29/10/2026
𝗕𝗔𝗦𝗜𝗖 𝗟𝗜𝗙𝗘 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗢𝗥𝗜𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 🚑🫀
💙 𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘭𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘮𝘢𝘣𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘴𝘪 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘳𝘢𝘱 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘮𝘪𝘥𝘢𝘥.
Sa pangunguna at gabay ng ating butihing 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝘀𝗲𝗹𝗹𝗲𝗿 "𝗥𝗼𝘀𝘀" 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹, nagsagawa ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗶𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻, 𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 (𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠𝗗-𝗠𝗢) ng 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗰 𝗟𝗶𝗳𝗲 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁 (𝗕𝗟𝗦) 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 noong 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟮𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟲, ganap na 𝗮𝗹𝗮𝘀-𝟴:𝟬𝟬 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 sa 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮 𝗠𝗲𝗷𝗶𝗮 𝗣𝗿𝗶𝘃𝗮𝘁𝗲 𝗥𝗲𝘀𝗼𝗿𝘁, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗣𝗮𝗻𝘀𝗼𝗹, na dinaluhan ng mga resort caretakers mula sa iba’t ibang resort sa Calamba City.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga resort caretakers sa wastong pagtugon sa mga emergency, kabilang ang pagbibigay ng agarang tulong at pagsasagawa ng Basic Life Support upang makatulong sa pagliligtas ng buhay.
Ang orientation ay pinangunahan nina 𝗠𝘀. 𝗖𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗲 𝗥𝗼𝘅𝗮𝘀, 𝗠𝗿. 𝗘𝗱𝗺𝗮𝗿 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗶𝗮𝗴𝗮, 𝗮𝘁 𝗠𝗿. 𝗢𝗿𝗹𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗯𝗮𝗱 bilang mga facilitators.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀, 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗖𝗔𝗧𝗦𝗗𝗗), bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaligtasan at kahandaan sa mga tourism establishments sa lungsod.
Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, patuloy na isinusulong ng CDRRMD ang isang mas ligtas, handa, at responsableng komunidad. 🦺❤️
🤝 Kaalaman at kahandaan, susi sa pagliligtas ng buhay!
⚠️ 𝗣𝗔𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔:
Ang CDRRMD-MO ay patuloy na nagpapaalala sa publiko na sa oras ng emergency o pangangailangang medikal, agad na humingi ng tulong sa mga awtoridad at emergency response teams.
Para sa agarang tulong at emergency response, maaaring makipag-ugnayan sa:
📞 𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠𝗗 𝟮𝟰/𝟳 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗛𝗢𝗧𝗟𝗜𝗡𝗘: 0917 148 9813
See less