31/05/2026
Bakunanay, 1 tulog na lang!
Siguraduhing ligtas at protektado ang inyong mga anak na may edad 6 hanggang 59 buwan laban sa tigdas at rubella. Makiisa sa malawakang pagbabakuna ngayong darating na Hunyo at magpunta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
Sama-sama nating protektahan ang bawat bata gamit ang bakunang epektibo at ligtasโsiguradong todas ang tigdas!
31/05/2026
๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐ง, ๐ฆ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐ฅ๐
๐ ๐จ๐ง๐ฌ๐ ๐ก๐ ๐ก๐๐ช ๐๐ข๐ช๐๐ฅ ๐๐๐๐จ๐ง๐๐ก ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Sa ngalan ng buong Barangay New Lower Bicutan, taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa iyo, Sara!
Salamat sa tapang, galing, at puso na ipinamalas mo sa ginanap na Mutya ng Taguig 2026. Bitbit mo hindi lang ang pangalan mo, kundi ang buong karangalan, kagandahan, at diwa ng bawat isa sa New Lower Bicutan.
Buong barangay ang humanga, sumuporta, at nagmamalaki saโyo mula day 1 hanggang coronation night. Ang iyong daang binagtas ay inspirasyon sa lahat ng kababaihan ng New Lower Bicutan na mangarap at manindigan.
Sara, salamat sa pag-representa at pag-angat sa pangalan ng New Lower Bicutan. Ikaw ang aming Mutya!
(c) Carlos John Dela Cruz, Barangay PIO and Creatives Team
30/05/2026
๐๐๐ฃ๐ฃ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐ฌ,
๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐ง๐ฅ๐๐๐ฆ๐จ๐ฅ๐๐ฅ ๐๐๐ ๐ ๐๐ข๐ฌ ๐. ๐๐๐ง๐ข๐ก
๐ ๐๐ฌ ๐ฏ๐ญ
Maligayang Kaarawan sa ating masipag at mapagkakatiwalaang Barangay Treasurer,
๐๐๐ ๐ ๐๐ข๐ฌ ๐. ๐๐๐ง๐ข๐ก!
Maraming salamat sa tapat at maayos na pangangasiwa sa pondo ng barangay para sa kapakanan ng bawat residente. Ang inyong dedikasyon at integridad ay malaking inspirasyon sa amin.
Nawaโy pagpalain kayo ng Diyos ng mahabang buhay, mabuting kalusugan, at patuloy na karunungan.
Muli, Happy Birthday Treas. Fame!
30/05/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก,
๐๐ข๐ก๐ฆ๐๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐๐๐ "๐ง๐๐๐๐ข๐ฌ" ๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ก๐ข
๐ด๐ง๐ ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐, ๐๐๐ง๐ฌ ๐ข๐ ๐ง๐๐๐จ๐๐
Maligayang Kaarawan, Konsehal Tikboy Marcelino!
Sa ngalan ng buong Barangay New Lower Bicutan at ng lahat ng Taguigeรฑo, bumabati kami ng isang makabuluhan at masayang kaarawan sa inyo.
Maraming salamat po sa inyong tapat na paglilingkod, malasakit, at walang sawang pagsuporta sa mga programa para sa kabuhayan, kalusugan, at kapayapaan ng ating lungsod. Ang inyong sipag at dedikasyon sa serbisyo publiko ay tunay na inspirasyon sa amin.
Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, lakas ng katawan, at karunungan sa lahat ng inyong mga desisyon para sa ikabubuti ng Taguig. Nawaโy maging masaya, masagana, at mas makahulugan pa ang taon na ito para sa inyo at sa inyong pamilya.
Mabuhay kayo, Konsehal Tikboy! Patuloy kaming susuporta sa inyo at sa inyong adhikain para sa mas maunlad na Taguig.
Happy Birthday po at Mabuhay kayo!
30/05/2026
๐ ๐จ๐ง๐ฌ๐ ๐ก๐ ๐ง๐๐๐จ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ |
๐๐ข๐ฅ๐ข๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ก๐๐๐๐ง โ ๐ ๐๐ฌ ๐ฏ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐ง๐๐จ ๐๐จ๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐จ๐
Barangay New Lower Bicutan, halinaโt suportahan ang ating opisyal na kandidata para sa Mutya ng Taguig 2026 โ Sara Deiri sa Coronation Night na gaganapin sa May 30, 2026, Sabado, 7:00 PM sa Taguig City University Auditorium.
Ipakita natin ang buong suporta at pagmamalaki ng New Lower Bicutan! Ang inyong hiyaw, palakpak, at presensya ang magbibigay lakas kay Sara habang bitbit niya ang pangalan ng ating barangay sa entablado.
Sama-sama nating patunayan na ang New Lower Bicutan ay nagkakaisa at laging handang itaguyod ang ating kinatawan.
NLB: No Limits, Boundless BEAUTY! SARA DEIRI!
(c) Carlos John Dela Cruz and Kymli Ayezshia Orquiola, Barangay PIO and Creatives Team
29/05/2026
To change the standards of beauty โ stop bullying and body shaming. Pluz size can be a crown, plus size women are more than just being BIG.
โ SARA DEIRI, Mutya ng New Lower Bicutan 2026
28/05/2026
๐ ๐ข๐๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐ง๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก
๐ ๐๐ฌ ๐ฎ๐ฏ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Matagumpay na naisagawa ang Mobile Birth Registration sa ating Barangay noong May 23, 2026 na at naitala ang 203 benepisyaryo at lubos nating pinapasalamatan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pamamagitan ng City Civil Registry - City of Taguig sa kanilang paunlak sa imbitasyon ng ating Committee Chairman on Education and Human Rights na si Kagawad Teacher Aldrin Fermin na isagawa sa Barangay New Lower Bicutan ang MBR sapagkat bilang Committee Chairman ay batid nya ang pangunahing pangangailangan sa pagtapak sa daycare at kinder ay birth certificate, kung kaya't inilapit na nya sa ating nasasakupan ang serbisyo.
Bukod pa rito ay ipinagpasalamat rin ng ating Punong Barangay Kapitan Papa Jun Rafael, Jr. Sa PhilSys dahil maliban sa Free Late Birth Registration ay nagkaroon rin ng rehistro ng national ID at iba pang usapin patungkol sa birth certificate o civil registry documents.
Nagpapasalamat rin tayo kay Barangay Secretary August R. Echano, Barangay Treasurer Fame Gemini Fame Joy Biton at Barangay Administrator Mel Montajes na mga kapwa naging punong abala sa nasabing gawain.
MALAKI MAN ANG HAMON, HIGIT NA MATIBAY ANG DETERMINASYON KUNG KAYA'T PATULOY TAYONG SUSULONG!
28/05/2026
๐๐๐๐ ๐ฅ๐๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐ก๐ฌ
๐ ๐๐ฌ ๐ญ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Matagumpay na isinagawa ang flag raising ceremony noong May 18, 2026 na pinangunahan ng ating BHW bilang pakikiisa sa Cervical Cancer Awareness Month. Nagkaroon rin ng pag-uulat ng mga kaganapan, proyekto at plano ang ating ika-limang konseho. Ipinakilala rin ng ating Committee Chairperson on Health and Nutrition na si Kagawad ATE CESS BAYAN ang mga kasamahan sa MCGI (the Members Church God International) bilang magiging kaagapay ng ating pamahalaang barangay sa ilang proyektong isasagawa sa ating nasasakupan partikular sa komiteng nabanggit.
Nagpasalamat ang ating Punong Barangay Kapitan Papa Jun Rafael, Jr. sa mga biyayang katulad nito na magiging kaagapay natin sa ilang proyektong isasagawa sa Barangay New Lower Bicutan.
28/05/2026
๐ ๐จ๐ง๐ฌ๐ ๐ก๐ ๐ง๐๐๐จ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ |
๐๐ข๐ฅ๐ข๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ก๐๐๐๐ง โ ๐ ๐๐ฌ ๐ฏ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐ง๐๐จ ๐๐จ๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐จ๐
Barangay New Lower Bicutan, halinaโt suportahan ang ating opisyal na kandidata para sa Mutya ng Taguig 2026 โ Sara Deiri sa Coronation Night na gaganapin sa May 30, 2026, Sabado, 7:00 PM sa Taguig City University Auditorium.
Ipakita natin ang buong suporta at pagmamalaki ng New Lower Bicutan! Ang inyong hiyaw, palakpak, at presensya ang magbibigay lakas kay Sara habang bitbit niya ang pangalan ng ating barangay sa entablado.
Sama-sama nating patunayan na ang New Lower Bicutan ay nagkakaisa at laging handang itaguyod ang ating kinatawan.
NLB: No Limits, Boundless BEAUTY! SARA DEIRI!
(c) Carlos John Dela Cruz, Barangay PIO and Creatives Team