San Roque Viga Barangay Official

Directions

San Roque Viga Barangay Official A barangay that believes in God’s Power

05/11/2026

💰𝐒𝐀𝐕𝐄 𝐍𝐎𝐖! 𝐑𝐞𝐚𝐥 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐫𝐭𝐲 𝐓𝐚𝐱 𝐃𝐢𝐬𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭𝐬 💰

Magbayad ng inyong Real Property Tax nang advance para sa 20% discount, hanggang December 31, 2026! Para sa January 1 to March 31, 2027, may 10% discount para sa prompt payment.

🎁 Bonus: Kapag nagbayad ka online at nakatanggap ng eOR, may kasama ka na sa eOR Raffle Promo. Bawat eOR ay isang (1) raffle entry para manalo hanggang ₱10,000! Live raffle draw sa February 1, 2027 sa MTO Viga Page.

Year 2027: Pay Early, Save More!

📞 0966 875 9663
🌐 vigacatanduanes.gov.ph

05/11/2026
NewWeeklyBarkadaReport1.Name of Barangay: San Roque2.Date of clean-up drive: November 02, 20263.Clean-up sites: Purok 3 ...
05/11/2026

NewWeeklyBarkadaReport

1.Name of Barangay: San Roque
2.Date of clean-up drive: November 02, 2026
3.Clean-up sites: Purok 3 (near school zone)
4. Total Volume of waste collected: 30kg.
5.Total Participants: BOs (7) + SK (0) + CSO (0) + Public (0) = 7
6. Total BOs elected(1)+ appointed (6) = 7
7. CSO(0), Public (0)







📢PABATID SA PUBLIKO📢Ipinababatid po ng Pamahalaang Barangay ng San Roque, Viga, Catanduanes sa lahat ng mamamayan Ang op...
05/11/2026

📢PABATID SA PUBLIKO📢

Ipinababatid po ng Pamahalaang Barangay ng San Roque, Viga, Catanduanes sa lahat ng mamamayan Ang opisyal na listahan ng limang (5) napiling benepisyaryo ng BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG PROGRAM- Bagong Pilipinas Barangay Scholars (Finisher Fund) para sa school year 2026-2027.

Ang final na pagpili sa limang (5) benepisyaryo ay isinagawa at tinalakay sa Regular Session ng Sangguniang Barangay noong Nobyembre 01, 2026(Linggo ng 9:00 AM), alinsunod sa itinakdang pamantayan at alituntunin ng programa.

Narito ang Opisyal na listahan ng mga napiling Benepisyaryo:

1. ROLDAN OCAN - BS Agriculture
2. CRYSTAL JOY O. SEGISMUNDO - BS Agriculture (General Curriculum)
3. NIÑO P. OMANAD - BS Agriculture(Crop Science)
4.RICHARD T. DE LUNA - BS Criminology
5.JESSICA O. TONGAC- BS Agriculture ( Animal Husbandry)

Ngayong Araw ng Nobyembre 05, 2026 itinakda at isinagawa ang pamamahagi ng tulong-pimansyal na nagkakahalaga ng P20,000.00 bawat beneficiary scholar o kabuuang P 100,000.00 para sa limang piling iskolar.

🎓ISANG MAHALAGANG PAALALA SA ATING MGA ISKOLAR!

Ang pondong ito ay tinatawag na finisher fund sapagkat layunin nintong matulungan kayong maabot ang pagtatapos na yugto ng inyong pag-aaral sa kolehiyo.

Gamitin nang wasto at responsible Ang inyong natanggap na tulong. Huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga pagsubok.

Ipagpatuloy ang inyong pag-aaral ng may sipag, tiyaga at determinasyon.

Tandaan na Ang pagkakataong ito ay Hindi lamang tulong-pinansyal kundi Isang tiwala at pag-asa para sa inyong kinabukasan.

ANG HANGARIN NG PAMAHALAAN AY HINDI LAMANG MAKATULONG SA INYONG PAG-AARAL KUNDI MAKITA KAYONG MAKAPAGTAPOS AT MAGTAGUMPAY!

Mula rin sa Pamahalaang Barangay ng SAN ROQUE, hangad namin ang inyong tagumpay. Nawa'y maging inspirasyon kayo sa iba pang Kabataan ng ating pamayanan.

MANGARAP, MAGSIKAP, MAGTAPOS!








📢2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY 2026📍Barangay San Roque, Municipality of Viga,Catanduanes.Matagumpay na isinagawa ng Bar...
31/10/2026

📢2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY 2026📍Barangay San Roque, Municipality of Viga,Catanduanes.

Matagumpay na isinagawa ng Barangay San Roque Ang 2nd Semester Barangay Assembly 2026, na naglalayong magbigay ng ulat sa mga programa , proyekto, at aktibidad ng Barangay Council, gayundin Ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magpahayag ng kanilang mga hinaing, suggestion, at katanungan para sa ikauunlad ng ating Komunidad.

Kabilang sa mga mahahalagang usapin g natalakay at naging bahagi ng talakayan ang mga simusunod:

🌾Agrikultura- Pagbibigay linaw sa kalidad at kondisyon ng mga ipinamamahaging agricultural inputs at mga kwalipikasyon at pamantayan sa pagpaparehistro sa Registry System for Basic Sectore in Agriculture (RSBSA), particular sa mga iba pang pinagkakakitaan o trabaho. Gayundin ang pagbibigay ng maagang komunikasyon sa Committee on Agriculture sakaling may mga kailangang ipabatid patungkol sa agrikultura.

❤️ Kalusugan - Nai concern Ang pagbibigay pansin sa Maintenance Medicines particular para sa Senior Citizens.

KABATAAN - Paglilinaw sa SK Ang tungkol sa Infrastructure projects kung ito ay kabilang pa sa kanilang programa particular ang pagsasaayos ng Barangay Plaza para sa kapakanan ng Kabataan..

🛡️ PEACE AND ORDER - Nagbigay din ng message of support at paalala Ang kinatawan Mula sa Municipal Police Station (MPS)tungkol sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamayanan. Binigyan diin Ang aktibong pakikiisa ng bawat mamamayan, pagsunod sa mga batas at ordinanasa at paggiging responsible upang maiwasan Ang anumang kaguluhan at mapanatili Ang Isang ligtas at mapayapang komunidad.

🔥 FIRE SAFETY AND PREVENTION -

Nagbahagi rin ng mahalagang paalala at kaalaman Ang Bureau of Fire Protection (BFP) tungkol sa fire safety, pag-iwas sa sunog, at kahalagahan ng pagiging handa sa Oras ng sunog.

Ngbigay din ng Message of Support Ang Pamunuan ng San Roque Elementary School at kahalagahan ng pagkakaisa Lalo na sa ngalan ng Edukasyon.

Bilang ng mga Dumalo
* Total Attendance: 106
Male= 32
Female= 74
Non-Binary= 0

Pasasalamat at Pagkilala

Taos puso po Ang aming pasasalamat sa mga panauhing bisita at kinatawan Mula sa Municipal Police Station(MPS), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Agriculture Office, San Roque Elementary School at sa iba pang ahensya na Hindi man nakadalo ay siguradong naka suporta sa mga Programa ng Barangay.

Maraming salamat po sa inyong Oras , kaalaman, mahahalagang impormasyon at pakikiisa sa ating 2nd Sem Barangay Assembly. Malaking tulong Ang inyong pagbabahagi upang Higit na mapalawak Ang kaalaman at kamalayan ng ating mga kabarangay sa usaping pangkaligtasan, kapayapaan at kaayusan, agrikultura at Serbisyong pampubliko.

Ang Barangay Assembly at Hindi lamang Isang pagtitipon kundi Isang mahahalagang pagkakataon upang mapalakas Ang transparency, accountability, at aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan sa pamamahala ng Barangay.

Maraming salamat din sa lahat ng mga residente na dumalo, nakilahok, nagbahagi ng kanilang mga saluobin at patuloy na sumusuporta sa mga programa ng ating Barangay Council.

"Sama-sama sa talakayan, sama-sama sa Pagkilos, tungo sa Isang malinis, maayos, ligtas , mapayapa at maunlad na Barangay San Roque!❤️



Jennifer Cabangon  Alvarez Aiko Vicente Templonuevo
30/10/2026

Jennifer Cabangon Alvarez
Aiko Vicente Templonuevo

WeeklyBarkadaReport1.Name of Barangay: San Roque Viga2. Date of clean-up drive: Oct. 28, 20263. Clean up sites: Purok 2 ...
30/10/2026

WeeklyBarkadaReport

1.Name of Barangay: San Roque Viga
2. Date of clean-up drive: Oct. 28, 2026
3. Clean up sites: Purok 2 & 3
4. Total volume of waste collected: 50 kg
5. Total participants: BOs (10)+ Sk(1), CSO (0), Public (1)= 11
6. Total BOs elected( 2), Appointed ( 8), Public (1)
7. CSO(0),Public (1)

📢 PUBLIC ANNOUNCEMENT:TRANSPARENCY IN ACTION!📢Alinsunod sa programang " Bawat Barangay Makikinabang Program" (BBMP) sa i...
22/10/2026

📢 PUBLIC ANNOUNCEMENT:
TRANSPARENCY IN ACTION!📢

Alinsunod sa programang " Bawat Barangay Makikinabang Program" (BBMP) sa ilalim ng Presidential Assistance - Socio- Civic Project Funds (SCPF), nais po ng Pamahalaang Barangay San Roque na ibahagi sa lahat ang opisyal na status at daloy ng proseso ng ating pondo na nagkakahalaga ng P 200,000.00

Para sa kaalaman po ng lahat, narito po ang aming Tapat at Transparent na Hakbang tungo sa pagpapatupad nito:

📋 ANG DALOY NG ATING PROSESO AT KASALUKUYANG STATUS

1. Unang hakbang: Pagtanggap ng Notice at Pondo (October 5, 2026)

* Opisyal na natanggap ng ating barangay ang Notice of Authority to Debit Account issued Mula sa Panlalawigang Tanggapan ng Tresurero ng ngpapatunay sa pagkakaruon ng pondo.

2. Pangalawang Hakbang: Orientation ng DILG Municipal Office📝

* Matapos matanggap ang notice, Ang ating mga Opisyal ay dumalo sa Opisyal na orientation na pinangunahan ng DILG Municipal Office hinggil sa Implementing Guidelines (Memorandum Circular No. 2026-038). Ito ay upang masiguro na Ang bawat hakbang na aming gagawin ay legal at naayon sa alituntunin ng Pamahalaan.

3. Pagkuha ng Bank Snapshot para sa Beripikasyon.

* Kumuha ang aming barangay treasurer sa official bank ng Barangay upang mapatunayan at masiguro sa pamamagitan ng Opisyal ng tala sa bangko na Ang P200,000.00 ay ligtas at buong-buo nang pumasok sa barangay account bago nagpatuloy sa pagbabalangkas ng mga kasunod na dokumento.

4. Pagpasa ng Resolution para sa alituntunin (October 11,2026)
* Matapos makuha Ang tamang gabay Mula sa DILG, nagdaos mg Special Session Ang Sangguniang Barangay upang ipasa Ang Barangay Resolution No. 39,s. 2026. Ito Ang nagtakda ng tamang Sistema , kwalipikasyon, at pamantayan (mode of release and documentation )para sa pagpili ng mga mag-aaral na makikinabang sa scholarship at kasama na din Ang pag organize ng Committe on evaluation and Verification na pinangunahan ng Kagawad Chair on Education.

5. Pagbalangkas at Pag -endorse ng Supplemental Budget (Oktober 14, 2026)

* Binalangkas Ang Supplemental Budget No. 2, series of 2026 kung saan hinati Ang pondo batay sa pangangailangan ng komunidad :
* P100,000.00 (MOOE): Para sa Educational Assistance ng.limang (5) graduating 4th year college students (20,000.00) bawat Isa
*P100,O00.00 (Capital Outlay): para sa pagbili.ng.Public Safety Patrol Vehicle (Top-down).
* Ito ay pormal na pinasa ng ating Punong Barangay Jennifer C. Alvarez, sa Sangguniang Bayan ng Viga para sa kanilang review at pagsusuri.

6. KASALUKUYANG STATUS: Paghihintay sa Approval ng Sangguniang Bayan.

* Sa kasalukuyan , hinihintay po natin Ang kaukulang Resolution o pagpapatibay Mula sa Sangguniang Bayan ng Viga upang maging ganap na OPISYAL at OPERATIVE Ang ating Supplemental Budget. Ibig sabihin po , HINDI pa po pwedeng ilabas o gastusin Ang pondo hanggat Wala pa Ang kanilang pag apruba.

7. Paunang paghahanda habang naghihintay (Oct.12-18, 2026)

Habang hinihintay Ang pagiging operative ng budget gumawa na po tayo ng paunang hakbang upang maging mabilis Ang proseso pakatapos ng pag apruba:

* Nakipag ugnayan na sa School Para sa verification ng.mga.studyante
* Ngdaos ng orientation at pagpupulong kasama Ang mga 4th year graduating college students at kanilang mga magulang noong October 18 upang maging malinaw Ang mga alituntunin.

AMING SUSUNOD NA HAKBANG:
Upang masiguro Ang Transparency, Accountability, at Good Governance sa Oras na maging operative Ang Supplemental Budget, Ang Pamahalaang Barangay ay:

1. Gagawa.ng.liham.para.sa.bawat benepisyaryo upang pormal na ipabatid ang kanilang pagkakasama sa program at Ang eksaktong detalye ng release.
2. Pampublikong Anunsiyo ng schedule ng release pag sasa publiko sa aming official barangay page upang masaksihan ang Tapat na pamamahagi ng pondo.

Paalala:
Para sa 5 Mapipiling Beneficiaries ang tulong na ito ay Isang Finisher Fund.Hangad po ng ating Pamahalaan na maging inspirasyon ito upang kayo ay magsumikap at matagumpay na makapagtapos sa inyong pag-aaral.

Para sa ibang Hindi napili maraming salamat po sa inyong malawak na pang-unawa. Nais po nating ipabatid na mayroon po tayong sinisunod na Opisyal na criteria at guidelines sa pagpili ng mga benepisyaryo upang masiguro ang patas na proseso.

' Mas maunlad na San Roque sa Pagtutulungan mg Lahat"






Address

San Roque
Viga
4805

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Roque Viga Barangay Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services