Team Pao Gonzales

Team Pao Gonzales

Share

Ang page na ito ay ang official page ng Samahan ng Kabataang Katuparan.

Photos from Sangguniang Kabataan - Barangay Katuparan 's post 06/05/2026
22/04/2026
Photos from Team Pao Gonzales's post 07/04/2026

Sa bawat pasada, may pamilyang umaasa. Sa bawat biyahe, may pangarap na binubuhay!

Ngunit sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, unti-unting nabibigatan ang ating mga tsuper—mga tricycle, jeepney, taxi, at bus drivers—na araw-araw ay nagsasakripisyo upang maihatid tayo nang ligtas sa ating mga paroroonan.

Ngayon, panahon naman natin para sila ang alalayan.

Ang TSUPER PANTRY, na pinangungunahan ng SK Katuparan katuwang ang The Coalition of the Youth for Development (TCYD) ay isang munting hakbang ng malasakit upang maibsan ang kanilang dinaranas sa gitna ng energy crisis.

Kami po ay kumakatok sa inyong mga puso upang magbahagi ng kahit kaunti—mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, gulay, prutas, hygiene kits, at iba pa. Ang bawat donasyon ay hindi lamang tulong, kundi pag-asa na muling magpapatuloy sa kanilang biyahe sa buhay.

Hindi man natin kayang punuin ang kanilang tangke, kaya naman nating punuin ang kanilang mga puso.

Magkaisa tayo. Magdamayan tayo. Para sa ating mga TSUPER—mga tunay na bayani ng kalsada!🛵❤️ 🛣️🚖



Want your business to be the top-listed Government Service in Taguig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Barangay Katuparan
Taguig
1630