PNP Abulug Municipal Police Station

Call Directions

PNP Abulug Municipal Police Station TO SERVE AND PROTECT

04/11/2026
04/11/2026

NUMBER 1 MOST WANTED SA CAGAYAN, ARESTADO SA MAKATI CITY SA TATLONG BILANG NG KASONG R**E

Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan — Nadakip ng mga operatiba ng Cagayan Police Provincial Office ang Number 1 Most Wanted Person sa Provincial Level sa isang intelligence-driven manhunt operation noong Nobyembre 4, 2026, bandang alas-10:30 ng umaga sa Barangay Pio del Pilar, Makati City.

Kinilala ang akusado na si alyas Adiong, 49-anyos at tubong Lasam, Cagayan. Dinakip siya sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng kasong R**e, na walang inirekomendang piyansa sa bawat kaso.

Isinagawa ang operasyon ng Manhunt Charlie Tracker Team ng Santa Praxedes Police Station, katuwang ang 2nd Provincial Mobile Force Company, Lasam Municipal Police Station, at Makati City Police. Naging susi sa pagkakadakip ang masusing intelligence gathering, patuloy na monitoring, at koordinasyon sa Sta. Maria Municipal Police Station sa Laguna, matapos ang ilang taong pagtatago ng akusado.

Sa kanyang pahayag, pinuri ni PCOL MARDITO G ANGULUAN, Provincial Director ng CPPO, ang tiyaga, dedikasyon, at mahusay na koordinasyon ng mga operatiba. Binigyang-diin niya na patuloy na paiigtingin ng kapulisan ang manhunt operations upang matunton at madakip ang mga wanted person at matiyak na walang makatatakas sa pananagutan sa batas.

Matapos ipabatid ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatang konstitusyonal, dinala ang akusado sa Santa Praxedes Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang proseso bago ang turnover sa korteng naglabas ng warrant of arrest.

Press Release No. 1104-07
Authority: PCOL MARDITO G ANGULUAN
Provincial Director, Cagayan PPO
Releaser: PCPT SHIELA JOY N FRONDA
Chiet, PIO, Cagayan PPO
Hotline: 09175233562 09534363668
Email Add: [email protected] /
[email protected]
Date: November 4, 2026

04/11/2026
04/11/2026

LOOK: On November 4, 2026, personnel of Abulug Police Station conducted a checkpoint at Brgy. Libertad, Abulug, Cagayan.
"Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas; Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman"
"In case of emergency, call 911"


04/11/2026

LOOK: On November 4, 2026, personnel of Abulug Police Station conducted a beat patrol at Brgy. Libertad, Abulug, Cagayan.
"Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas; Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman"
"In case of emergency, call 911"


Address

Abulug Cagayan
Abulug

Telephone

+639066426468

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Abulug Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services