10/11/2026
GOOD SAMARITAN ALERT 😇
Isang magandang halimbawa ng katapatan at malasakit sa kapwa ang ipinamalas ni Mr. Edcel Kevin Ortua residente ng Brgy. Salog, Goa, Camarines Sur, matapos niyang i-turn over ang napulot na cellphone (Iphone kulay purple) dito sa himpilan ngayong gabi.
Napulot ni Mr. Edcel ang nasabing cellphone dito sa kahabaan ng highway sa Brgy. Boclod, San Jose, Camarines Sur.
SA MAY-ARI NG CELLPHONE (IPHONE): Mangyari lamang na magtungo sa San Jose Municipal Police Station upang ma-claim ang nasabing cellphone. Magdala ng kaukulang pagkakakilanlan at magbigay ng sapat na detalye upang mapatunayan ang pagmamay-ari.
Maraming salamat kay Mr. Edcel Kevin Ortua sa kanyang katapatan at mabuting halimbawa. Sa bawat simpleng gawa ng kabutihan, naipapakita natin na ang malasakit sa kapwa ay buhay sa ating komunidad.
— Serbisyong may Katapatan, Malasakit, at Integridad!