Barangay Sto.Niño, San Mateo Rizal

Directions Contact the organization

Barangay Sto.Niño, San Mateo Rizal Official Page of Barangay Sto. Niño, San Mateo, Rizal

PAALALA, MGA KABARANGAY!Huwag pong kalimutan ang ating 2nd Semester Barangay Assembly Day – CY 2026 ngayong araw!October...
24/10/2026

PAALALA, MGA KABARANGAY!

Huwag pong kalimutan ang ating 2nd Semester Barangay Assembly Day – CY 2026 ngayong araw!

October 25, 2026 (Sunday)
8:00 AM
Modesta Covered Court

Kitakits po, mga kabarangay! Inaasahan po namin ang inyong pagdalo.

SOBA | PAANYAYA SA LAHAT NG MGA KABARANGAY!

Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kabarangay na dumalo sa 2nd Semester Barangay Assembly Day – CY 2026 ng ating Barangay, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Dexter Manongdo Manganip at ng Sangguniang Barangay.

Petsa: Oktubre 25, 2026 (Linggo)
Oras: 8:00 AM
Lugar: Modesta Covered Court

Sa pagtitipong ito, ilalahad natin ang State of the Barangay Address (SOBA) at tatalakayin ang mahahalagang programa, proyekto, aktibidad, at mga usaping may kinalaman sa ating barangay.

Ito rin ay pagkakataon upang maibahagi ninyo ang inyong mga saloobin, mungkahi, at katanungan para sa patuloy na ikauunlad ng ating komunidad.

Ang inyong pagdalo at aktibong pakikilahok ay mahalaga upang mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan ng bawat isa para sa isang maayos, ligtas, at progresibong Barangay Sto. Niño.

Tayo na sa Barangay Assembly!

Theme: "Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad."

Kita-kits po, mga kabarangay! Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa.




Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga naulila ni Teacher Ginalyn Tumapang ng Early Childhood Care and Deve...
24/10/2026

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga naulila ni Teacher Ginalyn Tumapang ng Early Childhood Care and Development ECCD sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.

Sa ngalan ng ating Punong Barangay Dexter Manongdo Manganip at ng buong Sangguniang Barangay ng Sto. Niño, nakikiisa po kami sa inyong pagdadalamhati at dalangin ang inyong katatagan at kapanatagan sa panahong ito ng kalungkutan.

Nawa’y pagkalooban kayo ng Panginoon ng lakas upang malampasan ang mabigat na pagsubok na ito. Nawa’y manatili sa inyong mga puso ang masasayang alaala, pagmamahal, at kabutihang iniwan ni Teacher Ginalyn sa bawat buhay na kanyang nahawakan.

Muli, taos-puso po kaming nakikiramay sa inyong pamilya. Kasama ninyo kami sa panalangin.

Rest in eternal peace, Teacher Ginalyn. 🕊️🤍

MANILA WATER ADVISORYMagandang araw, mga kabarangay!Ayon po sa abiso ng Manila Water, magkakaroon ng emergency leak repa...
23/10/2026

MANILA WATER ADVISORY

Magandang araw, mga kabarangay!

Ayon po sa abiso ng Manila Water, magkakaroon ng emergency leak repair sa Horseshoe St., Modesta, Sto. Niño, San Mateo, Rizal.

Petsa: Oktubre 23–24, 2026
Oras: 10:00 PM (Oktubre 23) hanggang 4:00 AM (Oktubre 24)

Mga Apektadong Lugar:

1. Ilang bahagi ng Sampaguita St., Brgy. Sto. Niño, San Mateo, Rizal
2. Olopsville
3. Riverside Area

Inaasahan po na makararanas ng mahinang daloy ng tubig o pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig ang mga nabanggit na lugar sa nasabing oras.

Pinapayuhan po ang mga apektadong residente na mag-ipon ng sapat na tubig para sa kanilang pangangailangan habang isinasagawa ang pagkukumpuni.

Humihingi po ng paumanhin ang Manila Water sa abalang maidudulot nito at nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Maraming salamat po!




SOBA | PAANYAYA SA LAHAT NG MGA KABARANGAY!Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kabarangay na dumalo sa 2nd Semester B...
23/10/2026

SOBA | PAANYAYA SA LAHAT NG MGA KABARANGAY!

Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kabarangay na dumalo sa 2nd Semester Barangay Assembly Day – CY 2026 ng ating Barangay, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Dexter Manongdo Manganip at ng Sangguniang Barangay.

Petsa: Oktubre 25, 2026 (Linggo)
Oras: 8:00 AM
Lugar: Modesta Covered Court

Sa pagtitipong ito, ilalahad natin ang State of the Barangay Address (SOBA) at tatalakayin ang mahahalagang programa, proyekto, aktibidad, at mga usaping may kinalaman sa ating barangay.

Ito rin ay pagkakataon upang maibahagi ninyo ang inyong mga saloobin, mungkahi, at katanungan para sa patuloy na ikauunlad ng ating komunidad.

Ang inyong pagdalo at aktibong pakikilahok ay mahalaga upang mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan ng bawat isa para sa isang maayos, ligtas, at progresibong Barangay Sto. Niño.

Tayo na sa Barangay Assembly!

Theme: "Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad."

Kita-kits po, mga kabarangay! Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa.




20% DISCOUNT SA AMILYAR PARA SA TAONG 2027!Mga minamahal naming kabarangay, samantalahin na ang 20% DISCOUNT sa Real Pro...
22/10/2026

20% DISCOUNT SA AMILYAR PARA SA TAONG 2027!

Mga minamahal naming kabarangay, samantalahin na ang 20% DISCOUNT sa Real Property Tax (Amilyar) para sa taong 2027 sa pamamagitan ng maagang pagbabayad!

PROMO PERIOD:
October 1 – December 29, 2026

SINO ANG QUALIFIED?
Para sa mga magbabayad nang advance ng buong taon ng 2027 at walang anumang nakaraang utang o delinquency sa Real Property Tax.

PAALALA SA DEADLINE:
Para sa mga magbabayad gamit ang Manager’s Check o Cashier’s Check sa pamamagitan ng LBC o Registered Mail, ang deadline ay December 11, 2026.

PAYMENT LOCATION:
Plaza Natividad
Monday to Friday | 8:00 AM – 5:00 PM

PARA SA MGA KATANUNGAN:
(02) 8297-8100 local 118

Huwag palampasin ang pagkakataong makatipid! Magbayad nang maaga at samantalahin ang 20% discount sa inyong amilyar.

I-share ang impormasyong ito sa inyong pamilya, mga kaibigan, at kapitbahay upang mas marami ang makinabang!

Serbisyong may Malasakit para sa bawat Kabarangay!💙





Taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan sa ating minamahal na Gobernadora ng Lalawigan ng Rizal, Hon. Nina Ynares!Mar...
20/10/2026

Taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan sa ating minamahal na Gobernadora ng Lalawigan ng Rizal, Hon. Nina Ynares!

Maraming salamat po sa inyong patuloy na paglilingkod, dedikasyon, at malasakit sa kapakanan ng ating mga kababayan. Nawa ay patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at mas marami pang biyaya upang maipagpatuloy ang inyong makabuluhang paglilingkod sa ating lalawigan.

Mula po sa Sangguniang Barangay ng Sto. Niño, sa pangunguna ng aming Punong Barangay, Hon. Dexter Manongdo Manganip, hangad namin ang isang masaya at makabuluhang kaarawan para sa inyo!

Muli, maligayang kaarawan po, Governor Nina! Nawa ay patuloy kayong gabayan at pagpalain sa inyong paglilingkod sa ating mga kababayan. 🫰




Maligayang Kaarawan sa ating Committee Chairman on Disaster Risk Reduction and Management na si Kagawad Edwin Parky Ravi...
18/10/2026

Maligayang Kaarawan sa ating Committee Chairman on Disaster Risk Reduction and Management na si Kagawad Edwin Parky Ravina! 🥳

Nawa’y pagkalooban ka ng mas malakas na pangangatawan, mabuting kalusugan, mahabang buhay, at patuloy na pagpapala. Dalangin namin ang iyong kaligayahan at tagumpay sa lahat ng iyong ginagawa.

Maraming salamat sa iyong dedikasyon at tapat na paglilingkod sa ating barangay. Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa ating lahat.

Happy Birthday, Kagawad!

Pagbati mula sa Pamahalaang Barangay Sto. Niño!


Ang Pamahalaang Barangay ng Sto. Niño, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Dexter Manongdo Manganip, ay taos-pusong na...
13/10/2026

Ang Pamahalaang Barangay ng Sto. Niño, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Dexter Manongdo Manganip, ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating kagalang-galang na Board Member ng Lalawigan ng Rizal na si Bokal JPB - John Patrick Bautista, sa pagkakaloob ng donasyong tent para sa ating barangay.

Malaking tulong po ito sa pagsasagawa ng mga programa, aktibidad, at serbisyong pampubliko para sa ating mga kabarangay.

Maraming salamat po sa inyong suporta, kabutihang-loob, at malasakit sa ating komunidad. Patuloy po kaming magsisikap na makapaghatid ng mas maayos na serbisyo para sa lahat!

Serbisyong May Malasakit para sa bawat Kabarangay!



Taos-pusong pagbati ng isang maligayang kaarawan sa School Principal ng StoNiño ES San Mateo na si Ma'am Jennifer C. Biv...
12/10/2026

Taos-pusong pagbati ng isang maligayang kaarawan sa School Principal ng StoNiño ES San Mateo na si Ma'am Jennifer C. Bive.

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, kalakasan, at mas marami pang biyaya upang patuloy na makapaglingkod at makapagbigay-inspirasyon sa ating mga g**o at mag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at mahalagang kontribusyon sa larangan ng edukasyon. Hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay at kaligayahan sa buhay. ❤️

Muli, Happy Birthday po mula sa Pamahalaang Barangay Sto. Niño 🥳🎁


UNANG FLAG RAISING CEREMONY NG OKTUBRE 2026Matagumpay na naisagawa kanina ang unang Flag Raising Ceremony para sa buwan ...
12/10/2026

UNANG FLAG RAISING CEREMONY NG OKTUBRE 2026

Matagumpay na naisagawa kanina ang unang Flag Raising Ceremony para sa buwan ng Oktubre, sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Dexter Manongdo Manganip kasama ang mga kawani at opisyal ng Barangay Sto. Niño.

Kasabay ng seremonya, iginawad din ang Certificate of Recognition kay Ryon Cris Pimentel, Mr. Sto. Niño, bilang pagkilala sa kanyang kahanga-hangang tagumpay bilang 2nd Runner-Up sa Mister and Miss San Mateo 2026.

Ang kanyang tagumpay ay isang karangalan para sa ating barangay at nagsisilbing inspirasyon sa ating mga kabataan na patuloy na linangin ang kanilang mga talento, tiwala sa sarili, at kakayahan.

Muli, congratulations, Ryon! Ipinagmamalaki ka ng buong Barangay Sto. Niño!

Serbisyong May Malasakit, Para sa Bawat Kabarangay!




Address

San Mateo
1850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Sto.Niño, San Mateo Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Sto.Niño, San Mateo Rizal:

Shortcuts

Share

Nearby government services