16/10/2026
𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍, 𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀𝐈𝐍, 𝐈𝐖𝐀𝐒𝐀𝐍: 𝐓𝐄𝐄𝐍𝐀𝐆𝐄 𝐏𝐑𝐄𝐆𝐍𝐀𝐍𝐂𝐘 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐄𝐍𝐄𝐒𝐒. 🤰
Patuloy ang pagsusulong ng kaalaman at kamalayan sa mga kabataan sa pamamagitan ng isang makabuluhang talakayan tungkol sa 𝐓𝐞𝐞𝐧𝐚𝐠𝐞 𝐏𝐫𝐞𝐠𝐧𝐚𝐧𝐜𝐲 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬. Sa pangunguna ng mga mag-aaral ng 𝐒𝐭. 𝐌𝐚𝐫𝐲'𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐍𝐮𝐫𝐬𝐢𝐧𝐠, sa pamumuno ng kanilang 𝐂𝐥𝐢𝐧𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐨𝐫 na si 𝐒𝐞𝐜. 𝐒𝐡𝐞𝐫𝐰𝐢𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐞𝐥, layunin ng aktibidad na gabayan ang mga kabataan sa pag-unawa sa mga responsibilidad, hamon, at posibleng epekto ng maagang pagbubuntis.
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ni 𝐊𝐚𝐩. 𝐑𝐞𝐧𝐳 𝐕. 𝐃𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠𝐨 kay 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐌𝐚. 𝐋𝐨𝐮𝐫𝐝𝐞𝐬 𝐃𝐢𝐨𝐧𝐢𝐬𝐢𝐨, katuwang ang St. Mary's College of Nursing, muling naipapakita ang kahalagahan ng pagtutulungan ng barangay at paaralan sa paghahatid ng edukasyong makatutulong sa paghubog ng mas responsable at mulat na kabataan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga talakayan, nabibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong higit na maunawaan ang kahalagahan ng tamang kaalaman, maingat na pagpapasya, at pananagutan sa sarili. Higit sa lahat, layunin nitong hikayatin ang mga kabataan na pahalagahan ang kanilang kinabukasan at gumawa ng mga desisyong makabubuti sa kanilang buhay.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa mga 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟕 𝐚𝐝𝐯𝐢𝐬𝐞𝐫 na si 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐂𝐥𝐚𝐫𝐢𝐬𝐚 𝐋. 𝐆𝐨𝐧𝐳𝐚𝐥𝐞𝐬 at 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟖 𝐚𝐝𝐯𝐢𝐬𝐞𝐫 na si 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐒𝐡𝐚𝐧𝐞 𝐄𝐫𝐢𝐤𝐚 𝐆. 𝐄𝐬𝐠𝐮𝐞𝐫𝐫𝐚, gayundin kina 𝐒𝐢𝐫 𝐉𝐨𝐧𝐚𝐭𝐡𝐚𝐧 𝐂𝐫𝐮𝐳, 𝐒𝐢𝐫 𝐃𝐚𝐧𝐢𝐥𝐨 𝐃𝐞𝐥𝐚 𝐂𝐫𝐮𝐳, 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐥𝐨𝐮 𝐂𝐚𝐬𝐭𝐫𝐨, 𝐋𝐋𝐍 𝐙𝐨𝐫𝐚𝐲𝐚 𝐂𝐫𝐮𝐳, 𝐦𝐠𝐚 𝐌𝐋, at 𝐓𝐫𝐞𝐚𝐬. 𝐉𝐞𝐚𝐧 𝐆𝐚𝐫𝐜𝐢𝐚 sa kanilang suporta, pakikiisa, at mahalagang ambag sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.
Sama-sama nating palawakin ang kaalaman, palakasin ang kamalayan, at gabayan ang kabataan tungo sa mas responsable at ligtas na kinabukasan. Dahil ang tamang kaalaman ngayon ay mahalagang hakbang sa mas maayos na bukas! 💛