27/10/2026
Bakit tumataas ang dolyar vs peso?
May mga numerong sumasalamin sa performance ng pamahalaan at ang mga numerong ito ay hindi nagsisnungaling at nagpapahayag kung talagang may malasakit sa taumbayan o ang mga namamhala mismo ang nagpapahirap sa taumbayan.
Pag kulang ang supply at mataas ang demand ng isang commodity, tumataas ang presyo nito.
Kaya tumataas ang presyo ng dolyar laban sa peso ay dahil kulang na ang suppy nito.
Saan nanggaling ang supply ng dolyar?
Iito ay galing sa bayad sa pag EXPORT ng mga produkto galing pilipinas na binebenta natin palabas ng bansa.
Ito ay galing sa mga OFW REMITTANCE kapalit ng services ng mga mangagawang Pilipino katulad ng OFW, seaman atbp, na naisagawa para sa mga dayuhan
Ito ay galing sa mga FOREIGN DIRECT INVESTMENT(FDI) ng mga dayuhang negosyante na namumuhunan sa bansa.
Ito ay galing sa mga FOREIGN LOANS galing sa ibang bansa na inutang ng Pilipinas para sa inprastraktura at mga proyekyo at serbisyo ng pamahalaan.
Ibig sabihin, mababa ang output ng manufacturing sector ng mga produkto na pang export dahil sa pagmahal ng manufacturing inputs (fuel, raw materials, labor cost, transportatiin cost, taxes, etc.)
Humina o bumaba ang OFW remittance marahil sa mga nawalan ng trabaho na apektado ng krisis o gyera sa ibat ibang parte ng mundo
Bumaba o humina ang FDI dahil sa kawalan ng kumpyansa ng mga mamumuhunan sa bansa dahil sa malawakang kurapsyon, peace and order at seguridad ng mga kontrata.
Wala ng nagpapautang dahil sa pagbaba ng credit rating at malawakang kurapsyon.
Hindi nagsisinungaling ang mga numero na may kinalaman sa ekonomiya. At ang mga numerong ito ang sumasalamin o indikasyon kung maayos o hindi maayos ang mga namamhala ng pamahalaan.
Ito ring mga numerong ito ang sumasalamin kung ang pamahalaan ay talagang may malasakit sa taumbayan o ang mga namamhala mismo ang nagpapahirap sa taymbayan.
Nasaan na ang mga nanumpa ng “To Serve and Protect” and “Protecting the People, Securing the State." para sa mga Pilipino at laban sa mga magnanakaw at abusado na kawani ng pamahalaan, mga kriminal at terrorista.
Hindi ang mga Pilipinong pumupuna sa mga tiwali sa pamahalaan ang kalaban!