Congressman Jojo Garcia

Directions

Congressman Jojo Garcia The Official page of Rizal's 3rd District Congressman Jose Arturo "
Jojo" Garcia Jr.

Maligayang kaarawan po kay Ka Eduardo V. Manalo, ang Punong Tagapamahala ng Iglesia ni Cristo!Mula po sa akin at sa buon...
31/10/2026

Maligayang kaarawan po kay Ka Eduardo V. Manalo, ang Punong Tagapamahala ng Iglesia ni Cristo!

Mula po sa akin at sa buong Ikatlong Distrito ng Rizal, taos-puso po naming ipinapaabot ang aming pagbati para sa inyong kaarawan.

Dalangin po namin ang patuloy ninyong mabuting kalusugan, lakas, at mahabang buhay upang maipagpatuloy ninyo ang inyong paglilingkod at paggabay sa mga kapatid sa Iglesia ni Cristo.

Nawa po ay maging makabuluhan at puno ng biyaya ang panibagong taon ng inyong buhay.

Maligayang kaarawan po muli, Ka Eduardo!


DISTRICT ADVISORY | Ipinababatid po namin na walang regular na operasyon ang ating District Office sa Lunes, Nobyembre 2...
30/10/2026

DISTRICT ADVISORY | Ipinababatid po namin na walang regular na operasyon ang ating District Office sa Lunes, Nobyembre 2, 2026. Magbabalik po ang regular na serbisyo sa Martes, Nobyembre 3, 2026.

Sa paggunita ng All Souls’ Day, nawa’y maging makabuluhan ang araw na ito para sa bawat pamilya. Alalahanin po natin sa ating mga panalangin ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. Ingat po tayong lahat!


Ako po at ang mga mananampalataya ng Ikatlong Distrito ng Rizal ay masaya pong bumabati ng isang maligayang kaarawan kay...
30/10/2026

Ako po at ang mga mananampalataya ng Ikatlong Distrito ng Rizal ay masaya pong bumabati ng isang maligayang kaarawan kay Bishop Ruperto C. Santos, D.D., ang Obispo ng Diyosesis ng Antipolo.

Dalangin po namin ang inyong mabuting kalusugan, mahabang buhay, at patuloy na lakas upang mas lumawak at lumakas pa ang pananampalataya ng mga Katoliko sa ating Diyosesis.

Maraming salamat po sa pagiging mabuting pastol ng Diyos, sa paggabay sa ating mga mananampalataya, at sa patuloy na pagpapalaganap ng Salita ng Diyos, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa.

Nawa’y patuloy po kayong pagpalain at samahan ng ating Panginoon sa inyong misyon.

Mabuhay po kayo, Bishop Ruperto!


Maraming salamat po sa Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, sa pangunguna ni Governor Nina Ynares, sa patuloy na pagsuport...
29/10/2026

Maraming salamat po sa Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, sa pangunguna ni Governor Nina Ynares, sa patuloy na pagsuporta sa mga proyektong nagbibigay ng mas magandang kinabukasan sa ating mga kabataan.

Masaya po tayong makita na ang bagong 2-storey, 6-classroom building ng Buntong Palay Elementary School ay nagagamit na ng mahigit 300 mag-aaral. Malaking tulong po ito para magkaroon sila ng mas maayos, maaliwalas, at kumpletong pasilidad para sa pag-aaral.

Muli, maraming salamat po, Gov. Ni a! Nawa’y mas pagpalain pa kayo ng ating Panginoon para mas marami pa kayong matulungan na mga kabataang Rizalenyo!

Mabuhay ang mga mag-aaral ng San Mateo!
Mabuhay ang Lalawigan ng Rizal!


Magandang araw po mga mahal kong kababayan!Ang problema sa kalsada ng Florencio Compound 1, Barangay Malanday ay dekada ...
29/10/2026

Magandang araw po mga mahal kong kababayan!

Ang problema sa kalsada ng Florencio Compound 1, Barangay Malanday ay dekada nang dinadala ng ating mga kababayan. Ito ay isang problema na dinulog sa aking opisina na aking pinatignan at nalaman ko ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan na naninirahan at dumadaan dito. Deka-dekadang lubak-lubak at maputik na daan lalo na kapag tag-ulan. Ito ay nabulalas ni Nanay Naomi na matagal nang nakatira sa lugar na ito. Naiintindihan ko po si Nanay Naomi at ang kanyang mga kapit-bahay kung kaya’t sa tulong ng Provincial Government an pinumunuan ni Gov. Nina Ynares at ng DPWH, sa pamumuno ni dating Sec. Vince Dizon na bumisita kamakailan sa ating Bayan, inuumpisahan na po ang pagsusukat sa gagawin na pagsesemento ng kalsada at paglalagay ng drainage system na matagal nang inaasam ng mga residente ng Florencio Compound 1.

Sa inyong tulong at dasal, ang hangad ni Nanay Naomi na ang Florencio Compound 1 ay masemento at maisaayos ay atin pong maisasakatuparan nang may PUSO.

Mabuhay ang San Mateo!


Magandang araw po mga mahal kong kababayan!Nais ko pong ibahagi sa inyo na tuloy-tuloy ang paggawa ng Bypass Road na mag...
26/10/2026

Magandang araw po mga mahal kong kababayan!

Nais ko pong ibahagi sa inyo na tuloy-tuloy ang paggawa ng Bypass Road na magdudugtong sa Sa San Mateo at Montalban na makakatulong na maibsan ang trapiko sa kahabaan ng Gen. Luna. Bilang paghahanda, ginagawa na po ang drainage system bago ayusin at sementohan ang daanan, partikular sa tapat ng Ibiza Homes Townhomes Gate 1, sa Maly-Marang Road.

Patuloy ko pong tututukan ang mga proyektong makabuluhan at tunay na makapagpapabuti sa kalagayan ng ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta, mga mahal kong kababayan!

Ngayong Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon, pinaaalalahanan tayo ni Hesus na ang pinakamahalagang utos ay ibigin ang Di...
24/10/2026

Ngayong Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon, pinaaalalahanan tayo ni Hesus na ang pinakamahalagang utos ay ibigin ang Diyos nang buong puso at mahalin ang ating kapwa gaya ng ating sarili.

Nawa’y makita sa ating mga salita at gawa ang tunay na pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa. Sapagkat ang pag-ibig ang puso ng ating pananampalataya.

Masayang Linggo sa lahat!

Magandang araw po mga mahal kong kababayan!Makatapos ang pagbisita at pag-iikot ni Sec. Vince sa ating Bayan, inireport ...
24/10/2026

Magandang araw po mga mahal kong kababayan!

Makatapos ang pagbisita at pag-iikot ni Sec. Vince sa ating Bayan, inireport ko din po sa kanya ang mabagal at nakakaperwisyong proyekto ng Manila Water na nagdudulot ng mabigat na trapik sa ating Bayan, nakatanggap po ang aking opisina ng sulat mula sa Manila Water patungkol sa status ng kanilang mga pinagagawa sa ating Bayan at kung kailan ito matatapos.

Ayon sa kanilang ulat, ang P1ASM Catch-up project ay completed na, habang nagpapatuloy ang mga pipe-laying at structural works sa iba pang bahagi. Kabilang dito ang Network Lift Station na nakatakdang matapos sa Disyembre 15, 2026.

Nakatakda rin ang restoration works ng kanilang mga tubo sa Gen. Luna Avenue–J.F. Diaz Street mula Oktubre 21–24, 2026.

Bilang inyong Congressman, patuloy nating susubaybayan ang mga gawaing ito at makikipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang matiyak ang mabilis at mahusay na pagsasaayos ng mga proyekto ng Manila Water at magawa at maibalik sa mahusay at maayos na kundisyon ang mga kalsada upang maging maayos ang daloy ng trapiko.

Asahan niyo po na tutukan ko ang mga pagawain na ito at titiyakin na susunod ang Manila Water sa mga petsang tinakda nila na tatapusin ang mga nasabung proyekto.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at samahan niyo po ako sa pagbabantay ng mga ginagawa ng Manila Water sa ating Bayan.


Taos-puso po ako at ang aking pamilya na nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay ni Kagawad Edward A...
23/10/2026

Taos-puso po ako at ang aking pamilya na nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay ni Kagawad Edward Abatay sa kanyang pagpanaw. Maraming salamat po sa kanyang tapat na paglilingkod at sa mga naiambag niya sa Barangay Guitnang Bayan 1.

Dalangin ko po na yakapin siya ng Panginoon sa Kanyang walang hanggang kapayapaan at pagkalooban ng lakas at kapanatagan ang kanyang pamilya sa panahong ito ng matinding kalungkutan. Nawa’y magsilbing gabay at aliw ang kanilang pananampalataya sa gitna ng pagdadalamhati.

Magandang araw po mga mahal kong kababayan!Pagkatapos po ng pagprisenta ng mga proyektong kailangan na kailangan ng atin...
22/10/2026

Magandang araw po mga mahal kong kababayan!

Pagkatapos po ng pagprisenta ng mga proyektong kailangan na kailangan ng ating Bayan, sinamahan at pinagmaneho ko din po si DPWH Secretary Vince Dizon at ang Regional Director at Asst. Regional Director ng DPWH Region 4A sa kalsadang ginagawa at kailangang matapos na magdudugtong sa Brgy. Pintong Bukawe na dadaan sa Brgy. Malanday at Silangan patungo sa poblacion ng San Mateo.

Sa aming paglalakbay, personal na nakita at naranasan ni Sec. Vince ang nakakaawang kalagayan ng kalsada at karanasan ng ating mga kababayan na nakatira at tumatahak sa daanang ito araw-araw, lalo na kung panahon ng tag-ulan. Dahil sa aming aktwal na pag-ikot, nakita at naintindihan din ni Sec. Vince ang kahalagahan na matapos ang kalsada na ito upang mas mabilis na madala ang mga kalakal na gulay at prutas mula sa Brgy. Pintong Bukawe papunta sa Bayan ng San Mateo na makakatulong sa pagbaba ng presyo ng bikihin.

Sa pamamagitan ni Sec. Vince, malamang na nakita ni President Bongbong ang pangangailangan ng ating Bayan na sigurado na kanilang tutugunan dahil mahalaga sa ating Pangulo ang buhay, kalusugan, at kapakanan ng bawat mamamayang Pilipino.

Nagpasalamat po ako kay Sec. Vince Dizon, na alter ego ng ating Presidente BBM, sa kanyang pangako na maglaan ng nararapat na pondo at pabilisin ang pagpapatuloy ng proyektong ito.

Patuloy po akong kikilos at makikipag-ugnayan sa DPWH at sa iba pang mga ahensya ng National Government para maisakatuparan ang mga proyektong deka-dekada nang hinihintay ng ating mga kababayan. Patuloy ko pong isasakatuparan ang aking pangako na Garantisadong Maglilingkod ng may PUSO para sa inyo at para sa pinakamamahal nating Bayan ng San Mateo dahil ang bawat barangay at mamayan ay mahalaga.

Mahuhay ang Bayan ng San Mateo!
Mabuhay ang DPWH!
Mabuhay ka, Sec. Vince Dizon!


Address

Guitnang Bayan I
San Mateo
1850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Congressman Jojo Garcia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services