02/06/2026
πππ€
"Friendly Service"
02/06/2026
πππ€
30/05/2026
PAMAMAHAGI NG SCHOOL SUPPLIESπ€ππ
May 30, 2026
Matagumpay po na naisagawa ang pamamahagi ng school supplies para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 8 ng Barangay Pinagbarilan.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kap. Franny Cristobal Santos sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging maayos at matagumpay ang programang ito. Nawa'y makatulong po ang mga kagamitang ito sa paghahanda ng ating mga kabataan para sa nalalapit na pasukan.
Ang simpleng tulong na ito ay patunay ng ating patuloy na pagmamalasakit sa edukasyon at kinabukasan ng bawat kabataan sa Barangay Pinagbarilan.
Maraming salamat po sa inyong suporta at pakikiisa. Patuloy po nating alalayan at suportahan ang ating mga kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Para sa Kabataan, Para sa Kinabukasan!
30/05/2026
WEEKLY CLEAN UP DRIVE
Purok Pinagpala
May 30, 2026
Sa pangunguna po ng ating Punong Barangay Franny C. Santos, kasama ang kasangguni na sina Kon. Andy Diego at Kon. Jonathan Castillo ay nagpapasalamat po kami sa lahat ng nakiisa sa ating lingguhang paglilinis. Salamat po sa mga PL ng 4p's, Ate Ancis, sa mga Mother Leader, LLN Josie Hipolito, Hepe Eddie Hipolito, VAWC Noime Santiago, Shaw Gramatica, Rey Angeles, Ambu Robert Castillo, at sa mga Brgy. Volunteers.
Maraming Salamat po!
29/05/2026
PANAWAGAN!
Kung sino man po ang nawawalan ng cellphone na nasa larawan, mangyari po na i-claim sa Barangay Hall ng Pinagbarilan.
Maraming Salamat po!
29/05/2026
LIBRENG GAMIT SA ESKWELA β YEAR 3!πππ€
Bilang paghahanda po sa nalalapit na pagbubukas ng klase, muli po tayong magkakaroon ng pamamahagi ng LIBRENG GAMIT PANG-ESKWELA para sa ating mga kabataang mag-aaral mula Daycare hanggang Grade 8 na residente ng Brgy. Pinagbarilan. π
Ito po ay munting handog ng inyong lingkod Kap. Franny C. Santos upang makatulong po sa mga magulang at mas lalo pang mahikayat ang ating mga kabataan na magsikap at magpatuloy sa pag-aaral.
π Petsa: May 30, 2026 (Sabado)
π Oras: 9:00 ng umaga
π Lugar: Brgy. Hall ng Pinagbarilan
Naniniwala po tayo na ang edukasyon ay mahalagang susi para sa magandang kinabukasan ng bawat bata.
Maraming salamat po sa patuloy na suporta, pagtutulungan, at pakikiisa para sa ikabubuti ng ating barangay na sina: Kon. Mark Angelo Cruz, Kon. Andy Diego , Kon. Jonathan Castillo, VAWC Noime Santiago, Rey Angeles, Shaw Gramatica at Hepe Eddie Hipolito.
25/05/2026
FLAG RAISING CEREMONY
May 25, 2026
Pagtataas ng Watawat sa huling lunes ng buwan ng Mayo sa pangunguna po ni Kap Franny C. Santos kasama ang kanyang mga kasangguni na sina Kon. Andy Diego at Kon. Jonathan Castillo.
Kasamang dumalo ang mga masisipag na Barangay Volunteers.
23/05/2026
WEEKLY CLEAN UP DRIVE
Purok Masagana & Maligaya
May 23, 2026
Sa pangunguna po ng ating Punong Barangay Franny C. Santos, kasama ang kasangguni na sina Kon. Andy Diego at Kon. Jonathan Castillo ay nagpapasalamat po kami sa lahat ng nakiisa sa ating lingguhang paglilinis. Salamat po sa mga PL ng 4p's, Ate Ancis, sa mga Mother Leader, LLN Josie Hipolito, Hepe Eddie Hipolito, VAWC Noime Santiago, Shaw Gramatica, Rey Angeles, Ambu Robert Castillo, at sa mga Brgy. Volunteers.
Maraming Salamat po!
22/05/2026
Tuloy-tuloy po ang isinasagawang pagpapalinis ng mga kanal sa bawat purok bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan upang maiwasan po ang pagbaha at mapanatiling malinis at maayos ang ating barangay.
Sa pangunguna po ni Kap. Franny C. Santos kasama ang kanyang katuwang sa gawaing paglilinis na si Kon. Jonathan Castillo, patuloy po nating pinagtutulungan ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating barangay para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.
16/05/2026
WEEKLY CLEAN UP DRIVE
Purok Masagana
May 16, 2026
Sa pangunguna po ng ating Punong Barangay Franny C. Santos, kasama ang kasangguni na sina Kon. Andy Diego at Kon. Jonathan Castillo ay nagpapasalamat po kami sa lahat ng nakiisa sa ating lingguhang paglilinis. Salamat po sa mga PL ng 4p's, Ate Ancis, sa mga Mother Leader, LLN Josie Hipolito, Hepe Eddie Hipolito, VAWC Noime Santiago, Shaw Gramatica, Rey Angeles, Ambu Robert Castillo, at sa mga Brgy. Volunteers.
Maraming Salamat po!
15/05/2026
Paglilinis ng Drainage Canal
May 15, 2026
Nagsasagawa na po ng paglilinis ng drainage canal sa mga Purok upang maiwasan po ang pagbaha sa darating na tag-ulan at mapanatili po ang kalinisan ng mga kanal.
Panatilihin po natin ang kalinisan ng ating kapaligiran at huwag po sana tayo magtatapon ng basura lalo na po sa mga dinadaanan ng tubig.
Maraming Salamat po!