Barangay Valle Cruz

Directions

Barangay Valle Cruz Official page of Barangay Valle Cruz

𝑴𝑨𝑻𝑨𝑮𝑼𝑴𝑷𝑨𝒀 𝑵𝑨 𝑰𝑺𝑰𝑵𝑨𝑮𝑨𝑾𝑨: 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑨𝒅𝒅𝒓𝒆𝒔𝒔 (𝑺𝑶𝑩𝑨) 2026 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑽𝒂𝒍𝒍𝒆 𝑪𝒓𝒖𝒛!𝐎𝐊𝐓𝐔𝐁𝐑𝐄 31, 2026Isang mapayapa...
03/11/2026

𝑴𝑨𝑻𝑨𝑮𝑼𝑴𝑷𝑨𝒀 𝑵𝑨 𝑰𝑺𝑰𝑵𝑨𝑮𝑨𝑾𝑨: 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑨𝒅𝒅𝒓𝒆𝒔𝒔 (𝑺𝑶𝑩𝑨) 2026 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑽𝒂𝒍𝒍𝒆 𝑪𝒓𝒖𝒛!

𝐎𝐊𝐓𝐔𝐁𝐑𝐄 31, 2026

Isang mapayapa at maunlad na pamayanan para sa lahat! Naisakatuparan po ng Pamahalaang 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐕𝐚𝐥𝐥𝐞 𝐂𝐫𝐮𝐳 ang ating 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝒚 𝐀𝐝𝐝𝐫𝐞𝐬𝐬 (𝐒𝐎𝐁𝐀) 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 2026.
Sa pangunguna ng ating butihing 𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐄𝐃𝐔𝐀𝐑𝐃𝐎 𝐒. 𝐒𝐀𝐌𝐎𝐍𝐓𝐄 kasama ang buong Sangguniang Barangay, matagumpay na ibinahagi sa ating mga kagalang-galang na residente ang mga naging tagumpay, programa, at mga proyektong natapos sa nakalipas na mga buwan.

Naging mas makabuluhan din ang ating pagtitipon sa pagdalo ng ating naging pangunahing bisita na si 𝑫𝑰𝑳𝑮 𝐃𝐢𝐫𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐋𝐨𝐮𝐢𝐞 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐫𝐩𝐢𝐢𝐬, na nagbahagi ng kanyang suporta at gabay para sa patuloy na ikagaganda ng ating komunidad.

Gaya ng ating layunin, tayo ay patuloy na magsisilbing:
“𝙉𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙏𝙪𝙣𝙜ο 𝙨𝙖 𝙆𝙖𝙡𝙞𝙣𝙞𝙨𝙖𝙣, 𝙆𝙖𝙖𝙮𝙪𝙨𝙖𝙣, 𝙆𝙖𝙥𝙖𝙮𝙖𝙥𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙆𝙖𝙪𝙣𝙡𝙖𝙧𝙖𝙣.”

Maraming salamat po sa lahat ng ating mga kawani, mga lider-komunidad, at higit sa lahat, sa mga residente ng Valle Cruz na nakiisa, nagtanong, at nagbahagi ng kanilang mungkahi para sa mas magandang kinabukasan ng ating barangay!






Duty for Today.Konsehal Samuel Rosal kasama ang mga masisipag na workers ng ating barangay.
03/11/2026

Duty for Today.

Konsehal Samuel Rosal kasama ang mga masisipag na workers ng ating barangay.

𝑷𝑨𝑻𝑼𝑳𝑶𝒀 𝑵𝑨 𝑷𝑨𝑲𝑰𝑲𝑰𝑷𝑨𝑮𝑻𝑼𝑳𝑼𝑵𝑮𝑨𝑵 𝑺𝑨 𝑴𝑮𝑨 𝑴𝑨𝑮-𝑨𝑨𝑹𝑨𝑳 𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑳𝑼𝑺𝑼𝑮𝑨𝑵 Nobyembre 3, 2026Kasama ang ating masipag na 𝙋𝙪𝙣𝙤𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 ...
03/11/2026

𝑷𝑨𝑻𝑼𝑳𝑶𝒀 𝑵𝑨 𝑷𝑨𝑲𝑰𝑲𝑰𝑷𝑨𝑮𝑻𝑼𝑳𝑼𝑵𝑮𝑨𝑵 𝑺𝑨 𝑴𝑮𝑨 𝑴𝑨𝑮-𝑨𝑨𝑹𝑨𝑳 𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑳𝑼𝑺𝑼𝑮𝑨𝑵

Nobyembre 3, 2026

Kasama ang ating masipag na 𝙋𝙪𝙣𝙤𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙆𝙖𝙥. 𝙀𝙙𝙪𝙖𝙧𝙙𝙤 𝙎. 𝙎𝙖𝙢𝙤𝙣𝙩𝙚, malugod nating itinataguyod ang pagbisita ng mga mag-aaral mula sa College of Nursing dito sa Brgy. Valle Cruz.

Sila po ay mag-iikot upang mag-interview at kumustahin ang kalusugan ng ating mga residente. Hinihikayat po natin ang lahat na magbigay ng suporta at makiisa sa kanilang aktibidad para sa ikagaganda ng ating komunidad.




02/11/2026

ANUNSYO: PAGBABAGO SA ISKEDYUL NG BAKUNA PARA SA MGA SANGGOL

Magandang tanghali po sa lahat.
Nais po naming ipabatid ang ilang pagbabago sa iskedyul ng bakuna para sa mga sanggol ngayong buwan ng Nobyembre, ayon sa abiso ni Mam Kristy ng CHC-4:

• Nobyembre 3, 2026 (Bukas / Unang Martes): WALANG ISKEDYUL ng bakuna.

• Nobyembre 11, 2026 (Ngayong Miyerkules): Gaganapin ang bakuna sa Camella.

• Nobyembre 16, 2026 (3rd Monday): Balik sa Regular Day na iskedyul ng bakuna.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Mag-ingat po ang lahat

𝙊𝙆𝙏𝙐𝘽𝙍𝙀 28, 2026Ang mahalagang programang ito ay personal na pinangunahan at binigyang-suporta ng ating masipag na 𝙋𝙪𝙣𝙤𝙣...
28/10/2026

𝙊𝙆𝙏𝙐𝘽𝙍𝙀 28, 2026

Ang mahalagang programang ito ay personal na pinangunahan at binigyang-suporta ng ating masipag na 𝙋𝙪𝙣𝙤𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙀𝙙𝙪𝙖𝙧𝙙𝙤 𝙎. 𝙎𝙖𝙢𝙤𝙣𝙩𝙚, kung saan siya ay nagbahagi ng kanyang mensahe at paalala ukol sa kahalagahan ng kalusugan sa ating mamamayan.

Layunin ng aktibidad na ito na itaas ang kaalaman ng bawat mamamayan ukol sa mga sintomas, tamang pag-iwas, at lunas sa sakit na Tuberculosis (TB) sa pamamagitan ng mga pang-edukasyong talakayan.

Malaki ang pasasalamat ng Pamunuan ng Barangay sa ating mga naging katuwang mula sa 𝙉𝙪𝙚𝙫𝙖 𝙀𝙘𝙞𝙟𝙖 𝙐𝙣𝙞𝙫𝙚𝙧𝙨𝙞𝙩𝙮 𝙤𝙛 𝙎𝙘𝙞𝙚𝙣𝙘𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙏𝙚𝙘𝙝𝙣𝙤𝙡𝙤𝙜𝙮 (𝙉𝙀𝙐𝙎𝙏) - 𝘾𝙤𝙡𝙡𝙚𝙜𝙚 𝙤𝙛 𝙉𝙪𝙧𝙨𝙞𝙣𝙜 sa pagbabahagi ng
kanilang kaalaman bilang mga Resource Speakers:

• Grace C. Lopez, MAN, RN
• Dr. Rose Ann R. Paet, RN
• Dr. June Christian G. Reguyal, RN
• Dr. Zuzette B. Catabona, RN
• Dr. Girlie D. Tayao, MAN, RN

Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag, iginawad ang mga Sertipiko ng Pagkilala sa mga indibidwal na naging bahagi ng tagumpay ng programa. Patuloy nating isulong ang pagkakaisa at pagpapalaganap ng wasto at sapat na impormasyon para sa mas malusog na mga pamilya sa 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙑𝙖𝙡𝙡𝙚 𝘾𝙧𝙪𝙯.

𝖠𝖭𝖴𝖭𝖲𝖨𝖸𝖮: 𝖢𝖲𝖶𝖣𝖮 𝖯𝖠𝖸𝖮𝖴𝖳 𝖯𝖠𝖱𝖠 𝖲𝖠 𝖦𝖱𝖠𝖣𝖤 𝟭𝟮 𝖲𝖳𝖴𝖣𝖤𝖭𝖳𝖲 (𝖡𝖠𝖱𝖠𝖭𝖦𝖠𝖸 𝖵𝖠𝖫𝖫𝖤 𝖢𝖱𝖴𝖹)Para sa mga magulang at mag-aaral ng Grade 12 na k...
28/10/2026

𝖠𝖭𝖴𝖭𝖲𝖨𝖸𝖮: 𝖢𝖲𝖶𝖣𝖮 𝖯𝖠𝖸𝖮𝖴𝖳 𝖯𝖠𝖱𝖠 𝖲𝖠 𝖦𝖱𝖠𝖣𝖤 𝟭𝟮 𝖲𝖳𝖴𝖣𝖤𝖭𝖳𝖲 (𝖡𝖠𝖱𝖠𝖭𝖦𝖠𝖸 𝖵𝖠𝖫𝖫𝖤 𝖢𝖱𝖴𝖹)

Para sa mga magulang at mag-aaral ng Grade 12 na kasama sa listahan ng may 𝖢𝗈𝗆𝗉𝗅𝖾𝗍𝖾 𝖱𝖾𝗊𝗎𝗂𝗋𝖾𝗆𝖾𝗇𝗍𝗌 mula sa CSWDO, narito po ang iskedyul ng inyong payout:

PETSA: October 30, 2026 (Biyernes)
ORAS: 10:30 AM
LUGAR: Training Center, City Hall

𝙈𝘼𝙃𝘼𝙇𝘼𝙂𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝘼𝙇𝘼𝙇𝘼:

Guardian Lamang: Ang guardian o magulang lamang po ang pinahihintulutang kumuha ng payout na nakatala sa listahan magdala po ng photocopy ng valid id.

𝙋𝘼𝙐𝙉𝘼𝙒𝘼: 𝙐𝙉𝘾𝙇𝘼𝙄𝙈𝙀𝘿 𝙉𝘼 𝘽𝙄𝙂𝘼𝙎Narito po ang listahan ng mga residente na hindi pa nakukuhang bigas mula sa 𝙋𝘽𝘽𝙈 𝙍𝙞𝙘𝙚 𝘿𝙞𝙨𝙩𝙧𝙞...
28/10/2026

𝙋𝘼𝙐𝙉𝘼𝙒𝘼: 𝙐𝙉𝘾𝙇𝘼𝙄𝙈𝙀𝘿 𝙉𝘼 𝘽𝙄𝙂𝘼𝙎

Narito po ang listahan ng mga residente na hindi pa nakukuhang bigas mula sa 𝙋𝘽𝘽𝙈 𝙍𝙞𝙘𝙚 𝘿𝙞𝙨𝙩𝙧𝙞𝙗𝙪𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢.

Kung nakalista po ang inyong pangalan o pangalan ng inyong kamag-anak, maaari po makipag ugnayan sa:

𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙃𝙖𝙡𝙡 𝙣𝙜 𝙑𝙖𝙡𝙡𝙚 𝘾𝙧𝙪𝙯, 𝙨𝙖 𝘾𝙤𝙫𝙚𝙧𝙚𝙙 𝘾𝙤𝙪𝙧𝙩
Mangyaring magdala ng photocopy ng 𝙎𝙚𝙣𝙞𝙤𝙧 𝘾𝙞𝙩𝙞𝙯𝙚𝙣 𝙄𝘿 𝙤 𝙖𝙣𝙪𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙡𝙞𝙙𝙤𝙣𝙜 𝙄𝘿.
Para sa mga katanungan, maaari po kayong tumawag sa 0955-624-3639 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙞𝙣𝙛𝙤. 𝘾𝙤𝙪𝙣𝙘𝙞𝙡 𝙈𝙖𝙧𝙠 𝘼𝙣𝙩𝙝𝙤𝙣𝙮 𝙑𝙞𝙡𝙡𝙖𝙣𝙤𝙯𝙖.

Maraming salamat po!

Para sa mga taga-Barangay Valle Cruz, Cabanatuan City! Huwag palampasin ang "KAPIT BISIG - TB" program na handog ng atin...
27/10/2026

Para sa mga taga-Barangay Valle Cruz, Cabanatuan City!

Huwag palampasin ang "KAPIT BISIG - TB" program na handog ng ating barangay sa pamumuno ni Hon. Eduardo S. Samonte, kasama ang NEUST College of Nursing.

8-30 AM to 12Noon
Basketball Court

Alamin natin kung paano mapoprotektahan ang ating mga baga at ang buong pamilya laban sa TB.

27/10/2026

MULA SA PAMUNUAN NG BARANGAY VALLE CRUZ
Isang magandang araw po sa ating mga ka-Barangay, lalo na sa mga miyembro at namamasada ng TODA!

Para sa lahat ng namamasada na residente ng Barangay Valle Cruz—may MTOP man o wala, basta't kasalukuyang namamasada—inaanyayahan po kayong magtungo sa ating Barangay Hall upang mag-update at mag-fill up ng form.

Mangyari lamang pong dalhin ang mga sumusunod kung mayroon kayo:
• Driver's License
• MTOP (kung mayroon lang po)

Ang hakbang na ito ay mahalaga para sa maayos na pagpapatala at pag-update ng rekord ng ating mga lokal na biyahero sa barangay. Bukas po ang ating tanggapan mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Paalala po na ang DEADLINE para sa pagpapatala ay sa Oktubre 28, 2026.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at mag-ingat po kayo sa inyong pamamasada!

26/10/2026

MULA SA PAMUNUAN NG BARANGAY VALLE CRUZ

Isang mapayapang gabi po sa ating mga ka-Barangay!

Kasalukuyan pong umiikot ang ating mga Bantay Bayan para sa pagpapatupad ng curfew hours sa ating nasasakupan. Kung sakali po na mapagsabihan o pauwiin ang inyong mga anak na nasa labas pa ng bahay, huwag po sana nating mamasamain o ikagalit.

Ang tanging layunin po ng pamunuan ay mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at proteksyon ng ating mga kabataan laban sa anumang kapahamakan.

Umaasa po kami sa inyong buong pag-unawa, suporta, at kooperasyon para sa isang mas ligtas na Barangay Valle Cruz.

Maraming salamat po at mag-ingat po tayong lahat!

Address

Valle Cruz
Cabanatuan City
3100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Valle Cruz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share