29/10/2026
🚨☀️ 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 | 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗣𝗥𝗘𝗣𝗔𝗥𝗘𝗗𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝟰𝗛 𝗟𝗘𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗜𝗡𝗨𝗜𝗧𝗬 𝗙𝗥𝗔𝗠𝗘𝗪𝗢𝗥𝗞 🌡️📚
Sa gitna ng banta ng matinding init at posibleng epekto ng El Niño, patuloy na isinusulong ng Padre Imo Luna Memorial Elementary School (PILMES) ang kahandaan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat mag-aaral, g**o, at kawani sa pamamagitan ng PROJECT ALERT, bilang bahagi ng pagpapalakas ng disaster preparedness at school safety awareness.
Kaugnay ng 𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝 𝐌𝐞𝐦𝐨𝐫𝐚𝐧𝐝𝐮𝐦 𝐍𝐨. 𝟎𝟔𝟒, 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟔, na may pamagat na “Anticipatory Action, Preparedness, and Protective Measures for the 2026–2027 Super El Niño,” binibigyang-diin ang kahalagahan ng maagap na paghahanda, wastong impormasyon, at sama-samang pagkilos upang mabawasan ang mga panganib na dulot ng matinding init, tagtuyot, at kakulangan sa suplay ng tubig.
🌞 𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢?
Ang El Niño ay isang natural na penomenong pangklima na maaaring magdulot ng mas mainit at mas tuyong panahon sa ilang lugar. Maaari itong magresulta sa:
🌡️ Mas mataas na temperatura at matinding init.
🌱 Tagtuyot at kakulangan sa suplay ng tubig.
🥬 Posibleng kakulangan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.
💧 Mas mataas na panganib ng dehydration at heat-related illnesses.
📚 𝗔𝗡𝗚 𝟰𝗛 𝗙𝗥𝗔𝗠𝗘𝗪𝗢𝗥𝗞: 𝗚𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗧𝗨𝗧𝗢
Bilang bahagi ng paghahanda, mahalagang maunawaan ang apat na antas ng pag-iingat batay sa heat index:
🟢 HAYO | Below 27°C — Manageable Conditions
Maaaring magpatuloy ang regular na face-to-face classes, kasabay ng pagpapanatili ng sapat na inuming tubig, maayos na bentilasyon, at ligtas na mga aktibidad.
🟡 HINAY | 27°C–32°C — Caution
Limitahan ang mabibigat na gawain at outdoor activities. Maaaring i-adjust ang iskedyul ng klase kung kinakailangan at patuloy na subaybayan ang kalagayan ng mga mag-aaral.
🟠 HINGA | 33°C–41°C — Extreme Caution
Magpatupad ng mas mahigpit na pag-iingat laban sa init, bawasan ang pagkabilad sa araw, at isaalang-alang ang alternatibong learning modalities tulad ng modular, online, o blended learning alinsunod sa opisyal na direktiba.
🔴 HINTO | 42°C and Above — Danger
Unahin ang kaligtasan at kalusugan ng lahat. Maaaring suspindihin ang face-to-face classes at ipatupad ang angkop na alternative learning arrangements ayon sa umiiral na mga patakaran at anunsyo.
🚨 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧:
Upang mapangalagaan ang ating mga mag-aaral at komunidad, hinihikayat ang lahat na:
💧 MAGTIPID AT MAG-IMBAK NG TUBIG — Gamitin nang responsable ang ating suplay ng tubig.
🚰 UMINOM NG SAPAT NA TUBIG — Panatilihing hydrated ang katawan upang maiwasan ang dehydration.
👕 MAGSUOT NG MAGAANG NA DAMIT — Pumili ng komportableng kasuotan na angkop sa mainit na panahon.
☀️ IWASAN ANG MATAGAL NA PAGKABILAD SA INIT — Limitahan ang outdoor activities, lalo na sa pinakamainit na oras ng araw.
📢 MAKIALAM AT MAKINIG SA MGA ABISO — Subaybayan ang opisyal na impormasyon mula sa PAGASA, DepEd, lokal na pamahalaan, at paaralan.
Sa pangunguna ng ating Principal IV, Mrs. Irene B. Nakpil, at sa patuloy na paggabay ng ating Public Schools District Supervisor, Dr. Joel B. Lubis, isinusulong ng Padre Imo Luna Memorial Elementary School ang isang ligtas, handa, at responsableng komunidad ng pagkatuto.
Kaisa ang mga g**o, non-teaching personnel, magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholders, patuloy na pinauunlad ng PILMES ang kultura ng kahandaan, responsibilidad, at pagtutulungan sa pagharap sa mga hamon ng matinding init at iba pang kalamidad.
"𝑨𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒉𝒂𝒏𝒅𝒂𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒔𝒂𝒌𝒖𝒏𝒂 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒓𝒆𝒔𝒑𝒐𝒏𝒔𝒊𝒃𝒊𝒍𝒊𝒅𝒂𝒅 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍𝒂𝒏 𝒌𝒖𝒏𝒅𝒊 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒏𝒈𝒌𝒖𝒍𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒐𝒏𝒈 𝒌𝒐𝒎𝒖𝒏𝒊𝒅𝒂𝒅."
#𝗕𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴𝗠𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮