03/11/2026
Isa na naman pong kababayan natin ang ating nadalaw, si Nanay Rita Payabyab ng Brgy. San Jose. 💙
Nag-request po si Nanay Rita ng wheelchair upang makatulong sa kanyang pang-araw-araw na pagkilos. Kaya naman personal po nating iniabot ang kanyang hinihiling, kasama ang kaunting tulong para sa iba pa niyang pangangailangan.
Masaya po tayong kahit sa simpleng paraan ay nakatutugon tayo sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Patuloy nating pakinggan ang kanilang mga hinaing at sikaping maihatid ang tulong kung saan ito higit na kailangan.
Kay Nanay Rita at sa kanyang pamilya, maraming salamat po sa mainit na pagtanggap. Ingat po kayo palagi! 💙