga buwaya sa gobyerno.

Tikom ang bibig nito sa umiigiting na gerang agresyon sa Iran. Sa halip, pinaigting pa nito ang pakikipagmabutihan sa imperyalistang amo sa pagtutuloy ng pinakamalaking Balikatan exercises sa kasaysayan, at sa pagtutulak sa Pax Silica na nagpapahigpit sa pwesto ng Pilipinas sa kadena ng kontrol at makinarya ng digma ng US.

Ginagamit nito ang buong lakas ng estado upang supilin ang kumukulong galit ng mamamayan. Pinopondohan ng US at inaarmasan ng Israel ang pasistang AFP-PNP na nagsasagawa ng malawakang paglabag sa karapatang pantao sa porma ng harasment at intimidasyon, mga kampanyang disimpormasyon, pag-aresto at sapilitang pagwala, pagpaslang at mga masaker. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang malalakihang operasyong militar sa Mindoro at Negros na naghasik ng terorismo sa mga komunidad sa kanayunan.

Hindi lamang inutil, korap at pabaya, kundi papet at pasista. Inilantad ng kasalukuyang krisis ang tunay na katangian ng rehimeng Marcos Jr na walang pinag-iba sa mnga nauna pa. Pabor sa mga gahaman, kontra sa mga naghihirap at pinagnanakawan. Lalong nagiging kailangan ang sama-samang paglaban para sa kagyat na ginhawa at kagalingan hanggang sa tunay na pagbabagong panlipunan.

Dapat patuloy na ipaglaban ang pagwawakas sa gera, pagkamit ng nakabubuhay na sahod - P1200 nationwide, pagpapababa ng presyo ng mga bilihin at pagtanggal sa VAT at excise tax, regular, disente at ligtas na trabaho, paggalang sa karapatang mag-unyon at mag-organisa, at pagtigil sa panunupil sa mamamayan. Gayundin, ang pagbabasura sa mga kontra-manggagawa at kontra-mamamayang patakaran gaya ng Oil Deregulation Law, Wage Rationalization, TRAIN Law atbp. Dapat igiit ang pagtataguyod ng nagsasariling ekonomya kung saan pinauunlad ang lokal na agrikultura at industriya. Tanging sa paghulagpos sa kuko ng imperyalistang gahaman magiging posible na tumindig sa sariling paa at unahin ang kapakanan ng Pilipino.

Sa pakikibakang kinakaharap natin, kailangan ng ibayong tatag at pagkakaisa. Halawan natin ng aral ang 46 taon ng pamumuno ng Kilusang Mayo Uno at ng lagpas sandaang taong paglaban ng mga nauna pang unyon at manggagawa. Dito tayo huhugot ng kaalaman at inspirasyon. Sa pagbabalik-aral, kilalanin nating maigi ang mga ugat ng kahirapan. Bigyang-hugis natin ang mahabang kasaysayan ng paglaban, tagumpay at pagkabigo na pundasyon ng ating kilusan.

Makikilala natin sa pagbabalik-tanaw ang milyong manggagawa na nag-alay ng lakas, talino at buhay sa adhikaing palayain ang sambayanan. Silang mga naglalakad upang magmulat at magpropaganda sa araw at sa gabi. Silang mga nagtirik ng piketlayn at kubol sa welga. Silang mga nagluto at nagpakain upang panatilihin ang lakas ng pakikibaka. Silang sumusuyod sa mga eskinita para mag-organisa.

Silang mga dinukot sa kalsada sa lalim ng gabi. Silang mga binaril sa piketlayn habang tuloy ang welga. Silang nagbuhos ng dugo upang patunayang paglakas lang ang tunguhin ng ating paglaban. Silang tahimik na lumisan at sinuyod ang kanayunan upang magpursige sa rebolusyonaryong pagbabago.

Pagpupugay ang laan natin sa mga bayani at martir ng manggagawa at bayan - sa ating mga lider at organisador na sina Felixberto Olalia Sr, Rolando Olalia, at Crispin Beltran. Hustisya ang sigaw natin para kina Jude Fernandez at Dandy Miguel! Patuloy na panawagang ilitaw sina Loi Magbanua at William Lariosa, at ang pagpapalaya sa 20 unyonista’t manggagawa na nakapiit pa rin hanggang ngayon.

Bigyang-diin natin ang tungkuling pagkaisahin, pakilusin at pamunuan ang pakikibaka ng buong uring manggagawa at iba pang mga sektor sa lahat ng porma at antas. Isabuhay natin ang diwa pakikipagtalakayan at pakikipag-aralin upang hanguin ang pinakamalikhaing mga ideya at pinakaepektibong mga paraan.

Sa gabay ng tunay, militante at anti-imperyalismong unyonismo, ikasa natin ang mga protesta, piket, koordinadong welga, mga multisektoral na protestang bayan na pauunlarin patungong welgang bayan. Tataglayin ng mga ito ang lakas upang epektibong maipanalo ang ating mga kahingian.

Buuin at ipalaganap natin ang mga karanasan at aral ng mga nagdaang welga ng Nexperia at Kowloon. Balik-aralan natin ang mga pagkilos at welga sa nagdaang mga dekada lalo ang mga pangkalahatang welga at welgang bayan ng dekada ‘80. Sa pagpapayaman ng ating sariling karanasan, tinatanglawan natin ang susunod na henerasyon ng manggagawa upang ganap na ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo, at hawanin ang landas tungong sosyalistang pagbabago.

Kailangan nating panghawakan at sandigan ang lakas ng ating uri. Ikawing natin ang pakikibaka ng manggagawang Pilipino sa pakikibaka ng lahat ng manggagawa sa daigdig laban sa pandarambong, gera at pasismo. Sama-sama nating ibagsak ang imperyalismong US - ang numero unong kaaway ng manggagawa’t mamamayan ng daigdig.

Sa ating palad, nilikha ang yaman. Sa ating bigwas, papandayin ang kasaysayan. Ang pagdiriwang ng Mayo Uno ay pakikibaka. Ang pakikibaka ay pagdiriwang ng ating adhikain, pangarap at dangal.

Mabuhay ang ika-46 na anibersaryo ng Kilusang Mayo Uno!
Mabuhay ang uring manggagawa at mamamayang Pilipino!
Pakikibaka ang tunguhin ng daigdig ngayon!

16/04/2026

DOE unbundling order is a win for public’s right to know; Bayan Muna urges full transparency, sanctions vs overpricing

Bayan Muna Chairperson Neri Javier Colmenares welcomed the Department of Energy’s (DOE) move to order oil companies to unbundle pump prices following Bayan Muna’s formal demand that the agency finally enforce its unbundling circular amid the national energy emergency and soaring fuel prices.

“This is a victory for the public’s right to information and a necessary step toward exposing possible price manipulation and excessive profit-taking,” Colmenares said. “For too long, consumers have been forced to accept pump prices as a black box, even as fuel costs climbed to extraordinary levels.”

It can be remembered that in a letter to the DOE on March 11 and another on March 30, 2026 Bayan Muna pressed the DOE to implement the unbundling circular stating that “it is important for the DOE to ensure that no overpricing is taking place and that oil
companies are not exploiting the current volatility of oil prices to also unjustly
increase their profit margin.” Colmenares warned that “The DOE will find it difficult to ferret out overpricing if the DOE is not aware of the actual cost of a liter of fuel and the profit margins imposed by oil companies.
Colmenares pointedly asked the DOE that while the unbundling circular was promulgated in 2019 and the TRO filed by oil companies
lifted by the Supreme Court in 2024 “it is, unfathomable why the DOE refused to implement the
2019 Unbundling Circular as late as 2026 or nearly seven (7) years from the promulgation of such an important
circular and nearly two (2) years after the Supreme Court lifted the TRO in 2024.”

Colmenares stressed that unbundling must not be treated as a mere compliance exercise, but as a tool for accountability—especially after months of steep fuel price hikes and growing public suspicion of cartel-like behavior in the oil industry.

“Unbundling should answer the basic question: what exactly are Filipinos paying for in every liter—import cost, taxes, logistics, and most importantly, profit margins,” Colmenares said. “If the DOE claims there is no overpricing, then the detailed breakdown should confirm it. If the data shows profiteering, then government must act.”

Bayan Muna noted that the DOE itself has cited a Supreme Court ruling affirming the agency’s authority to require oil companies to submit a detailed breakdown of pricing components under its 2019 circular, and that non-compliance may result in sanctions including possible cancellation of permits.

“Pinatutunayan ng kautusan ng DOE na may kapangyarihan ang gobyerno na singilin ng paliwanag ang mga kumpanya ng langis,” Colmenares said. “Ipatupad nang buo ang unbundling, huwag pahinain sa ‘guidelines’ na pabor sa mga oil firm.”

Colmenares also called on the DOE to ensure the timely release of meaningful public information from the submissions—protecting legitimate trade secrets while making public the key figures needed to safeguard consumers, such as aggregate and range data on cost components and margins, and the basis for weekly price adjustments.

“Dapat ilantad sa publiko ang mahahalagang datos tungkol sa gastos at tubo, lalo na kapag krisis at pambansang interes ang nakataya,” Colmenares said. “Pabilisin ang paglalabas ng impormasyon, at parusahan ang hindi susunod o magsusumite ng hindi makatwirang paliwanag.”

He added that transparency should lead to concrete remedies, including intensified investigation of coordinated pricing behavior, stronger enforcement against hoarding and profiteering, and broader measures to bring down fuel prices and protect workers, drivers, and consumers battered by the oil crisis.

“The DOE’s unbundling directive must be the start of real accountability—not the end of the story,” Colmenares said. “The public expects results: clarity on costs, exposure of unjustified margins, and decisive action against any abuse. The main culprit however is the Oil Deregulation Law which allows oil companies to increase oil prices by merely announcing it without any regulation. Bayan Muna has long filed a bill to repeal it. This is the proper time for the people to demand its immediate repeal. Panahon na para mag panday tayo ng bagong batas para sa oil industry. # # #

Photos from BAYAN MUNA Quezon City's post 16/04/2026

ICYMI | Maagap na naghanda at nagbigay ng pagkain ang mga lider ng Bayan Muna KNL Chapter sa mga nasunugang residente sa CP Garcia, Brgy. UP Campus noong Abril 14.

Noong gabi ng Abril 13, nagkaroon ng sunog sa isang maralitang komunidad sa CP Garcia kung saan natupok ang 10 kabahayan na may 16 pamilyang apektado.

Ang mga biktima ng sunog ay kasalukuyang nasa evacuation sa Amorsolo Multi-Purpose Center.

Sa mga nais magbigay ng tulong in-kind o cash man maaaring magmensahe sa aming page o Bayang Matulungin page. O maaari ring magpadala ng GCash sa numerong 09235354319 (Sarah J* Vel***o)

12/04/2026

Maraming salamat sa mga Human Rights Lawyer ng Public Interest Law Center - Philippines (PILC) sa pagtulong sa mga naarestong maralita sa nangyaring marahas na demolisyon sa NIA Road noong Abril 9. ♥️

Nakakagalit isipin, sa kabila ng napakatinding krisis at korupsyon sa bansa, mas inuna pang hulihin ang mga mahihirap na nakikibaka para sa kanilang karapatan sa paninirahan at kabuhayan sa halip na mga magnanakaw at inutil sa gobyerno.

𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗜𝗡 𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗜𝗔 7! ✊



The Public Interest Law Center (PILC) assisted today in the inquest of seven (7) urban poor individuals who were arrested during clearing operations along NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City.

They are being charged with Direct Assault, Resistance and Disobedience, and Obstruction of Justice.

Their mere presence during the commotion does not, by itself, constitute sufficient factual basis for a valid arrest or for the charges now being imputed against them. Aside from the police officers’ bare and self-serving testimonies, which consist of verbatim, copy-pasted affidavits containing only general allegations, there is no evidence that they committed any of the acts charged. The photos submitted likewise fail to clearly identify them, especially as they depict a crowd of people merely standing, many of whom are facing away from the camera, rendering any attribution of specific acts to them speculative at best.

This incident must also be viewed against the backdrop of the current economic crisis. At a time when the government has failed to provide sufficient and effective programs to shield the poor from rising oil prices and the increasing cost of living, these communities are instead subjected to further hardship through unjust demolitions and the continued failure to ensure humane and adequate housing.

In any case, this is not just a question of criminal procedure, but of justice. Housing is a right. Urban poor communities must not be criminalized for defending their homes, asserting their dignity, and standing up for their right to shelter.

11/04/2026

Hindi lamang ito musika, ito ay 🅃🄸🄽🄸🄶 at 🄿🅁🄾🅃🄴🅂🅃🄰 ng mga kabataang maralita. ✊

09/04/2026

Palayain ang 7 ilegal na inaresto sa NIA Road at Tutulan ang demolisyon!

Mariing kinokondena ng Kadamay ang ilegal na pag-aresto sa 7 residente ng NIA Road habang isinasagawa ang clearing operation at demolisyon sa kanilang komunidad. Ang marahas na aksyong ito ay naganap sa kabila ng katotohanang kamakailan lamang ay tinamaan ng malawakang sunog ang lugar—isang trahedyang hanggang ngayon ay hindi pa lubusang nakakabangon ang mga residente.

Marami sa mga nasunugan ay nananatiling walang maayos na tirahan at napipilitang magtayo ng pansamantalang mga tolda sa gilid ng kalsada. Sa halip na agarang tulong, ang tanging ipinangako ng lokal na pamahalaan ay kakarampot na rental subsidy na ₱36,000, na sa Abril 18 pa umano ipapamahagi.

Lalong pinalala ng sitwasyon ang hindi pagtupad ng lokal na pamahalaan sa pangakong pagtatayo ng maayos na staging area para sa mga residente. Kasabay nito ang sapilitang pagpapaalis sa mga nasunugan mula sa evacuation centers—isang hakbang na tahasang sumasalungat sa naunang pahayag na hindi sila mamadaliing paalisin hangga’t wala pang maayos na relokasyon.

Sa harap ng mga paglabag na ito, kinakailangang papanagutin ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon City, kasama ang NHA at DHSUD, sa kanilang papel sa ilegal na demolisyon, marahas na clearing operation, at walang batayang pag-aresto sa mga residente.

Malinaw na sa gitna ng krisis, ang tugon ng pamahalaan ay patuloy na pagpapalayas at pagwasak sa tahanan ng mga maralita, karahasan, at patuloy na paglabag sa karapatang pantao.

Nanawagan kami ng pakikiisa sa mga residente ng NIA Road sa kanilang laban para sa karapatan sa paninirahan. Dapat itigil ang planong tuluyang paggiba sa mga istruktura sa komunidad at huwag paalisin ang mga residente hangga’t wala pang malinaw, maayos, at makataong relokasyon.

Makatarungan ang pagbarikada ng mga residente ng NIA Road. Ito ay isang lehitimong anyo ng pagtatanggol sa kanilang karapatan. Panahon na upang kilalanin ng estado ang dignidad at karapatan sa paninirahan ng mga maralita.

Photos from BAYAN MUNA Partylist's post 19/07/2025

Matapos ang tuloy tuloy na ulan ngayong araw may mga pumasok na ulat ng mga pamilyang apektado ng sa Lungsod Quezon. Mula ito sa mga barangay ng Dona Imelda, Tatalon, UP Campus.

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Quezon City