04/11/2026
Dahil sa Batang Handa, Mas Ligtas ang Bansa! 👧👦🇵🇭
Bawat bata ay may karapatang lumaki nang ligtas, minamahal at napangangalagaan. Bilang isa sa mga pangunahing katuwang ng pamahalaan sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga bata, patuloy na isinusulong ng DSWD ang mga programa at serbisyong nagbibigay-proteksiyon, suporta at pagkakataon para sa kanilang ligtas at maayos na paglaki.
Katuwang ang mga pamilya, komunidad at iba pang sektor, pinalalakas ng DSWD ang mga hakbang laban sa pang-aabuso, kapabayaan at karahasan. Alinsunod sa Republic Act No. 10661 (National Children's Month Act) na nagtatakda sa buwan ng Nobyembre bilang National Children’s Month, nakikiisa ang DSWD sa pagdiriwang ng 34th National Children’s Month 2026 na may temang “MANINDIGAN! TUMUGON AT KUMALINGA: SA BATANG HANDA, MAS LIGTAS ANG BANSA.”
Sa bawat batang ating pinakikinggan, pinoprotektahan at kinakalinga, nakakatulong tayo sa pagbuo ng mas ligtas na mga komunidad at kinabukasang puno ng pag-asa. Dahil ang pagtataguyod ng karapatan at pangangalaga sa bawat bata ay pananagutan nating lahat! 👪
❤️