19/10/2026
🐕 MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG ORDINANSA PARA SA KAAYUSAN AT KALIGTASAN NG BARANGAY
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa at pagtugon sa mga reklamo ng mga kabarangay, Sa pangunguna ng ating PB Ma'am PCristina SGo, at mga nakatalagang Kagawad, Kag. Leth Pascual at Kag. Timoteo Liwag at Barangay Public safety officers,nagsagawa ang Pamunuan ng Barangay ng operasyon para sa paghuli at pag-impound ng mga asong malayang gumagala sa mga pampublikong lugar.
📌 PAALALA SA MGA MAY-ARI NG ASO
Kung ang inyong alagang aso ay nahuli at na-impound, mangyaring magtungo sa Barangay Hall upang malaman ang kaukulang proseso, mga kinakailangang hakbang, at mga bayaring dapat asikasuhin alinsunod sa umiiral na ordinansa bago makuha muli ang inyong alagang aso.
Hinihikayat ang lahat na maging responsable sa pag-aalaga ng kanilang mga alagang hayop. Huwag silang hayaang gumala nang walang bantay upang maiwasan ang aksidente, panganib sa kaligtasan, at abala sa kapwa.
Ang pagsunod sa ordinansa at responsableng pag-aalaga ng hayop ay tungkulin ng bawat mamamayan para sa isang ligtas at maayos na pamayanan.