DepEd Virgen Delas Flores High School

Directions

DepEd Virgen Delas Flores High School The new official page of Virgen Delas Flores High School in the City of Baliwag, Bulacan.

TINGNAN: Nakilahok ang mga mag-aaral sa Grade 10 ng Virgen Delas Flores High School sa ginanap na Division Career Expo a...
08/11/2026

TINGNAN: Nakilahok ang mga mag-aaral sa Grade 10 ng Virgen Delas Flores High School sa ginanap na Division Career Expo and Career Orientation na may temang "Career Ready 2.0: Connecting Learners with Opportunities" nitong Oktubre 27 sa Star Arena.

Nakiisa ang mga mag-aaral sa mga talakayan ukol sa pagkilala sa sariling kalakasan at kasanayan, pagpili ng career pathways, at pagbisita sa mga interactive booth exhibits mula sa iba't ibang institusyon at industriya.

Nagsilbi rin itong mahalagang gabay para sa kanilang paghahanda at pagpili ng angkop na track sa Senior High School.

Nakiisa ang Virgen Delas Flores High School sa pagdaraos ng 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ...
07/11/2026

Nakiisa ang Virgen Delas Flores High School sa pagdaraos ng 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) nitong Nobyembre 5, ganap na ika-9:00 ng umaga.

Nilahukan ang naturang gawani ng lahat ng g**o, kawani, at mga mag-aaral mula sa Grade 7 at Grade 10. Naisagawa nang maayos at organisado ang wastong pamamaraan ng "Duck, Cover, and Hold" kasunod ang paglikas patungo sa itinalagang ligtas na evacuation area sa labas ng paaralan.

Bahagi ang aktibidad na ito ng patuloy na pagpapalakas ng kultura ng kahandaan at kaligtasan sa loob ng paaralan upang matiyak ang proteksiyon ng bawat isa sakaling magkaroon ng lindol o sakuna.

TINGNAN: ​Nagsagawa ng consultative meeting ang pamunuan ng Virgen Delas Flores High School kasama ang mga magulang nito...
06/11/2026

TINGNAN: ​Nagsagawa ng consultative meeting ang pamunuan ng Virgen Delas Flores High School kasama ang mga magulang nitong Oktubre 28, 2026 kaugnay ng paglahok ng paaralan sa Pasko sa Kalye Streetdance Competition sa Disyembre 11.

​Pinangunahan ang pagpupulong nina Noime D. Villaverde (School Principal III) at Christine Lhalane C. Cruz (Assistant School Head Designate), katuwang ang SPTA President at ang Pasakalye Committee.

​Sa naturang pagpupulong, pormal na nilinaw na ganap na boluntaryo ang pakikibahagi ng mga mag-aaral sa aktibidad. Nagkaroon ng malinaw na pagkakasundo sa pagitan ng pamunuan ng paaralan at ng mga magulang nang walang naitalang anumang pagtutol sa mga napagkasubduan.

Ang aktibidad ay opisyal ding sinusuportahan ng pamunuan ng SPTA.

𝟯𝟲 𝗙𝗟𝗢𝗥𝗘𝗦𝗞𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗨𝗥𝗡𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧𝗦, 𝗔𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗜𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟𝗩𝗗𝗙𝗛𝗦, 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗴𝗽𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲Sa ikat...
30/10/2026

𝟯𝟲 𝗙𝗟𝗢𝗥𝗘𝗦𝗞𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗨𝗥𝗡𝗔𝗟𝗜𝗦𝗧𝗦, 𝗔𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗜𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗟𝗘𝗩𝗘𝗟
𝗩𝗗𝗙𝗛𝗦, 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗴𝗽𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗖𝗹𝘂𝘀𝘁𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲

Sa ikatlong taon ng pakikilahok ng Virgen Delas Flores High School (VDFHS) sa City of Baliwag Clustered Schools Press Conference (CSPC), muling pinatunayan ng ating mga kabataang mamamahayag ang talas ng kanilang pluma at paninindigan sa katotohanan.

Tatlumpu't anim (36) na mamamahayag na Floreskan mula sa iba't ibang indibidwal na kategorya sa pagsulat sa Filipino at English ang nagwagi at opisyal na kwalipikadong aabante sa Division Schools Press Conference (DSPC) sa darating na Nobyembre 21.

Dahil sa pambihirang tagumpay na ito, nananatili ang VDFHS bilang isa sa mga nangungunang pampublikong paaralan sa buong Lungsod ng Baliwag na nagkamit ng pinakamaraming karangalan sa Cluster Level.

Isang taos-pusong pagpupugay at maalab na pagbati sa ating mga mag-aaral at sa kanilang masisipag na g**ong tagapagsanay!

TINGNAN:  Sumailalim ang Virgen Delas Flores High School sa isang komprehensibong Security Assessment at M7X DRRM Monito...
29/10/2026

TINGNAN: Sumailalim ang Virgen Delas Flores High School sa isang komprehensibong Security Assessment at M7X DRRM Monitoring nitong Miyerkoles, Oktubre 28, 2026. Layunin ng gawaing ito na higit pang patatagin ang kahandaan ng paaralan sa mga oras ng sakuna at siguruhing ligtas ang buong komunidad sa loob ng kampus.

Alinsunod sa Division Memorandum Blg. 517, s. 2026 hinggil sa "M7X Ready School," masusing vinalidate ang kahandaan ng VDFHS batay sa limang haligi ng M7X Ready Scorecard: Governance, Physical Safety, Drills & Training, Supplies & Equipment, at Reunification. Mahalagang batayan ito upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto at kaligtasan ng mga kabataan at kawani sakaling maranasan ang magnitude 7.2 na lindol o "The Big One".

Bukod sa pagtatása sa disaster readiness, pinagtuunan din ng pansin ang paghihigpit sa mga panuntunan sa seguridad upang maiwasan ang mga insidente ng pamamaril, harassment, at pagpasok ng mga hindi awtorisadong tao. Sa pamamagitan ng matitibay na safety protocols, nananatiling payapa, protektado, at kaaya-aya ang ating mga silid-aralan at kampus.

Ang matagumpay na pagsusuri ay naisakatuparan sa pangkalahatang pangangasiwa ni Lt. Col. Danilo S. Bugay (Ret.) at ng Baliwag City Public Order and Safety Office (BCPOSO), katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at Schools Division Office (SDO) of City Baliwag.

Taos-puso ang pasasalamat ng VDFHS, sa pangunguna ni Punong-g**o Ma'am Noime D. Villaverde, sa lahat ng katuwang na ahensya sa walang-sawang pag-alalay para sa kaligtasan ng bawat mag-aaral.

Isang bagong kabanata ng marangal at mahusay na paglilingkod ang binuksan sa Virgen Delas Flores High School sa pormal n...
23/10/2026

Isang bagong kabanata ng marangal at mahusay na paglilingkod ang binuksan sa Virgen Delas Flores High School sa pormal na pagtatalaga kay Ma'am Christine Lhalane C. Cruz bilang ating kauna-unahang Assistant School Head Designate nitong Miyerkoles, Oktubre 21.

Buong-pagmamalaking nakiisa ang mga g**o, kawani, at mag-aaral sa pagdiriwang ng mahalagang tagumpay na ito. Bunga ito ng kaniyang husay at dedikasyon matapos maging isa sa mga pumasa sa National Assessment for School Heads (NASH) Batch 2 nitong Mayo.

Katuwang ang ating Punong-g**o, Ma'am Noime D. Villaverde, taos-pusong sumasaludo ang buong pamilya ng VDFHS! Handa kaming magkaisa at makipagtulungan sa inyo tungo sa mas mataas na antas ng kalidad at inklusibong edukasyon.

Isang maalab na pagbati at mabungang pamumuno, Ma'am Lhalane! 💐👏

Isang mainit at buong-pagmamalaking pagbati ang ipinaaabot ng ating paaralan kay Ma'am Christine Lhalane C. Cruz bilang ...
21/10/2026

Isang mainit at buong-pagmamalaking pagbati ang ipinaaabot ng ating paaralan kay Ma'am Christine Lhalane C. Cruz bilang ating kauna-unahang Assistant School Head Designate! 👏

Sa inyong husay at dedikasyon, bilang katuwang ng ating Punong-g**o na si Ma'am Noime D. Villaverde, tiyak na higit pang maisusulong ang marangal, makabuluhan, at kalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral na Floreskan.

Muli, isang maalab na pagbati at maligayang paglilingkod, Ma'am Lhen 💐

Maalab na pagbati, g**ong Floreskan! 🎉Malugod nating binabati si Sir Rick Jayson P. Gonzales matapos matagumpay na maapr...
18/10/2026

Maalab na pagbati, g**ong Floreskan! 🎉

Malugod nating binabati si Sir Rick Jayson P. Gonzales matapos matagumpay na maaprubahan ang kaniyang reclassification of position sa ilalim ng Expanded Career Progression.

Ikinagagalak natin ang inyong promosyon! 👏👏👏

Isang taos-puso at pinakamaalab na pagbati sa ating mga   sa kanilang matagumpay na paglahok sa ginanap na 2026 Baliwag ...
18/10/2026

Isang taos-puso at pinakamaalab na pagbati sa ating mga sa kanilang matagumpay na paglahok sa ginanap na 2026 Baliwag City Science & Technology Fair nitong Oktubre 10 sa Baliuag University!

Buong-husay na ipinamalas ng ating mga mag-aaral ang galing sa inobasyon, masusing pananaliksik, at siyentipikong kaisipan matapos maiuwi ang sumusunod na karangalan:

🥈 2nd Place – Mathematical Computation in Science (Team Category)
🌟 Best in Display Board

Sophia Jhane D. Ibanez
Patwin Jero P. Lagman
Johan Chris M. Victorino
Research Adviser: Mariell D. Bernardo

🥈 2nd Place – Physical Science (Team Category)

Julius Jandon Mananghaya Dela Cruz
Lanz Jayron Magtabog Cuevo
AJ Cabug Redillas
Research Adviser: John Jeric G. Buhain

Ang inyong tagumpay ay patunay ng patuloy na pagyabong ng talino, sipag, at dedikasyon sa larangan ng agham at teknolohiya. Ipinagmamalaki namin kayo!

Address

Luyong Street, Alido Subdivision, Virgen Delas Flores
Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 6am - 5pm
Tuesday 6am - 5pm
Wednesday 6am - 5pm
Thursday 6am - 5pm
Friday 6am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Virgen Delas Flores High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services