14/11/2026
ALERT: Kasalukuyang hinaharangan ng tinatayang 150 kapulisan ang mga delegado ng lakbayan sa Sucat, Muntinlupa.
Naalerto ang mga delegado ng Lakbayan ng Timog Katagalugan ng mga 12:00 ng umaga ng Nobyembre 15 pagtapos mamataan ang ilang pulis na hinaharangan ang kanilang lugar na paggutulugan sa Sucat people's park sa Muntinlupa City.
Patuloy ang pananatili ng pwersa ng kapulisan kahit na nagpakita ng permit para mag rally ang mga delegado. Mariing kinokondena ng Artists For Just Peace ang patuloy na pasistang atake sa mga Lakbayani ng Timog Katagalugan.
Hindi matitinag ang taumbayan sa kaliwa't kanan na pasistang atake ng reaksyunaryong PNP. Patuloy na suportahan ang Lakbayan ng Timog Katagalugan at patuloy na ipanawagan ang pagbabasura sa Pax Silica at ang pag papalayas sa imperyalistang si Donald Trump sa Pilipinas.