Liberal Youth Baguio-Benguet

Directions

Liberal Youth Baguio-Benguet Let’s work together for a Baguio and Benguet free from poverty, free from fear, and full of hope; where every dream has a chance!

04/11/2026

‘TAYO NAMAN SA 2028, PILIPINAS!’

Nagpaabot ng pagbati ang Liberal Party of the Philippines sa Democrats kaugnay ng isinagawang 2026 midterm elections sa Amerika.

“What we witnessed was more than just a blue wave. As several states flipped, we saw a blue tsunami sweep across the political landscape,” saad nila sa isang post sa social media.

Umaasa ang Liberal Party na magsisilbing inspirasyon ang mga kaganapang ito sa mga Pilipino upang manatiling nakikilahok, organisado, at aktibo sa paghubog ng kinabukasan ng demokrasya sa bansa.

“Patuloy tayong mag-oorganisa at ipapanalo ang Sambayanang Pilipino,” dagdag pa nila.

04/11/2026

We send our warmest congratulations to the Democrats of the United States of America on their historic victories in the 2026 midterm elections.

Through their collective determination and perseverance, what we witnessed was more than just a blue wave. As several states flipped, we saw a blue tsunami sweep across the political landscape.

These results demonstrate the power of grassroots organizing, collective action, and people coming together to make their voices heard and advance the interests of ordinary citizens.

Tayo naman sa 2028, Pilipinas! Patuloy tayong mag-oorganisa at ipapanalo ang Sambayanang Pilipino.

08/10/2026

: Sa araw na ito noong 2021, naghain ng kanyang Certificate of Candidacy bilang Vice President si Sen. Kiko Pangilinan, bilang running mate ni Vice President Leni Robredo para sa halalan noong 2022.

Sa kanyang kampanya bilang Vice Presidential candidate, isinulong ni Sen. Kiko Pangilinan ang “Hello Pagkain, Goodbye Gutom”—isang panawagang nakatuon sa pagtugon sa gutom at pagpapalakas ng food security sa bansa.

Kasabay ng tambalan nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan, naging sentro ng kampanya ang pagtiyak na may sapat at abot-kayang pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino.

26/09/2026

Ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2026 ay hindi simpleng usapin ng election schedule. Usapin ito ng karapatan ng bawat Pilipino na pumili ng kanilang mga lider.

Malinaw ang mandatong ipinagkaloob ng ating mga kababayan noong 2023. Itinakda na ang susunod na halalan sa 2026 upang muling maipagkatiwala sa taumbayan ang pagpili ng kanilang mga barangay at SK officials.

Sagrado ang bawat boto ng bawat Pilipino.

Kaya kung may malinaw nang itinakdang panahon para sa halalan, dapat itong igalang. Ang regular at periodic elections ay mahalagang bahagi ng ating karapatang bumoto at ng demokrasya.

Hindi dapat basta ipagpaliban ang halalan. Hindi dapat ipagkait sa ating mga kababayan ang pagkakataong pumili ng kanilang mga lider.

Patuloy ang ating paninindigan: dapat na ituloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2026.

Igalang ang boto. Igalang ang mandato. Igalang ang demokrasya.

54 Taon: Never Forget, Never Again“Golden Age ng Pilipinas.”“Buti pa noong panahon ni Marcos, dos pesos lang ang isang b...
21/09/2026

54 Taon: Never Forget, Never Again

“Golden Age ng Pilipinas.”
“Buti pa noong panahon ni Marcos, dos pesos lang ang isang buong manok.”
“Buti pa noong Martial Law, lahat disiplinado.”“Marcos best president.”

Ito ang ilan sa mga naririnig ko noong aking kabataan.

Namulat ako sa isang Pilipinas na mahirap. At sa loob ng tahanan, komunidad, at paaralan sa Norte, ito ang mga kuwentong paulit-ulit kong naririnig tungkol sa nakaraan. Para sa akin noon, iyon ang alam kong katotohanan. Iyon ang bersyon ng kasaysayan na ipinasa sa akin.
Lumipas ang mga taon.
Hanggang sa dumating ang panahon na nagsimula akong magtanong. Nagsimula akong magbasa. Nakinig sa ibang kuwento. Nakita ang mga dokumento at testimonya ng mga taong mismong nakaranas ng Martial Law.

At doon ko napagtanto na maaaring magkaiba ang kuwentong narinig ko noon at ang kuwentong matatagpuan sa mga tala ng kasaysayan.

Hindi ko rin naman itatanggi na may mga pamilyang may magagandang alaala sa panahong iyon. May mga taong nagsasabing mas maayos ang kanilang buhay, mas disiplinado ang kanilang komunidad, o mas mura ang ilang bilihin. Ang personal na karanasan ay bahagi rin ng kasaysayan.

Pero hindi maaaring ang personal na karanasan ng ilan ang maging sukatan ng buong karanasan ng isang bansa.
Dahil kasabay ng mga kuwentong ito ay may isa pang bahagi ng kasaysayan na hindi maaaring burahin.

Sa ilalim ng Martial Law, libo-libong Pilipino ang nakaranas ng arbitrary arrest at detention, torture, enforced disappearance, at pagpatay. Naitala rin ng Amnesty International ang malawakang paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng rehimen, kabilang ang mga pag-aresto sa mga mamamahayag, labor leaders, human rights defenders, church workers, at iba pang itinuturing na kritiko o kalaban ng pamahalaan.

Hindi ito simpleng argumento ng “Marcos versus anti-Marcos.” Hindi rin ito tungkol sa pag-agaw sa isang tao ng kanyang personal na alaala. Tungkol ito sa pagkilala na may mga Pilipinong nabuhay nang tahimik, ngunit may mga Pilipino ring hindi na nakauwi. May mga pamilyang nagpatuloy ang buhay, ngunit mayroon ding mga pamilyang hanggang ngayon ay naghahanap ng kasagutan.

At dito pumapasok ang tanong na matagal ko ring iniisip:

Ano nga ba ang dapat nating timbangin kapag pinag-uusapan natin ang nakaraan? Ang murang bilihin? Ang mga imprastraktura? Ang disiplina? Ang mga personal na alaala ng kaginhawaan?
O dapat din nating itanong:
Ano ang halaga ng lahat ng ito kung may mga buhay na nawala at mga karapatang ipinagkait?

Hindi ko sinasabing walang magandang nangyari noong panahong iyon. Hindi rin kailangang burahin ang personal na alaala ng mga taong nagsasabing naging maayos ang kanilang buhay.
Ngunit hindi rin natin dapat burahin ang karanasan ng mga nakaranas ng karahasan.

Dahil ang kasaysayan ay hindi lamang kuwento ng mga nakinabang. Kasama rin dito ang kuwento ng mga nasaktan, pinatahimik, ikinulong, tinorture, nawala, at pinatay.

Ngayong ika-54 na taon ng paggunita sa pagdeklara ng Martial Law, mahalagang tandaan na ang Setyembre 21 ay naging pangunahing petsa ng paggunita, bagama't ang deklarasyon ay ipinaalam sa publiko ni Marcos sa radyo at telebisyon noong gabi ng Setyembre 23, 1972. Ang pagkakaiba ng mga petsang ito mismo ay bahagi ng komplikadong kasaysayan kung paano naaalala at naisasalaysay ang Martial Law.

Oras ang kalaban natin.

Habang tumatanda ang mga nakaranas mismo ng Martial Law, unti-unti ring nawawala ang mga personal na saksi ng panahong iyon. At kapag nawala ang mga saksi, mas mahalaga ang mga dokumento, testimonya, archives, at mga institusyong nag-iingat ng kasaysayan.
Kaya hindi sapat ang “narinig ko kasi sa mga magulang ko.”
Hindi rin sapat ang “sabi ng lolo ko, maganda noon.”
At hindi rin sapat ang “sabi sa internet, Golden Age iyon.”

Magbasa tayo. Magtanong tayo. Maghambing tayo ng sources. Pakinggan natin ang iba't ibang kuwento. At higit sa lahat, huwag nating kalimutan ang mga taong wala nang pagkakataong magsalaysay ng kanilang sariling kuwento.
Ang pag-alala ay hindi paghahanap ng bagong kaaway.
Ang pag-alala ay pagkilala sa mga nangyari.
Ang pag-alala ay pagrespeto sa mga biktima.
Ang pag-alala ay pag-unawa kung paano maaaring mangyari muli ang mga bagay na akala natin ay hindi na mauulit.
At marahil, ito ang pinakamahalagang dahilan kung bakit kailangan nating patuloy na balikan ang kasaysayan:

Hindi para mabuhay sa nakaraan, kundi para hindi natin ito ulitin.

54 taon na. Marami nang nagbago. Marami na ring nakalimot. Kaya sa bawat henerasyon, kailangan nating itanong:

Ano ba talaga ang nangyari?
Sino ang nagsalita?
Sino ang pinatahimik?
Sino ang nakaligtas?
At sino ang hindi na nakauwi?
Dahil sa paglipas ng panahon, maaaring magbago ang mga kuwento.

Pero ang buhay ng mga taong nawala ay hindi dapat mabura sa ating alaala.

Never Forget. Never Again.

23/08/2026
22/08/2026

𝐂𝐫𝐢𝐦𝐢𝐧𝐚𝐥𝐢𝐳𝐞 𝐒𝐮𝐛𝐨𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐏𝐞𝐫𝐣𝐮𝐫𝐲! ⚖

Bilang dating Justice Secretary at ipinakulong noon dahil sa imbentong mga kaso na batay lang sa mga gawa-gawang paratang, malinaw na ang pagsisinungaling sa korte ay pagwasak sa integridad ng ating sistemang pangkatarungan.

This has to end. Those responsible for this travesty of justice should be held accountable.

One of our priority bills is House Bill No. 1435 or “Criminalizing Subornation of Perjury Act”. Under our proposed measure, public officials or employees who commit subornation of perjury face higher penalties and perpetual disqualification from holding public office or employment.

Tigilan ang pagsisinungaling at pekeng mga testimonya! HB 1435, isabatas! ✊

𝐑𝐞𝐦𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐢𝐧𝐨𝐲 𝟎𝟖.𝟐𝟏.𝟐𝟎𝟐𝟔 [5]As we commemorate Ninoy Aquino, we invite you to pause, reflect, and remember—not only t...
21/08/2026

𝐑𝐞𝐦𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐢𝐧𝐨𝐲 𝟎𝟖.𝟐𝟏.𝟐𝟎𝟐𝟔 [5]
As we commemorate Ninoy Aquino, we invite you to pause, reflect, and remember—not only the life he lived, but the values, courage, and love for country that continue to inspire generations of Filipinos.

This will be a series of reflections from our Young Liberals, sharing their thoughts on the life and legacy of the late Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

𝘼𝙠𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙞𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙋𝙖𝙧𝙩 2
By Luis Meing

Napag-aralan namin siya noong Grade 4. Nai-imagine niyo bang may p**i o muwang ang batang nasa grade 4 sa Civics at pagka-martyr ni Ninoy?

Sa pagtanda ko, sa pag-consume ko ng media, sa mga random thoughts ko ng 2am, madami akong napapag-aralan sa kaniya. Oo, naging senador siya, asawa niya si Cory, tatay siya ng nakaupong presidente noon. Pero, ang nakakaintriga, nakapunta siya ng U.S. pero piniling umuwi sa Pinas and for what? Mamolitika? Because the “Filipino is worth dying for”?

THE U.S. of A? Land of Freedom? Land of McDo and Hollywood? Bakit niya piniling umuwi eh kamatayan lang nag-aantay sa kaniya dito sa ilalim ng “Bagong Lipunan”, as DepEd apparently calls it? Pwede naman siyang manahimik na lang at i-enjoy buhay niya kasama asawa’t mga anak niya doon. Was love for family not enough?
Or perhaps, it was just that. Love. Corny pag iisipin, pero it is “that deep”. Love for mankind (sa pamamagitan ng mga polisiya at aksyon niya), peace and prosperity (see peace talks with Luis Taruc), and country: sa pagbalik ng Pilipinas dahil hinahanap siya ng mga kababayan niya sa kalagitnaan ng isa sa mga pinakamadilim na parte ng ating kasaysayan. Sa mga huling oras niya, alam niyang papatayin siya: at tanggap niya iyon. Hindi dahil pagod na siyang mabuhay pero dahil punong-puno siya nito.
Pa-trenta na ako. Wala ako noong panahong iyon. Nasa 2026 ako. Dito ko lang na-appreciate ang mga napag-aralan ko sa Sibika. Dito ko lang napag-tanto na tama nga sila. Sa koloniyalismo, sa pwedeng mangyaring kasakiman ng mga nakaupo, sa pag-asa ng maliwanag na kinabukasan ng bansa, at sa sobrang pagmamahal mo sa kapwa mo na pinipili mong tulungan kahit hindi kayo magka-ayos, magkakilala, o magkapiling.

“Ako ang Simula ng Pagbabago” ay isa sa mga naaalala kong essay na pinapasulat noong Grade 5 o 6 sa amin. Probably naitapon na iyon ng teacher namin, I can’t help but think of what I wrote on it.

Ikaw ba, ano ang “Ako ang Simula ng Pagbabago” mo?

See less

Address

Baguio City, Benguet
Baguio City
2600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Liberal Youth Baguio-Benguet posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share