Barangay Paradahan 1 Page

Call Directions

Barangay Paradahan 1 Page Pamahalaan ng Barangay Paradahan 1

28/10/2026

📢 ANNOUNCEMENT TO ALL SENIOR CITIZENS

BARANGAY PARADAHAN 1, TANZA, CAVITE

Please be informed that the following Senior Citizen IDs are AVAILABLE FOR CLAIMING AT THE BARANGAY HALL.

📋 LIST OF SENIOR CITIZENS

1. ELISA SABARIA VALLE
2. FRANCISCO DACUT YAMUGAN
3. TEODORA DIAZ SITOY
4. CAYETANA BALANSAG LOMOTAC
5. THELMA CORPUS MARABUT
6. ENRIQUE MERCADO MARABUT
7. MILAGROS CADDAUAN CAJES
8. EXPEDITA MATOS BANTILAN
9. REGINA SANDOVAL MANGONON
10. GREGORIO MIRA SORILLA JR.
11. MARIFE FUEDO PAGWAGAN
12. MARILOU VISTA SOLARES
13. JULIET CADAHING LUNA
14. GLORIA MEDINA BINAG
15. MA. MELISSA ALOTA CUEVA
16. JESUS IBARRA CASTRO
17. JUANITO CUNANAN MANALO JR.
18. TESIA NEBRES MILLAMINA
19. LORNA REBECHE GANNABAN

📍 WHERE: Barangay Hall, Barangay Paradahan 1, Tanza, Cavite

📌 PAALALA: Mangyaring magtungo sa Barangay Hall upang kunin ang inyong Senior Citizen ID.

Maraming salamat po!

Serbisyo at Malasakit! 💚


🏆🎉 CONGRATULATIONS, SANGGUNIANG KABATAAN NG PARADAHAN 1! 🎉🏆Isang taos-pusong pagbati sa ating Sangguniang Kabataan ng Ba...
26/10/2026

🏆🎉 CONGRATULATIONS, SANGGUNIANG KABATAAN NG PARADAHAN 1! 🎉🏆

Isang taos-pusong pagbati sa ating Sangguniang Kabataan ng Barangay Paradahan 1, sa pangunguna ni SK Chairperson Mary Claire Vana, kasama ang lahat ng SK Kagawad, para sa matagumpay na pagdaraos ng GAWAD PARANGAL 2026! 👏✨

Pagbati rin sa lahat ng ating mga awardees na kinilala dahil sa kanilang pagsisikap, dedikasyon, talento, at mga tagumpay. Ang inyong mga natanggap na parangal ay patunay na ang sipag, tiyaga, at determinasyon ay may magandang bunga. Nawa'y magsilbi kayong inspirasyon sa kapwa kabataan na patuloy na mangarap, magsikap, at abutin ang kanilang mga mithiin. 🌟

Isang espesyal na pagbati at pasasalamat din sa mga magulang ng ating mga awardees, na patuloy na gumagabay, sumusuporta, at nagbibigay-inspirasyon sa kanilang mga anak. Kayo ay mahalagang bahagi ng bawat tagumpay na kanilang nakakamit. ❤️

Hindi rin natin kalilimutan ang lahat ng mga taong naging bahagi at nasa likod ng matagumpay na programang ito. Maraming salamat sa inyong oras, dedikasyon, at sama-samang pagkilos upang maging makabuluhan at matagumpay ang Gawad Parangal 2026.

Mula sa Pamahalaang Barangay ng Paradahan 1, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Allan M. Gumbayan Sr., kasama ang lahat ng ating mga Barangay Kagawad at opisyal, taos-puso kaming bumabati at nagpapasalamat sa inyong lahat!

Patuloy nating suportahan ang ating mga kabataan, sapagkat sila ang pag-asa ng ating komunidad at mga susunod na lider ng ating bayan. Sama-sama nating kilalanin ang kanilang kakayahan, pagyamanin ang kanilang mga talento, at bigyang-halaga ang bawat tagumpay na kanilang nakakamit. 💚💛

Mabuhay ang Sangguniang Kabataan ng Paradahan 1! Mabuhay ang ating mga kabataan!

Serbisyo at Malasakit para sa Kabataan at sa Buong Komunidad! 🤝





📢 BARANGAY ASSEMBLY DAY – 2ND SEMESTER, CY 2026BARANGAY PARADAHAN 1, TANZA, CAVITE“Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usap...
25/10/2026

📢 BARANGAY ASSEMBLY DAY – 2ND SEMESTER, CY 2026
BARANGAY PARADAHAN 1, TANZA, CAVITE

“Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad!”

MAHALAGA ANG BAWAT TINIG. MAHALAGA ANG PAKIKIISA! 🇵🇭

Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng nakiisa at dumalo sa ating Barangay Assembly Day – 2nd Semester, CY 2026, na ginanap noong Oktubre 24, 2026, ganap na alas-3:00 ng hapon sa Paradahan 1 Covered Court, Tanza, Cavite.

🏘️ BAKIT MAHALAGA ANG BARANGAY ASSEMBLY?

Ang Barangay Assembly ay hindi lamang isang simpleng pagtitipon. Ito ay mahalagang pagkakataon upang maipabatid sa ating mga kababayan ang mga proyekto, programa, aktibidad, nagawa, plano, at prayoridad ng ating barangay.

Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat mamamayan na malaman ang mga serbisyong ipinagkakaloob, mga proyektong naipatupad at kasalukuyang isinasagawa, mga programang nakalaan para sa komunidad, at mga hakbang tungo sa patuloy na pag-unlad ng Barangay Paradahan 1.

Ito rin ay isang mahalagang pagkakataon para sa bawat residente na magtanong, magbigay ng mungkahi, magpahayag ng saloobin, at makibahagi sa pagtalakay ng mga usaping may direktang epekto sa kanilang pamilya at pamayanan.

Bilang inyong Punong Barangay, naniniwala po ako na ang maayos at tapat na pamamahala ay nagsisimula sa bukas na komunikasyon, malinaw na pagbibigay ng impormasyon, pakikinig sa hinaing ng mamamayan, at sama-samang paghahanap ng solusyon.

Dahil ang barangay ay hindi lamang pinamumunuan ng mga opisyal. Ito ay binubuo ng bawat mamamayang may karapatang malaman, makilahok, magpahayag, at makibahagi sa pag-unlad ng ating komunidad.

🙏 TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA ATING MGA PANAUHIN AT TAGAPAGSALITA!

Maraming salamat po sa inyong mahalagang presensya, kaalaman, mga paalala, at mensaheng nagbigay-gabay sa ating komunidad:

🔹 Christopher C. Montoya – Provincial DILG Officer
🔹 Janica Zadra V. Mendoza – DILG MLGOO, Tanza

DILG Staff – Tanza:
Irvin Rasa
Sheila Joy J. Sortijas
Daisy Beth A. Borres
Apple Anne M. Nario

Maraming salamat po sa inyong patuloy na paggabay at pakikiisa sa pagsusulong ng mabuting pamamahala, kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng ating pamayanan.

💚 MARAMING SALAMAT SA BUONG PARADAHAN 1 COMMUNITY!

Taos-puso rin po akong nagpapasalamat sa ating mga Barangay Kagawad, SK Chairwoman, Department Heads, Barangay Staff, Barangay Tanod, HOA Officers, volunteers, mga kinatawan ng paaralan, senior citizens, 4Ps beneficiaries, solo parents, PWDs, mga kinatawan ng mga relihiyosong grupo, mga lider ng komunidad, at sa lahat ng residente at kababayang naglaan ng oras upang dumalo at makiisa.

Ang inyong presensya at aktibong pakikilahok ay patunay na kapag nagkakaisa ang mamamayan at mga lingkod-bayan, mas nagiging makabuluhan ang bawat talakayan at mas tumitibay ang pundasyon ng isang maayos, ligtas, at maunlad na pamayanan.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat!

Patuloy po tayong magkaisa, magtulungan, at magmalasakit para sa ikabubuti ng bawat pamilya at ng buong Barangay Paradahan 1.

Sama-sama nating itaguyod ang isang barangay na may bukas na pamamahala, aktibong mamamayan, at serbisyong tunay na nararamdaman ng bawat isa.

SERBISYO AT MALASAKIT PARA SA LAHAT! 💚🤝

HON. ALLAN M. GUMBAYAN SR.
Punong Barangay
Barangay Paradahan 1, Tanza, Cavite





TAYO NA SA BARANGAY ASSEMBLY💚💚💚Bukas na po yan mga ka Barangay,Ang lahat ay inaanyayahan na dumalo.When:October 24,2026 ...
23/10/2026

TAYO NA SA BARANGAY ASSEMBLY💚💚💚

Bukas na po yan mga ka Barangay,Ang lahat ay inaanyayahan na dumalo.

When:October 24,2026 (Saturday)
Time: 3:00pm
Venue: Covered Court Annex

Kita kits po tayo bukas mga ka Barangay!💚💚💚
PARADAHAN UNO


22/10/2026
Taos Pusong pasalamat sa ating butihing ama ng bayan ng Tanza MAYOR SM MATRO sa inyong Malasakit sa pagpapagamot sa isa ...
17/10/2026

Taos Pusong pasalamat sa ating butihing ama ng bayan ng Tanza MAYOR SM MATRO sa inyong Malasakit sa pagpapagamot sa isa naming ka Barangay na si kuya ROUEL SORIANO PANELA na taga Paradahan 1.
Nagpapasalamat po ang aming Punong Barangay Kap Allan Gumbayan at sangguniang barangay sa agarang pagsuporta ng mga butihing kapitbahay na syang tumayong Pamilya ni Kuya Rouel .
Tunay na walang pinipili ang tapat na SERBISYO MALASAKIT saan mang Lugar sa Tanza.
Bawat pagsubok may solusyon,WALANG TANZEÑO na MAG-IISA sa bayan ng TANZA.
Tayo ay MAGKAKAPAMILYA



BAGONG PILIPINAS PRESIDENTIAL SCHOLARMagandang araw mga kaBarangay!Eto po ang ating  FINAL LIST OF BENEFICIARIES ng Bago...
14/10/2026

BAGONG PILIPINAS PRESIDENTIAL SCHOLAR

Magandang araw mga kaBarangay!
Eto po ang ating FINAL LIST OF BENEFICIARIES ng Bagong Pilipinas Presidential Scholar mula sa ating barangay.

📌 Mahalagang Paalala:
Ang mga pangalan na nasa listahan ay kusang-loob na nagtungo sa ating barangay upang magpalista at magsumite ng kinakailangang impormasyon at dokumento. Nililinaw rin po natin na wala pong personal na koneksyon o rekomendasyon ang ating Punong Barangay at ang mga Kagawad sa pagpili o pagkakasama ng mga benepisyaryo.

Ang programang ito ay para sa ating mga kabataang nangangarap at nagsusumikap para sa kanilang kinabukasan. Walang palakasan—serbisyo, transparency, at patas na pagkakataon para sa lahat.

PARA SA MGA NASA LISTAHAN:
Mangyari lamang po na maghintay sa opisyal na tawag o abiso mula sa ating Barangay. Huwag munang pumunta o magsagawa ng anumang hakbang hangga't wala pang opisyal na abiso mula sa Barangay. Magbibigay po tayo ng kaukulang impormasyon tungkol sa susunod na proseso, schedule, at iba pang kinakailangang dokumento, kung mayroon man.

13/10/2026

📢 ATTENTION, MGA KABARANGAY! 📢

SENIOR CITIZENS FOR NATIONAL VALIDATION

Sa mga sumusunod po nating Senior Citizens na kailangang sumailalim sa validation ng National Government para sa kanilang mga benepisyo, mangyari po lamang na makipag-ugnayan agad sa Barangay Hall.

Note: Ito po ay hindi si barangay ang pumili, galing po ito sa national, pinapapost lang po ito para sa agarang coordination.

📌 LISTAHAN NG MGA KAILANGANG MAGPA-VALIDATE:

1. MARIA VISITASION SANTOS MANCILLA – For Validation (Nusa Dua)
2. SANDRA FRANCISCO PEDREJAS – For Validation (Belvedere)
3. PILAGIA D. PONSONES – For Validation (Belvedere)
4. BERNARDINA BONGELOS RAMOS – For Validation/Registration (Ciudad Verde)

⏰ MAHALAGANG PAALALA:
Hanggang BUKAS NG UMAGA LAMANG PO ang palugit para sa pakikipag-ugnayan sa ating Barangay Hall.

Hinihiling po namin ang agarang pakikipag-coordinate ng mga nabanggit na Senior Citizens o ng kanilang mga kapamilya upang hindi maantala ang proseso ng validation at ang pagtanggap ng kanilang mga benepisyo.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang-unawa!

💚 Serbisyo at Malasakit para sa ating mga Kabarangay!


Magandang Araw mga kaBarangay!𝐋𝐄𝐓 𝐔𝐒 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐎𝐔𝐑 𝐂𝐀𝐍𝐃𝐈𝐃𝐀𝐓𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐌𝐈𝐒𝐒 𝐓𝐄𝐄𝐍 𝐓𝐀𝐍𝐙𝐀 𝐓𝐎𝐔𝐑𝐈𝐒𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔!👑𝗠𝘀. 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀  𝐋𝐈𝐒𝐀 B𝐀𝐑𝐓𝐎𝐋𝐈𝐍𝐈
13/10/2026

Magandang Araw mga kaBarangay!

𝐋𝐄𝐓 𝐔𝐒 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐎𝐔𝐑 𝐂𝐀𝐍𝐃𝐈𝐃𝐀𝐓𝐄 𝐅𝐎𝐑 𝐌𝐈𝐒𝐒 𝐓𝐄𝐄𝐍 𝐓𝐀𝐍𝐙𝐀 𝐓𝐎𝐔𝐑𝐈𝐒𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟔!👑
𝗠𝘀. 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐋𝐈𝐒𝐀 B𝐀𝐑𝐓𝐎𝐋𝐈𝐍𝐈

📢💚 PAANYAYA SA LAHAT NG KABARANGAY! 💚📢Ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Paradahan 1, Tanza, Cavite ay buong-pusong na...
12/10/2026

📢💚 PAANYAYA SA LAHAT NG KABARANGAY! 💚📢

Ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Paradahan 1, Tanza, Cavite ay buong-pusong nag-aanyaya sa lahat ng residente na dumalo at makiisa sa ating BARANGAY ASSEMBLY DAY – 2nd Semester, CY 2026! 🇵🇭

📅 Petsa: Oktubre 24, 2026 (Sabado)
🕐 Oras ng Registration: 1:00 PM
🕒 Simula ng Programa: 3:00 PM
📍 Lugar: Barangay Paradahan 1 Covered Court

✨ TEMA:
“Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”

Ito po ay isang mahalagang pagkakataon upang sama-sama nating talakayin ang mga programa, proyekto, accomplishments, at mga plano ng ating pamahalaang barangay para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

Ang inyong pakikiisa, mungkahi, at aktibong pakikilahok ay mahalaga upang mas mapabuti pa natin ang serbisyong ipinagkakaloob sa bawat pamilyang Paradaheno.

💚 Kaya naman, hinihikayat po ang lahat na makilahok at maging bahagi ng makabuluhang talakayan para sa ikauunlad ng ating barangay!

🤝 Sama-sama nating isulong ang isang maunlad, mapayapa, maayos, at nagkakaisang Barangay Paradahan 1!

📣 Kita-kits po tayo, mga ka-barangay!

Serbisyo at Malasakit para sa bawat Kabarangay! 💚




Address

Paradahan 1
Tanza
4108

Telephone

+63464190030

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Paradahan 1 Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services