Mommy Sonia Estrella

Directions

Mommy Sonia Estrella Ituloy natin ang Serbisyong may Malasakit! 💚

The Official page of Mayor Mommy Sonia Viceo Estrella.

𝗧𝗥𝗜𝗖𝗞 𝗢𝗥 𝗧𝗥𝗘𝗔𝗧 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗟𝗚𝗨 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔𝗚 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬! 🎃Spooky pero super saya! Mula sa cute, scary, hanggang sa pinaka-creative na cos...
30/10/2026

𝗧𝗥𝗜𝗖𝗞 𝗢𝗥 𝗧𝗥𝗘𝗔𝗧 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗟𝗚𝗨 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔𝗚 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬! 🎃

Spooky pero super saya! Mula sa cute, scary, hanggang sa pinaka-creative na costumes, talagang naging makulay at puno ng tawanan ang ating Trick or Treat!

Salamat sa lahat ng tanggapan, kawani, at kanilang pamilya na nakisaya at nakibahagi sa ating Halloween celebration.

More fun memories with the LGU Baliwag family!



𝟳𝟯𝗥𝗗 𝗠𝗔𝗡𝗖𝗢𝗠 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗛𝗘𝗔𝗗𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗛𝗘𝗔𝗗𝗦 𝗢𝗙 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗦Mga anak, nitong October 26 ay muli nating nakasa...
27/10/2026

𝟳𝟯𝗥𝗗 𝗠𝗔𝗡𝗖𝗢𝗠 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗛𝗘𝗔𝗗𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗛𝗘𝗔𝗗𝗦 𝗢𝗙 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗦

Mga anak, nitong October 26 ay muli nating nakasama ang mga pinuno ng tanggapan upang muling talakayin ang mahahalagang programa, masiguro ang maayos na koordinasyon sa bawat gawain, at matiyak ang mahusay na pagpapatupad ng mga proyekto sa ating lungsod.

Tinalakay natin ang mga paghahanda para sa mga programa sa darating na 4th Cityhood Anniversary kabilang ang Pamaskong Handog sa Bawat Tahanang Baliwagenyo.

Patuloy nating pagsisikapan na ang bawat pagdiriwang at programang inilulunsad ng ating lungsod ay hindi lamang magbigay ng saya, kundi magparamdam din sa bawat Baliwagenyo na sila ay mahalaga at hindi nakakalimutan.



Malugod na pagbati sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag na nakapasa sa August 2026 Civil Service Examination!...
27/10/2026

Malugod na pagbati sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag na nakapasa sa August 2026 Civil Service Examination!

Tunay na inspirasyon kayo sa paglilingkod nang may husay at puso para sa ating mga kababayan.


📸 IN PHOTOS Bilang paghahanda sa nalalapit na  , nagsagawa tayo ng coordination meeting kasama ang mga kinatawan mula sa...
27/10/2026

📸 IN PHOTOS

Bilang paghahanda sa nalalapit na , nagsagawa tayo ng coordination meeting kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya, tanggapan ng lokal na pamahalaan, mga barangay, at pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod upang matiyak ang isang maayos, mapayapa, at ligtas na paggunita sa Araw ng mga Yumao.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga paghahandang may kaugnayan sa seguridad, kalinisan, pamamahala ng daloy ng trapiko, at agarang pagtugon sa mga posibleng insidente. Katuwang natin ang PNP, BFP, BCPOSO, BJMP, CDRRMO, BCTMO, CENRO, PACC, mga barangay, at iba pang tanggapan upang matiyak ang maayos na koordinasyon at pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang ngayong Undas.

Narito ang ilang mahalagang detalye at paalala ngayong panahon ng Undas, https://www.facebook.com/share/p/1FKqtE1Qj7/



HAPPENING NOWMga kalungsod, kasalukuyang isinasagawa ang Career Expo and Career Orientation 2026 para sa ating mga Grade...
27/10/2026

HAPPENING NOW

Mga kalungsod, kasalukuyang isinasagawa ang Career Expo and Career Orientation 2026 para sa ating mga Grade 10 learners.

Isang pagkakataon para mas makilala nila ang kanilang mga kakayahan, matuklasan ang iba’t ibang career paths, at makapaghanda para sa kanilang kinabukasan.


Mga kalungsod, binabati natin ang mga nagwagi sa Ico and Letty Cruz On-the-Spot Painting Competition nitong ika-18 ng Ok...
26/10/2026

Mga kalungsod, binabati natin ang mga nagwagi sa Ico and Letty Cruz On-the-Spot Painting Competition nitong ika-18 ng Oktubre. Isinagawa natin ang awarding ceremony gayundin ang opening of exhibit sa SM City Baliwag upang kilalanin ang pagkamalikhain ng ating mga kalahok.

Hanga ako sa inyong taglay na talento at sa mga likhang-sining na sumasalamin sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa ating sariling kultura.

Taos-puso tayong nagpapasalamat sa pamilya Cruz sa kanilang patuloy na suporta sa larangan ng sining at sa mga programang nagbibigay ng pagkakataon sa ating mga lokal na alagad ng sining na maipamalas ang kanilang talento at kakayahan.

Mabuhay ang sining at ang talento ng mga Baliwagenyo artists!


26/10/2026

𝟐𝐧𝐝 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐠
Regular Session
October 26, 2026

𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲  |  𝗦𝗣𝗘𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗡𝗢𝗡-𝗪𝗢𝗥𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗬𝗦• NOVEMBER 1, 2026, SUNDAY - All Saints' Day• NOVEMBER 2, 2026, MONDAY - All Soul...
26/10/2026

𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗦𝗣𝗘𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗡𝗢𝗡-𝗪𝗢𝗥𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗬𝗦

• NOVEMBER 1, 2026, SUNDAY - All Saints' Day

• NOVEMBER 2, 2026, MONDAY - All Souls' Day

(Proclamation 1006)


Happy Elderly Filipino Week, lolo at lola! Saya, tawanan, at walang kupas na energy ang hatid ng ating mga minamahal na ...
25/10/2026

Happy Elderly Filipino Week, lolo at lola!

Saya, tawanan, at walang kupas na energy ang hatid ng ating mga minamahal na lolo at lola sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2026!

Happy Elderly Filipino Week, Lolo at Lola! Maraming salamat po sa inyong pagmamahal. Kayo ay mahalaga, kayo ay aming patuloy na pahahalagahan, at kayo ay laging may puwang sa aming mga puso.


𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗣𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔𝗚𝗘𝗡𝗬𝗢, 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗕𝗨𝗟𝗔𝗖𝗔𝗡!Sa ilalim ng programang Bawat ...
25/10/2026

𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗣𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔𝗚𝗘𝗡𝗬𝗢, 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗕𝗨𝗟𝗔𝗖𝗔𝗡!

Sa ilalim ng programang Bawat Bayan Makikinabang, naging matagumpay ang first cycle ng pamamahagi ng tig-10 kilong bigas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa higit 9,000 Baliwagenyo na kabilang sa indigent at vulnerable sectors. Gayundin ang food pack para sa higit 800 Baliwagenyo.

Layunin ng tulong na ito na matugunan ang ilan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at maibsan ang gastusin ng kanilang mga pamilya.

Nagpapasalamat tayo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pagsusulong ng programang naghatid ng konkretong tulong sa mga mamamayan.

Nagpapasalamat din ang Lungsod ng Baliwag sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pamumuno ni Governor Daniel R. Fernando, at sa Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Vice Governor Alex Castro, sa kanilang suporta at pakikiisa para sa kapakanan ng mga Baliwagenyo.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaang nasyonal, panlalawigan, at lokal, mas maraming pamilyang Baliwagenyo ang nabibigyan ng suporta at pagkakataong maibsan ang pang-araw-araw na gastusin.




Address

Baliwag City
Baliuag
3006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mommy Sonia Estrella posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category

Nearby government services