Municipal Government of Angat

Directions Contact the organization

Municipal Government of Angat Official page of Municipality of Angat

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗧𝗥𝗢𝗟𝗬𝗢, 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 𝟭𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲Magandang balita para sa mga motorista at ma...
10/11/2026

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗧𝗥𝗢𝗟𝗬𝗢, 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 𝟭𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲

Magandang balita para sa mga motorista at mamimili! Inaasahang bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, Nobyembre 10, 2026.

Batay sa anunsyo, magkakaroon ng rollback sa presyo ng mga sumusunod:

Diesel – ₱4.10 kada litro
Gasolina – ₱16.80 kada litro
Kerosene – ₱3.70 kada litro

Ang nasabing pagbabago sa presyo ay inaasahang makatutulong sa pagbabawas ng gastusin ng mga motorista at iba pang sektor na umaasa sa produktong petrolyo.

Patuloy na pinapaalalahanan ang publiko na maging mapanuri at subaybayan ang mga opisyal na anunsyo hinggil sa presyo ng mga produktong petrolyo.

𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐏𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐍𝐆𝐀𝐓 𝐄𝐃𝐔𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍!Bilang pagpapahalaga sa kahalagahan ng edukasyon at suporta sa kinabukas...
09/11/2026

𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐏𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐍𝐆𝐀𝐓 𝐄𝐃𝐔𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍!

Bilang pagpapahalaga sa kahalagahan ng edukasyon at suporta sa kinabukasan ng kabataang Angateño, inilulunsad ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang ANGAT EDUKASYON: Educational Assistance for Students — isang programang naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang suporta sa kanilang pag-aaral.

Bukas ang programa para sa mga kwalipikadong mag-aaral mula sa Junior High School, Senior High School, at Kolehiyo na residente ng Bayan ng Angat.

📌 APPLICATION PERIOD: November 9–17, 2026

PAANO MAG-APPLY?

I-scan lamang ang QR Code na makikita sa poster o pindutin ang link na ito https://bit.ly/AngatEdukasyon upang ma-access ang online application form.

Sagutan nang tama at kumpleto ang lahat ng kinakailangang impormasyon at i-upload ang mga hinihinging dokumento upang maisumite ang inyong aplikasyon.

KWALIPIKASYON:

1. Lehitimong residente ng Angat, Bulacan
2. Kasalukuyang nag-aaral (College, Junior at Senior High School) at hindi bababa sa 80 o katumbas nito ang grado, walang incomplete o bagsak na marka.
3. Hindi pa nakakapagtapos ng anumang kurso sa kolehiyo
4. Maayos na katayuan ng pag-iisip at ang katayuan sa paaralan at pamayanan.

NOTE: Isang benepisyaryo lamang sa bawat pamilya upang mas maraming pamilya ang matulungan.

MGA KINAKAILANGANG IPASA:

1. Accomplished Application Form

2. Valid ID of Parent / Guardian (Front and Back)

3. Certificate of Enrollment / Registration (Original/Certified True Copy)

4. Valid Student ID (Front and Back)

5. Barangay Indigency Certificate (Purpose: Educational Assistance/ Nakapangalan sa Magulang kung menor de edad)

6. Copy of Latest Grades / Report Card (Original/Certified True Copy)

MAHALAGANG PAALALA:

1. Ang pagsusumite ng aplikasyon ay hindi nangangahulugang awtomatiko nang kwalipikado o aprubado bilang benepisyaryo.

2. Limitado lamang ang bilang ng mga benepisyaryong maaaring mapili alinsunod sa nakalaang pondo ng programa.

3. Ang lahat ng aplikasyon ay sasailalim sa masusing pagsusuri ng mga dokumento, beripikasyon, pagtatasa at pagraranggo batay sa itinakdang pamantayan.

4. Ang pagpili ng mga benepisyaryo ay ibabatay sa pangangailangang pinansyal, pagsunod sa mga kwalipikasyon, pagkakumpleto ng mga dokumento, at limitadong bilang ng mga maaaring matulungan

Hinihikayat ang mga interesadong mag-aaral na basahing mabuti ang mga kwalipikasyon at ihanda ang lahat ng kinakailangang dokumento bago magsumite ng aplikasyon.

Matagumpay na isinagawa ang lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Angat na pinangunahan ng mga kawani...
09/11/2026

Matagumpay na isinagawa ang lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Angat na pinangunahan ng mga kawani ng Angat Bureau of Fire Protection (BFP).

Sinundan ito ng isang Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Peter Collin Crisostomo bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap at paghingi ng patnubay at pagpapala para sa patuloy na paglilingkod sa bayan.

Nakiisa sa pagtitipon sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga pinuno ng iba't ibang tanggapan, mga kinatawan ng Angat PNP, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat.

Sa pamamagitan ng sama-samang pananalangin at pakikiisa sa mga gawaing pampamahalaan, patuloy na pinagtitibay ang diwa ng pananampalataya, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod sa bawat Angateño.

Maligayang Kaarawan! 🫡Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay taos-pusong bumabati sa ating mga kawani na magdiriwang ng kanil...
03/11/2026

Maligayang Kaarawan! 🫡

Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay taos-pusong bumabati sa ating mga kawani na magdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Nobyembre.

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong sipag, malasakit, at patuloy na paglilingkod sa ating bayan. Nawa’y mapuno ng saya, tawanan, at mga biyaya ang inyong espesyal na araw.

Hangad namin ang patuloy ninyong tagumpay at kasiyahan sa lahat ng inyong gawain. ✨

𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa lahat ng pamilyang Angatenyo sa pa...
01/11/2026

𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗨𝗟𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲

Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa lahat ng pamilyang Angatenyo sa paggunita sa Undas. Hinihikayat ang bawat isa na pairalin ang disiplina, paggalang, at pakikiisa upang maging maayos, ligtas, at mapayapa ang pagdalaw sa mga sementeryo.

Sa araw na ito, alalahanin natin ang mga mahal sa buhay na nauna nang pumanaw at ipagpatuloy ang pagpapahalaga sa mga alaalang kanilang iniwan.

𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗖𝗗𝗖’𝗦 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗞 𝗢𝗥 𝗧𝗥𝗘𝗔𝗧: 𝗙𝗔𝗡𝗧𝗔𝗦𝗬𝗟𝗔𝗡𝗗𝗜𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲Matagumpay na naisagawa ang apat na araw na pagdiriwang ng Angat Child Dev...
31/10/2026

𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗖𝗗𝗖’𝗦 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗞 𝗢𝗥 𝗧𝗥𝗘𝗔𝗧: 𝗙𝗔𝗡𝗧𝗔𝗦𝗬𝗟𝗔𝗡𝗗𝗜𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲

Matagumpay na naisagawa ang apat na araw na pagdiriwang ng Angat Child Development Centers Trick or Treat: Fantasylandia 2026 na naghatid ng saya, tawanan, at makukulay na karanasan sa mga batang mag-aaral mula sa iba’t ibang Child Development Centers (CDCs) sa bayan ng Angat.

Sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Reynante S. Bautista, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Menchie M. Bollas kasama sina Mayora Lesslie T. Bautista, Neris Valeriano, Jowable Youth at iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan, naging makulay ang selebrasyon na ginanap mula Oktubre 26 hanggang 29, 2026 sa Angat New Municipal Hall Grounds.

Nakiisa sa pagdiriwang ang mga sumusunod na CDC:

Oktubre 26: Niugan I, Niugan II, Marungko, Sulucan I, Sulucan II at Taboc.

Oktubre 27: San Roque I, San Roque II, Sta. Cruz I, Sta. Cruz II, Sto. Cristo at Paltok.

Oktubre 28: Donacion, Pulong Yantok I, Pulong Yantok II, Encanto at Laog.

Oktubre 29: Banaban, Baybay, Binagbag I, Binagbag II, Sta. Lucia at NCDC.

Sa pamamagitan ng programang ito, muling naipamalas ng Pamahalaang Bayan ang patuloy na pagsuporta sa mga gawaing nagtataguyod ng kasiyahan, pagkamalikhain, at magandang karanasan para sa mga batang Angatenyo.

Isang makulay na pagdiriwang na puno ng masasayang alaala at ngiti sa bawat bata! 🎃

𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗜𝗧𝗨𝗡𝗧𝗨𝗡𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧Bilang bahagi ng paghahanda sa Undas 2026, nagl...
30/10/2026

𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗜𝗧𝗨𝗡𝗧𝗨𝗡𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧

Bilang bahagi ng paghahanda sa Undas 2026, naglabas ang Pamahalaang Bayan ng Angat ng Executive Order No. 64, Series of 2026, na naglalaman ng mga alituntuning dapat sundin ng publiko sa pagdalaw sa mga sementeryo mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2, 2026.

Kaugnay nito, pinapaalalahanan ang mga Angatenyo na sundin ang itinakdang oras ng pagdalaw, mga pasukan at paradahan, panatilihin ang kalinisan, at sumunod sa mga ipinagbabawal na gawain sa loob ng sementeryo.

Ang pakikiisa at disiplina ng bawat isa ay mahalaga upang maging ligtas, maayos, at mapayapa ang paggunita sa ating mga yumaong mahal sa buhay.

Maging responsable at makiisa para sa ligtas na Undas!

𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗟𝗜, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗔𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧Idinaos sa Bayan ng Angat ang buwanang pagpupulong ng mga miyem...
29/10/2026

𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗟𝗜, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗔𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧

Idinaos sa Bayan ng Angat ang buwanang pagpupulong ng mga miyembro at opisyal ng Bulacan Market Administration League, Inc. (BUMALI), sa pangunguna ni Market Master Engr. Lauro DC. Sarmiento.

Naging bahagi ng pagtitipon ang pagpapatibay ng ugnayan ng mga namamahala sa mga Pamilihang Bayan at Lungsod sa Lalawigan ng Bulacan, gayundin ang pagsusulong ng sama-samang pagsisikap para sa higit na maayos at mahusay na pangangasiwa sa mga pamilihan.

Patuloy na isinusulong ng mga kinauukulang tanggapan ang pagtutulungan at pagbabahaginan ng kaalaman upang mapahusay ang pamamahala sa mga pampublikong pamilihan at mapaglingkuran nang maayos ang mga mamimili at mangangalakal.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa mga kinatawan mula sa iba't ibang bayan at lungsod na nakiisa at dumalo sa nasabing pagpupulong.

𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗨𝗡𝗟𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗦𝗘𝗡𝗧𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗟𝗦𝗕Isinagawa sa Municipal Conference Hall ang pagpupul...
28/10/2026

𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗨𝗡𝗟𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗘𝗗𝗨𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗦𝗘𝗡𝗧𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗟𝗦𝗕

Isinagawa sa Municipal Conference Hall ang pagpupulong ng Local School Board (LSB) sa pangunguna ni Tagamasid Pampurok Dr. Guillermo Flores, kasama si Punong Bayan Reynante S. Bautista, Konsehal Luis J. Santiago, at iba pang mga miyembro ng Lupon.

Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang ulat sa paggamit ng pondo para sa ikatlong kwarter, estado ng mga pagkukumpuni sa FFIES at BNHS, at mga programang isinagawa sa ilalim ng LSB Fund. Tinalakay rin ang mga paghahanda para sa pagho-host ng EDDIS VI 2026 Athletic Meet at Division School Press Conference, gayundin ang paghahanda ng badyet para sa taong 2027, BSP Award, at iba pang mahahalagang usapin.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Local School Board, ang maayos na pamamahala ng pondo at pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapabuti ang mga pasilidad, suportahan ang mga g**o, at maiangat ang kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral ng Angat.

Address

Angat, Bulacan
San Roque
3012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Government of Angat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Government of Angat:

Shortcuts

Share

Nearby government services